Chapter XXIII "Productive day"

31 2 0
                                    

Chapter XXIII

*NSE:"Productive day"

Natapos ko na lahat ng homework ko including activity. Kaya ito. Lamon again and again. Sarap ng chicken mami kooo. Weeeee-

*Phone Vibrates*

Notification:"Alert for the gift"

Wahhhhhh! Oo nga pala bukas na yung birthday ni Justin. Buti na lang talaga nagawa ko yung calendar memo na 'to sa phone ko. Haiii. #theperksofbeingmakakalimutin

Ay oo nga pala naka gawa nako ng malaking  letter ko for Justin. Ok na yun. ^_____________^

It's August 3rd, Sunday.

As usual. No classes for today. Tengga na naman ako sa bahay kasama ng baby ko...

Yung Ref namin yung tinutukoy ko. Siya yung baby ko. Basta pag bored ako siyang lang naman ang hanap ko. Wahahaha.

Tinatapos ko ng ubusin yung mami ko.

Oops! Until I found something...

Magazine siya. Men's Magazine for the clarity. Oo malamang binuklat ko noh! Hahahaha

"shhhhhhhhhhit" I just whispered. Napabitaw ako sa hawak kong spoon and fork.

Ang sexy ng model na babae. I just looked at the bottom section para malaman ko kung sino siya. Na-curious ako. Hindi dahil sa ka sexy-han niya. Kung hindi dahil sa ABS niya. Shit! Na-miss ko na naman si 4-pack ABS ko . "Arggggh!!!"

Napahawak ako sa 3-pack na TABS ko. Kainis. Bakit ngayon lang ako natauhan???  huhuhuhu

I grabbed my phone and search for a user named Valerie Weighman via instagram. Hinanap ko yung mga tips and ways how to bring back my ABS  again.

"Ka-Insecure ahhhhh!" haist. Ayoko na kumain...

Ahm...

Wait...

last subo na... Wahahahaha.

***

*phone rings*

*i moaned*

Pagkadilat ko. Hinanap ko yung phone ko. "Ughhh. It's. Only 6 in the morning. Sino ba tong bwisit na to?"

I answered the call. ("Yesh")

("Hoy. Asan ka na ? Papunta na ako ng Dance studio!")

I think si Sherline yun. Napatingin ako saglit sa name ng caller. Tama! Si Sherine nga ... And ("Shit!!!)

("Hello? O baket ? Asan ka na ba?) Sherline

May dance practice nga pala kami para sa College night. Haist. Bwisit! Nakalimutan ko mag-alarm. ("A-ah wa-wala. Eto na . nagbibihis na. Sige na. I'll call you later ") end call.

haisttt! Ang agang rush na naman !!!! Wala ngang kaming klase pero ganito naman ngayon?

15mins Ligo - 2mins bihis - 10mins ayos mukha then here I come.

Navy blue palda-shorts, black statement shirt, perry back pack, all black vans. Sinimplehan ko lang. Sayaw lang naman yun atsaka birthday na rin ni Justin today kaya dala dala ko yung big birthday letter ni Justin.

"Tagal ahhhh!" mga classmates ko.

"Hihi. VIP nga eh. Ano ba kayo? Paninindigan ko na 'to. Hahahaha" palusot ko. "Ano? Tara game!"

Warm-up muna with simpleng kwentuhan na rin siyempre. Kung hindi lang namin participation grade ito sa midterm hindi talaga ako sasama sa College Night na yan. Tss. Waste of time and money. Kaumay pa.

*phone vibrates*

("May cycling ka ba? Ang ikli ng palda mo") from Justin.

Uhh? Panong???

Ahmm. Palda short tong suot ko. No need for cycling. Tumingin ako sa paligid ng Gym. Natanaw ng aking malabong mata yung mga classmates ni Justin. Oww. Bat andito sila? ("Palda-short tong suot ko. Atska ito yung regalo mo sakin noon. May practice din pala kayo?") sent.

As of now, kung napapansin niyo... Hindi ko pa rin siya  binabati ng "Happy Birthday" wala lang lang. Trip ko lang

Wahahahaha

*phone vibrates*

("Ahh.. Sige. Patapos na rin kami sa practice. Kanina pa nga kami andito eh. Kayo? What time kayo matatapos?") Justin.

("Ay. Haha. Wala kakaumpisa lang namin eh. Pero feeling ko saglit lang kami. Rehearsal na lang kasi ito. Tapos na kami sa mga routines. Tex na lang kita ah;)))") sent.

Pero joke lang yun. Kulang pa nga kami ngayon kaya baka ma-extend pa kami dito. Hahahaha

*phone vibrates*

("Sige. I love you iñaang!") Justin.

Iñaang ang tawag niya sakin sa tex man or sa personal simula nung nag-brake kami. And kapag nag-I love you siya.. Wala na kong reply.. Expected niya na yun ;)))

A/N

Ang bad ko ba? Hahaha..mas bad yung manloloko *bitter* at pinaka bad yung silent reader na hindi nagvovote man lang *chos*

Nanliligaw si Ex??!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon