Chapter XXI "Im dating with my EX"

49 2 0
                                    

Chapter XXI

*NSE:"Im Dating with my EX"*

Niña's Pov

Ang init sa labas ng church kahit 4PM na. Ayan tuloy pawisan nako.

"Ahm. Restroom muna tayo" sabi ko kay Justin.Tapos na ang misa. Yung homily kanina parang may gustong iparating. Basta maging loyal daw. Sana narinig ni Justin yun. Loool. haha. Pero parang malalim yung iniisip niya kanina. Ewan ko lang. Feeling ko lang. Andito na ako sa wash room. Punas ng pawis at onting retouch. Viola! Ok na. Paglabas ko ng restroom nag-aantay na si Justin sakin sa bungad. Nung nakita niya ako bigla na lang siyang ngumiti. Ewan ko ba. Dapat pala talaga lagi kami magsisimba para mawala yung masamang espiritu sa kanya niya at maging pogi ulit sa ngiti niya. haha.

"So saan mo gustong kumain?" tanong ni Justin while hawak yung kamay ko.

"KFC !!!! " sagot ko agad "Nauuhaw ako sa gravy hahahah" sabay naman kaming tumawa. The return of JUNIN na ba ito? Wala lang, Napansin ko lang kasi ang saya namin parehas. May pa morning date , morning date pa kami kanina and church date ngayon. Tapos magkahawak kami ng kamay habang naglalakad papuntang KFC. Month of July na so, Isa't kalahating buwan siyang nanliligaw ulit ngayon. Matagal ba or kulang pa? Well... no one can say. Maybe kay Justin matagal pero para sa akin naman kulang pa. Masaya lang talaga kami ngayon at kung tutuusin mukha talaga kaming may relasyon. Stepping stones lang siguro ito simula noong nagkaroon kami ng malalang away at hiwalayan. Siguro nga kulang pa ang panliligaw niya. Kasi para sa akin masakit pa rin eh. Kapag naalala ko ang mga nagawa niya sa akin noon hindi ko maiwasang mag-ibang mood agad. Ang hirap. Nagmumukha na akong bipolar. Yung tipong nasa parehas akong stages, moving-on stage and forgiving stage? I can forgive but forget??... I dont think so. Masakit talaga. At the same time natutuwa ako sa pagkatao ko na nakayanan ko ang lahat ng iyon without any negative changes on my personality and attitude. Baka nga Better version of me pa nga mangyari kapag nagtagal haha. Yung mga nagpapaka-emo and alone? no offense but sinaktan na nga sila tapos pagmumukha pa nilang kawawa ang mga sarili nila? Wag ng painosente. If you get down 10 times, stand up 20 times or triple for better. Wag nga lang masosobrahan sa pagkalutang. Magpaka-down-to-earth din kung gusto pa nating magkaroon ng kaibigan.

("qwdidieiwajjajjwwudckruckru") ayan na naman yung tummy ko. haist. Medyo malapit na kami sa KFC. Medyo napahaba lakad namin kasi andami talagang tao kapag weekend, samahan pa ng pagde-daydream ko kaya lalong tumagal. hahaha

"What do you want? Ofcourse ung malalagyan ng gravy Alam ko na yun. right? hahaha" si Justin

Andito na kami sa counter. nakapila. Buti na lang medyo onti lang ang tao. "Oo sige tapos Bucket of Fries siyempre. Hanap lang ako ng table-"

"No. Ikaw oorder hindi ako. Ako na bahala sa table " Si Justin. Takot sa Counter talaga kahit kailan.

Ever since na kumakain kami sa labas ako na lang lagi pinapapila at pinapaorder niya. Eh pano... Nauutal daw siya at kinakabahan. Baka daw magkamali daw siya ng sabihin kaya ako na lang daw, tutal kapag may mali yung kahera nagagawa ko pang makipagtalo. hahaha.Haiiii Cashier lang pala katapat mo Justin xD "Kahit kailan ka talaga . Oo na sige na." sabay tumawa na lang siya habang papalayo sa pila.

Nakuha ko na yung order namin and parang may kakaiba sa inorder ko. ayt  mamaya konna nga iisa-isahin. Hinanap ko yung table kung na saan si Justin.

"Oh???? inorder mo lahat yan? Andami naman?" sabi ni Justin.

Hinampas ko agad yung kamay niya pagkalapag ko sa table ng foods. "Wag ka maingay. Yun na nga yung sasabihin ko sayo ihh. Parang may na doble na order. wait..." kinuha ko yung resibo at inisa-isa lahat. ".... ahhhh okay... nadoble yung Funshots tapos isang extra rice. hahahahha"

"Oh? hahaha sabi ko sayo eh. Dapat ikaw lagi ang oorder eh-" Justin

"Baliw ka. Ang sabihin mo takot ka  sa cashier. hahahahah. Kumain na nga lang tayo. Sayo yung extra rice ahhh, oh eto yung extra bowl... ikaw na magrefill ng Gravy habang walang masyadong tao. nakakahiya naman sayo , ako na nagbuhat lahat ng 'to" sabi ko.

Agad naman siyang sumunod at kumain na lang agad. Gutom na ko ehhhhh. As always. Nagkuwentuhan lang kami saglit sa KFC pa rin after kumain. Since maraming tao eh nakakatamad naman talaga mag-ikot pa sa mall kaya nagdecide kaming umuwi na lang. Tutal 8PM na rin.

"Next time agahan natin pumunta sa mga malls at siyempre yung hindi weekend. Para hindi tayo makikipagpatintero sa daan." si Justin.

Nakasakay na kami ng Bus pauwi. Hindi naman kami ganon kapagod. Sa totoo lang hindi na nga kami nakapuntang powerbooks kasi naunahan kami ng gutom. Parehas lang kaming inaantok siguro dahil sa madami kaming nakain na may freebies pa. hahaha. Kapag naalala ko talaga yun natatawa na lang ako. Hindi ko na nagawang ibalik sa counter kasi blessing yun. Wag tanggihan. Lalo na't gutom talaga kami. hahaha

"Inaantok ka? isandal mo ulo mo sa balikat ko if you want to take a nap." si Justin.

Yea. Inaantok ako at nilalamig pa. eh pano... nakatutok pa sakin yung aircon dito sa bus. Hindi ko na mapipigilan yung hangin kasi sira ung closure ng aircon . as in parang butas lang talaga siya na naglalabas na malamig na hangin. Pinulupot ko ang braso ko sa braso ni Justin at sumandal sa balikat tulad ng sinabi niya. Hindi ako makatulog sa sobrang ginaw. Kulang na lang kumanta ako ng "let it go" ng Frozen at gumawa ng snowball at mambato kahit kanino para mapansin ng konduktor na sira yung closure ng aircon nila. hayyy Sana makababa na kami.

"Oh dahan dahan!" Si Justin. Inaalalayan niya ako pababa ng Bus. Eh pano??? Namanhid na ata yung kalahati ng katawan ko dahil sa ginaw at matagal na pagkaka upo kanina kaya hirap akong maglakad nang maayos. "Kaya mo ba? Tatawag na lang ako ng pedicab."

"No. Lakarin na lang natin yung station ng pedicab. Bingi kaya yung mga yan" sabi ko. pinilit kong lumakad pa. At nagagawa ko naman. Haist kung wala lang akong allergy sa alikabok edi sana nag-ordinary bus na lang kami +__________+"

Nakasakay na kami ng pedicab. ng biglang-

*O___________O*

Niyakap ako ni Justin "para mainitan ka. Ang lamig mo pa rin hanggang ngayon kahit kanina pa tayo nakababa sa Freezer Bus na yon. Naalala mo yung pumunta tayo ng laguna? Sobrang lamig din sa Bus na sinakyan natin. Ginaw na ginaw ka noon. At kahit alam mong may sakit kana nag-enjoy ka parin kasama sila mama. Sakitin ka talaga... at gusto ko ako lang ang nurse mo." At lalong humigpit ang yakap niya sakin.

Sa ilang saglit na 'yon, napaisip ako... namiss ko agad siya, Na-miss ko na maging kami, na maaalagaan pa ko ng sobra. Sana kasi nagka amnesia na lang ako para mawala na yung iniindang sakit sa puso ko mula nung sinaktan niya ako. I very love anything in this day. I love this moment. Even if Im just dating with my Ex.

Nanliligaw si Ex??!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon