Chapter IX
*NSE:"I feel cheated"*
"Eto?? Nagmall ako mag-isa..... Eto naman ... wala. maghapong buryo sa hapon... taposss itooo. Warla kami ni Justin tas dito naman may katext siyang mga higadss" -_- kaloka alalahanin lahat ng pangyayari. Kung maibabalik lang ang lahat ng pangyayari. Gusto ko yung time na magkakakilala pa lang kami ni Justin. Gusto ko mapigilan yun. At sana hindi na lang kami nagkakakilala at hindi naging kami. Para hindi ako ganto ngayong may iniindang sakit na nararamdaman sa puso. Kasi sa totoo lang, kahit anong pilit na pakisama ko sakanya nang maayos, naalala ko pa rin lahat ng mga panloloko niya.
*Flashback*
(1st month)
"Niña" sigaw sa pangalan ko , lumingon ako habang naglalakad . Yung bestfriends kong sila Jm & Patrick pala.
Huminto ako sa paglalakad "O why oh why? may naiwanan ba ako sa school? Ba't niyo ko hinabol?" halatang hinabol nila ako, hingal na hingal eh.
"Bakit mag-isa ka lang umuuwi simula nung monday? Hindi ka na ata hinahatid ni Justin ah?" Si Jm. Classmate ko siya since Grade 1 until now na high school na kami.
"Ewan ko siguro busy siya. Atsaka kung gusto niya talaga akong ihatid, siya dapat ang lumalapit sakin di'ba... ?" sabi ko. Aminin ko medyo nagtatampo na ako ng mga araw na yun pero ayoko na lang ipaalam. "... teka , bakit niyo pala ako hinabol?"
"Wala lang , Gusto ka lang namin sabayan pauwi!" Si patrick.
"Huh? Sure ba yan na kayong dalawa sasabay sakin pauwi eh di ba sa kabilang barangay ka Patrick? Naliligaw ka na ata? hahaha?" tanong ko. At biglang nagkatinginan yung dalawa.
si Jm na sumagot sa tanong ko kay Patrick "Ah ano kase...ahmm pupunta din kasi siya samin... Oo tama! dun siya pupunta samin. Kaya sabay na tayong tatlo."
Naglalakad na kami pauwi nang may madaanan kaming Ministop.
"Pahinga muna tayo! Nagugutom na rin ako eh. Atska wala tayong recess kanina." sabi ni Patrick
"Sige tara dun sa Ministop. Nagugutom na rin ako eh." sabi ko. Wala kaming recess kanina kasi ung lobby na dadaanan namin papuntang canteen eh ginamit for Friday Mass kanina. Nakaramdam ako ng gutom kaya pumayag na rin ako.
Nakaupo na kami sa maliit na table for 2. Dinagdagan na lang namin ng isang monobloc kasi nga tatlo kami.
ako
----
: : Jm
----
Patrick
yan yung arrangement namin..
"Hindi ka ba naiiritang umuwi mag-isa?" panimula ni Jm habang hinahalo gamit straw yung Chillz na inorder niya.
"Grabeeee? Parang nung Elementary hindi ka pa nasanay sakin ? Madalas ako umuwi mag-isa from grade4-grade6 diba?" sagot ko. Hindi sa "No friends at #ForeverAlone ako noon. Kundi dahil kapag uwian, nagii-stay pa kami ng friends ko noon sa school para maglaro at kumain at kapag uuwi na, Hiwa-hiwalay ang ung mga streets na dadaanan na namin kaya wala talagang akong kasabay pauwi.
"Kasi di ba ? Ano pang silbi kung nagka-boyfriend ka tapos hindi ka man lang ihatid pauwi sa bahay niyo? ..." biglang tanong ni Jm at tumango naman sa Patrick na tila nag-aagree sa sinabi ni Jm."... Kahit man lang hindi sa bahay niyo eh, kahit ihatid ka lang ng unang highway na tatawirin mo masiguro lang na safe ka"
BINABASA MO ANG
Nanliligaw si Ex??!
No FicciónAnong gagawin mo kapag ang taong pinipilit mong kalimutan ay nagpaparamdam pa rin sayo ?! Break na nga kayo lahat lahat, pero andiyan pa rin siyang kumukulit sayo? ×××××××××××××××××××××××××××××× Hi! that's only a teaser and an intro at the same tim...