Dear readers,

34 1 0
                                    

"Ang ganda ng story mo..."

"Uy mag-update ka na. Inaantay ko kaya..."

"Gagawa-gawa ka ng story tapos hindi mo tatapusin..."

Yan kayo. At yung iba, hindi ko na ime-mention yung sinabi niyo. I found it as a complements , rather than insults. Nabitin kayo? It means nagandahan kayo sa story or... Napagtripan niyo lang talaga yung trip ko. Hahaha

Thank you haaaa. Hindi ko expected na aabot ng 1K+ ang readers ko. Gusto ko lang naman i-share ang kung anong meron ang lovelife ko.

Sad to say... Hindi ko na itutuloy 'tong ka-cheap-an ko. Hindi sa tinatamad ako. Pero masyadong marami na ang nangyari samin. Non-fictional kasi 'tong story na akala ko maganda ang ending kapag Fictional ang pinasok ko.

Pero ang totoo niyan... Kahit anong pasok ko sa "create" section ng wattpad account ko, wala na talaga akong maidagdag sa story. Dala na rin siguro ng pagiging super emotional ko???

Naguguluhan na ba kayo? Sorry pero ayoko naman ikwento ang lahat lahat kung bakit natigil ang story na to sa chapter na 'to.

Sabihin na lang natin na... Masyado lang akong nag-expect na may "forever" sa lovelife ko... Samin. Ang ending, nasaktan nga ako tulad na lang ngayon.

Yung pakiramdam ko na simula na lang na may ma-involve na babae?? Habang umaasa ako sa sinabi niyang ... "Ikaw lang ang mamahalin ko forever"

Wala na pala yun. Salita lang pala talaga yun na pinaniwalaan ng tangang katulad ko.

Sa ngayon... Kami na ulit. Nakakarindi diba? Lalo na yung makakarinig ka at makakaramdam ka ng salitang "ulit". Kahit ang kabuuan ng story ko eh nanliligaw siya. At mababasa niyo na ako lang talaga ang mahal niya. Meron talagang tendency na maloko nang patago ang isang tangang tulad ko. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Yung noong sensitive ako kaya nasabi niyang mahigpit ako? O sa insensitive ako kaya niya daw ako pinagpalit?

Non-sense kung magdadrama pa ko sa inyo readers. Nangyari na eh. Basta ang alam ko. Napapagod na din ako.

Thankful na lang din dahil naayos pa ngayon. Hindi nga lang ganon kaayos na yung tipong bawat oras, isusumbat niya sakin na naging pabaya ako kaya pinagpalit niya ko?

Ang akin lang naman ... Binago ko lang yung pagiging sensitive at mahigpit na ayaw niya noon.

Sabi nga nila.. Bata pa ko. Masyado pang maaga para ipagsisikan ang sarili ko sa taong halos lahat gustong baguhin sakin. At puro mali na lang ang pinupunto sakin.

Kaya ko namang mag-antay na balang araw maayos ulit ang punyetang lovelife na yan. Kaso tao rin ako. Nasasaktan. Napapagod. Napupuno. Nagawa ko na yung kung anong kaya ko. Nasa sa kanya na lang kung ma-appreciate niya.

Sorry.. Ang drama ko. Pero gumaan ang loob ko. Thank you readers.

Nanliligaw si Ex??!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon