chapter 7

2.8K 49 1
                                    

Noreen's Pov

"here! stop the car!" nakangiting sabi ko. tinigil niya naman yung sasakyan at bumaba na kami.

"are you sure we're going to eat here?" parang nandidiring tanong niya.

saan ko sya dinala? sa may kainan sa tapat ng paseo. yung parang karindirya na foodcourt.

"wag nang maarte. tara na." hinila ko naman siya papasok at umorder na ng pag kain.

"ate isang order po ng bulalo. 2 orders of barbecue. and 2 order ng lechong kawali. 5 order ng kanin" pag-order ko ng pagkain. naghanap na kami ng mauupuan. dala ni kurt yung tray na may pagkain. pero to be follow yung bulalo.

umupo na kami ng makahanap kami ng pwesto. at kumain. muka namang nag-eenjoy si Kurt eh. pangatlong rice niya na ngayon.

"hey. easy. mabubusog ka nan. di mo matitikman yung bulalo." sabi ko sa kanya habang natatawa.

ngumiti naman sya at napamakamot sa batok "ang sarap kasi eh. hehe" nahihiyang sabi niya.

"tsss." naiiling na nangingiti na lang ako.

"ma'am bulalo po" sabi ni kuya habang nilalagay sa table namin yung bulalo.

naglagay ako sa isang bowl ng bulalo and binigay kay Kurt

"here. taste it. isa yan sa the best dito." sabi ko habang nakangiti.

tinikman niya naman. napatulala siya at seryoso.

"what do you think?" tanung ko.

unti-unti syang ngumiti at tila namangha. "ang saraap!" sabi niya. napangiti naman ako.

"told yah" ako :)

kumain na kami ng matiwasay hanggang sa matapos kami at busog na busog ako. grabe.

"C.R lang ako Kurt" paalam ko sa kanya. naiihi na kasi ko.

"sige. I'll wait you here" sabi niya habang nagbabayad ng kinain namin.

tumayo na ko. at dumiretcho sa C.R.

palabas ako ng makakita ko ng tatlong lalaki na nag-uusap sa dadaanan ko.

tumungo na lang ako. para sana lampasan sila. pero..

"oh. wait lang miss. nagmamadali ka ata?" sabi ni tambay 1

"oo nga. dito ka muna. samahan mo kami." sabi ni tambay 2

di ko na lang sila pinansin. at tutuloy na sana sa paglalakad nang hawakan na ko sa braso nung isa.

"dito ka muna sabi. ang ganda mo naman. bat ba ang pakipot mo?" sabi ni tambay 3

"pwede ba! lalaking mukang bisugo. bitawan mo ko!" wala na sumabog na ko. nakakainis na eh. di ko na nga pinapatulan eh.

"pare matapang. yan ang gusto namin sa babae." sabi ni tambay 2

"oo nga. mukang masarap ka din ah" sabay dila sa labi niya at kagat labi.

grabe. nakakadiri. ang mamanyak nila. arghh.

"anu ba. bitaw sabi eh! mga bisugong manyak!" sigaw ko. habang nagpupumiglas sa hawak nung lalaki

"hoy mga panget. bitawan niyo nga siya." sabi ng boses sa likod ko.

yung boses na yun kilala ko kung kaninong boses yun.

"bakit ka ba nangengeelam? sino ka ba?! at kaano-ano mo ba to?!" bulyaw nung lalaking may hawak sakin.

"asawa ko lang naman yang minamanyak mo" pacool na sabi niya habang nakapamulsa. at seryosong nakatingin sa mga lalaki.

"ah asawa pala mga tol. osya pare. peram muna ng asawa mo. titikman lang namin tapos ibabalik din namin." sabi nung tambay 1 at nagtawanan sila.

grabe. natatakot na ko. di naman ako ganun katapang eh. kinikilabutan na ko. huhu. help me. :'(

nakita kong papalapit si Kurt at sa isang kumpas lang wala na yung nakakadiring nakahawak sa braso ko at nakatumba na yung tatlong jejemon.

Married to Mr.Playboy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon