Kurt's Pov.
sobra talaga ang galit sakin ni noreen. ni di niya ko kinakausap o tinatapunan ng tingin.
nasayang na naman yung pinrepare kong pagkain. di niya kinain eh.
umakyat na ko sa taas at nagbihis na. kailangan kong pumunta sa office para ayusin yung mga naiwan kong work. dahil sa nangyari kahapon.
pagbaba ko. nandon pa rin sya at nanunuod ng tv.
"alis muna ako. pupunta ko sa office. marami kong naiwang trabaho eh" paalam ko sa kanya. pero di man lang niya ko pinansin.
lumapit ako sa kanya para halikan sya sa noo. pero agad siyang nag-iwas ng tingin. at tumayo.
"ano ba! can't you see I'm watching tv. istorbo ka naman eh." mahina pero may diin na sabi niya.
umalis na lang ako at dumiretcho sa company.
kailangan kong gumawa ng paraan. para magkaayos na kami. namimiss ko na yung asawa ko na maingay. pero anong gagawin ko?
pumunta na ko sa office. at lumapit naman sa akin yung babaeng nanghalik sakin kahapon at dahilan ng pag-aaway namin ni Noreen. bigla naman kumulo ang dugo ko sa kanya.
"sir. sorry po kahapon. di ko dapat ginawa yun. dahil tuloy sa akin. nag-away kayo ni ma'am. sorry po talaga. wag niyo po sana ako sisantihin" hinging paumanhin niya habang nakayuko.
di ko na lang sya pinansin at didiretcho na sana sa office ng bigla nya ulit akong tawagin. tumingin naman ako sa kanya.
"sir. eto po yung nabagsak na paperbag ni ma'am. naiwan po kasi sa may pinto" sabay abot ng paperbag sa akin ng nakayuko pa rin. kinuha ko naman at. pumasok na sa office.
binuksan ko ang paperbag at nakita ang ang 2 blue couple shirt. so ito pala yung pinunta niya kahapon. may naisip naman akong magandang idea. at agad na tinawagan sina Geneva at barkada ko.
------
Noreen's Pov
ang hirap tiisin ni Kurt. mahal ko na kasi talaga siya. pero kailangan. i have to move on kung hindi patuloy lang akong masasaktan.
it's 5 in the afternoon at wala na kong magawa. bored na bored na ko. nang biglang magring ang phone ko.
*ring ring.
chineck ko ang caller ID at si geneva yun. so inanswer ko na.
[hello bru!] pasigaw na sabi niya sa kabilang linya. agad ko namang nilayo ang phone ko sa tenga ko
[ouch. ano ba? pwede hinaan boses? rinig ko naman eh. bakit ka napatawag?]
[bru. si kurt kasi....] agad namang kumabog ang dibdib ko. nung marinig ko ang pangangatal ng boses ni geneva
[what happened? tell me! anong nangyari?] pasigaw na sabi ko nag-aalala na talaga ko.
[bru. naaksidente si Kurt. nabangga yung sinasakyan niyang kotse.] natulala na ko. di na ko nakasagot pa sa kanya.
[bru. nandito kami sa may calamba. sa may 'the plaza' pumunta ka na dito........hello bru! anjan ka pa ba? bru bi----]
di ko na sya pinatapos. inend ko na yung call at nagdiretcho sa kotse at pinaharurot papunta sa Calamba.
'Kurt, please keep safe. I love you'
BINABASA MO ANG
Married to Mr.Playboy (Completed)
Fiksi Remajacompleted na po siya. promise! :) di ko lang po ma-note as completed. nakamobile lang po kasi ako. pasensya na :)