Chapter XXXIII "Author First"

30 2 0
                                    

A/N

Bullshit but please read

(As if namang basahin niyo??)

Sa story details pa lang nakalagay na yung Non-Fiction and Fiction category ng story na 'to. But then dumating yung mga characters na handlang eh baka maging Rumor at Suspense na rin ito. At dahil walang bumoboto or comments despite of 1K+ reads eh siguro naboboring na kayo kaya baka pasukin ko na rin ang Comedy ... Or baka naman gusto niyong maging Restricted18+ ang PG category nito. Hahahaha

Paki-abangan na lang ang bawat Chapters. Hindi ko sinabing gagawin ko all categories mentioned above.

Chapter XXXIII

*NSE:"Author First"*

Niña's Pov

Nakakaantok!!! Sa sobrang lamig naman hindi ako makatulog sabayan pa ng soon-to-Christmas Season (ang bilis no? November na) Tumayo muna ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa bed.

"Ate Niña, si Kuya Justin?"

Nagulat ako sa nagsalita. Mini-heart attack na yung naramdaman ko. Parang boses kasi ng batang nangunguha sa gabi Haist "a-ah Josh!! Gising ka na pala. Si Justin? Hindi ko alam eh. Baka bumili lang sa labas..." tumabi ako sa kama niya "... Gusto mo bang kumain?"

Kinumutan niya ang kanyang sarili "Hindi po ako nagugutom ih. Inaantok pa po ako" sabay pikit ng dalawang mata

"A-ah ganun ba? Sige gisingin na lang kita kapag andiyan na yung kuya mo" ang weirdo ng batang 'to -_-"

Kinuha ko na lang ang phone ko at humiga sa sofa.

Facebook: 50+ notifs

Twitter: 21+ notifs

Instagram: 32 likes, 10 follow requests

Isang linggo rin ako hindi nakapag check ng accounts. Tumingin lang ako sa kung anong Trending sa twitter: #WalangForever #DLSUScandal #PATATAS

"Dfq" ang wi-weirdo ng mga trending ngayon. May bitter, may scandal, my patatas pa? Ano yun? May twitter si Princess Sarah? Hahaha

Nagsawa ako sa kaka-scroll, like, favorite, retweet. Pero wala pa rin si Justin. Wala naman akong load para itext siya kasi kaka-expire lang kanina. Haist.

"Justin, Asan ka na ba??" -_-"

*vibrates*

Napatingin ako sa phone ko. Wala naman nagtext. Napahanap ako sa sofa. Nakita ko yung phone ni Justin. I open it baka kasi tungkol kay Joshua yung message. But I saw nothing. 4438 lang pala.

Nakakabored. Kaya pumunta na lang ako sa gallery ng phone ni Justin. Magpapasa na lang pictures namin, I'll make edits and gagawan ko ng collage. Love Love Love

*Scroll scroll scroll*

Puro pictures nga namin until one photo get into my nerves. Picture ng isang babae na naka-nurse attire.

Sino siya? At Bakit may picture siya dito?

Hindi nako nagaksaya pa ng oras. Pumunta ako ng messages and call logs

Justin's Pov

"Nakakagutom!!" sabi ko sa sarili ko. Nakahiga lang ako sa pinagdugtong na solo sofa. At katabi ko si Niña na nakatalikod sa akin. Hindi ko alam kung tulog na ba siya or what. Mababaw lang kasi ang tulog niya. Onting ingay gising agad. Nag-aalangan naman akong gisingin siya kasi mukhang pagod siya. Kaya ako na lang ang bibili ng makakain ko sa Mcdonald's malapit dito.

Maingat at tahimik kong kinuha ang wallet ko at lumabas. Nakasakay na ako ng elevator. Medyo natagalan ako bago makarating ng lobby dahil bawat floor level na madaanan eh may sumasakay at lumalabas.

Papalabas na ko ng entrance ng may humawak sa braso ko.

Grace's Pov

"Haiiiii! Malas!!!!" Kainis. Bakit pa kasi ako nakita ng Info-Desk Head namin sa Starbucks kanina -__-" nahuli tuloy akoooo. Napa-over time pa ako ng wala sa oras. Tsk !!!!

Ayun ngay. Katabi ko na si Info-Desk Head, hindi ako uuwi hanggat hindi raw siya nag-ooff duty. Unfair!!!! Eh night shift siya eh. Tsk ako namang uto-uto andito.. Dating gawi. Nakapangalong-baba  habang nah bi-view ng CCTV Footages ulit.

Nurse talaga ako. Kaso ang dami ng nurse dito sa hospital kaya sa ibang gawain ina-assigned tulad ko. Pero nagagamit ko ang pagiging nursing ko kapag nay magpapakuha ng Blood Pressure or BMI. Pero ayun nga. Kulang ng popcorn sa trabaho kong ito.

O________O !!!!!

"Wait..." napalapit ako sa screen kung saan may lumalabas na lalaki mula sa isang roo. Sa 5th Floor. Minumukhaan ko siya... ".. Ow!!! It look's like my good vibes are approaching again" si Justin yun. Hindi ako nagkakamali.

Mula sa ibang screen.. Pinapanuod ko siyang pumasok ng elevator. Tinignan ko ang mga nasa paligid ko. Wala ang Info-Desk Head. Baka nag-cr? Che!!! Bahala na . Aalis na ko at susundan ko si Justin-my-first-love noh!!!!

Dali-dali kong kinuha ang BVLGARI hand bag ko. At tumakbo papuntang elevator. Nasa 2nd floor down to lobby pa lang ang nakalagay sa monitor "tsk. Malas" tumakbo ako papuntang fire exit at gumamit ng hagdan. Buti na lang talaga nag palit na ako agad ng flat shoes. Timing whoo! 3rd floor to Lobby? Not bad!!!

Finally!!! Nasa lobby na ako kasabay ng pagbukas ng elevator sa may di kalayuan. Nakita ko si Justin na papuntang exit. Tumakbo ako ng napakabilis (with poise!!!) baka hindi ko siya maaubutan. Siya lang naman ang pampa-goodvibes ko eh. Baka mawala pa.

Nang makarating ako sa tabi niya. Ngiting-inosente ako at kumapit sa braso niya. Sumabay  na ako papalabas ng Hospital.

"Hi First love--- este Justin. Hehe" sabi ko. Pawisan ako malamang. Pero ok lang yan.

"Ow? You're here" nakalabas na kami ng exit at huminto saglit at humarap sa isa't isa dahilan para matanggal ang pahawak ko sa braso niya. "W-wait ba't ka pawisan? Ang lamig kaya sa loob" tinuturo niya ang exit

"A-ahhh. Eto? Mga pawis ko..?" inilagay ko ang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko at pinunasan ang pawis sa noo ko "k-kasi nagkaproblema sa  facilities naming mga nurses. Nasira yung aircon . hehe a-atska napagod din ako eh. Ang dami kong ginawa."

"Aah. Ganun ba? so pauwi kana?" Justin

"Ahmn a-Oo. Pauwi na nga ako. Off ko na eh. P-pero kung may pupuntahan ka samahan na kita" sabay ngiti ng napakalaki para maipakitang sincere akong samahan siya.

"Sa Mcdonald's lang ako. Ayan lang oh.." tinuro ang kabilang street na katapat namin "...No need na for chaperon Grace . hahaha. "

ano daw? Chaperon? Sakit nun ahhhh ;((( pero ayoko magpadala sa sinabi niya. Sayang yung tinakbo ko sa fire exit kanina para mauwi lang sa wala. "Ahm ahh . di ba nga pagod ako? Malamang gutom na rin ako kaya sasabay nalang ako sa'yo" sabi ko. Sabay hawak ulit sa braso niya at hinila nang napakagaan papunta sa Mcdo.

Nanliligaw si Ex??!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon