Chapter XXVII "Hangover"

21 1 0
                                    

Chapter XXVII

*NSE:""Hangover*

"ugggggh!"

"Ang sakeeeet!!"

Kakagising ko lang pero malas na agad ang bungad. Sabayan pa ng sakit sa ulo dahil sa hangover. "Teka!!!!!"

Napatingin ako sa katawan ko. Nakabihis ako ng Pajamas. Panong????!!.

"Lasing na lasing ka kagabi. Ako na nagdala sa'yo dito sa kwarto mo..." *Gulp* humigop muna ito ng mainit na kape habang papalapit sakin "...oo nga pala. Kala ko ba tinapon mo na yung ibang gamit ko dito simula noong mag-break tayo??..." *Smirk*

"Oo nga!! Tinapon ko na! Baket?" sigaw ko habang nakasandal sa head board ng kama

"hahaha. Ikaw talaga ahh. Pinagnanasaan mo yung damit ko noh??. Kunwari ka pa. Eh ano 'tong suot ko ngayon? Di ba akin 'to? Hahahaha. Thank you ahh. Lulusot ka pa eh. Nakita ko 'to sa cabinet mo kagabi kaya nagbihis na ako" sabay ngiti ng nakakaloko

"Hoy Justin!!! Tinapon ko na yan matagal na!! Baka nakita lang ni lola na maayos pa, kaya binalik niya sa cabinet ko!!! Wag kang assuming!!.." napatingin ako sa pajama ko "A-atsaka... Teka! Sino nagpalit ng suot ko kagabi??!" pagtataka ko. Lasing na lasing nga ako kagabi kaya hindi ko na talaga matandaan pa simula nung makababa kami ng sinakyan naming pedicab.

"Woah??..." lumapit si Justin at umupo sa tabi ko. "...hindi mo alam kung sino nagpalit ng damit mo kagabi??" *evil grin*

"hi-hindi eh. Kasi nga di-diba? Lasing na ako. Ts-tsaka sino ba nagpalit ng damit ko? B-bat hindi mo pa s-sabihin??" nanginginig kong tanong. Eh pano?? Kinakabahan ako. Baka siya nagpalit ng damit ko. Mapapatay ko talaga 'to.

Hindi naman kasi kami katulad ng cliché na nasa tv na kunwari mag-papanic si girl kasi ang alam niya si boy yung nagpalit ng damit niya. Yun pala yung kasambahay nila . Diba ? Wag mangmang. Napaka-cliché kaya ng eksenang yon. Gamit na gamit na . atsaka wala kaming nanny no. Duh?~ hindi ako tamad!!!

Lalo pa siyang lumapit sakin at any time mahahalikan niya na ako sa puwesto namin. "hindi mo talaga alam?? Atska... Hindi lang damit ang napalitan sa'yo Ms Niña..." lalo pa niyang nilapit ang bibig niya sa tainga ko at bumulong "... Pati underwear mo iba na din" *he winks*

O_____________O

Pati underwear mo iba na din

Pati underwear mo iba na din

underwear ..

underwear ...

A-ano daw???? Nakakabingi yung sinabi niya. Nabigla ako sa sinabi niya paulit ulit pa sa tainga ko.. pero nung nag sink in na sakin yung sinabi niya, napalitan yung pagkabigla ko ng galit

∆____________∆ "ANONG SABI MOOOOOOOO?!!!!!"

Sa kamalas-malasan... Nasalo ni Justin yung kamao kong muntik nang maglagay ng black eye sa mukha niya. "hahahahahahahaha..." habang humahagalpak ng tawa, patuloy niyang sinasalo lahat ng pananakit na ginagawa ko gamit ang kamay at braso ko. Isama na natin ang paa ko "... Hahahaha. Grabe ahhh. Teka lang hindi naman ... Hahahahah. Hindi naman ako yung nagpalit ng damit mo ehh... Hahahaha. Tama na Iñaang!" pagtatanggol ni Justin sa sarili niya

Justin's Pov

"Ano nga kasi ??? Sino nagbihis sakin???" hahaha. Ang cute talaga asarin ng babaeng 'to. Aamin na ba ko?? Hmmm. Sa totoo lang kasii....

"Wait lang ahhh. Puwedeng huminahon ka muna...?? Kasi ganto yon"

Flashback

"oh!! Dahan-dahan ahh. Nasa tapat na tayo ng bahay niyo. Malapit na tayo sa kwarto mo" sabi ko. Sa sobrang kalasingan ni Niña, naglakas-loob na akong kumatok sa gate nila. Kaso walang nakakapansin sa amin. Kaya binuksan ko na lang yung bag ni Niña dahil gaya nung kami pa... May susi siyang ginagamit pambukas ng gate nila.

Pagkapasok namin. Pinaupo ko muna si Niña sa sofa at hinanap ang lola niya na madalas niyang kasama dito sa bahay nila.

"Iho! Andito ka pala! Asan si Niña?" biglang bungad sa akin ng lola niya na palabas ng kuwarto niya. Ang sarap sa feeling na kilala pa rin ako ng lola niya simula nung hindi na ako dumadalaw dito. ;))))

Ahmmm. Paano ba 'to? "Ahmm.. Lola. Yun na nga po ang pinunta ko dito..." naramdaman kong hawak-hawak ko pa rin yung susi na kanina'y ginamit ko pangbukas ng gate at front door nila. "ahmm k-kasi po. Ito po..." iniangat ko yung mga susing hawak ko. May naisip ako bigla ahmmm... ".. Ibabalik ko lang po ito kay Niña. N-naiwan niya po kasi sa akin" palusot ko. Hindi ko pe-pwdeng sabihin sa lola niya na nasa sofa si Niña at lasing na lasing. Malamang isusumbong siya nito sa mama at papa niya na nasa malayong lugar, lalo na't mag-aalas tres na ng madaling araw ko siyang naihatid.

"ayyyyyy. Ganoon ba? Asa kuwarto na si Niña. Tulog na ata atsaka... Iho... Puwede bang ikaw na mag-abot dahil hindi ko na rin kayang mag-akyat-panoog sa kuwarto niya??" bilin sa akin ni lola

"ayy wala pong problema. Sige po. Aakyat na ako. Matulog na po kayo ulit lola. Goodnight po " nakangiting sabi ko.

Hinintay ko munang makabalik ng kuwarto si lola bago ko binalikan si Niña na nakahiga at natutulog na pala sa sofa. Hahaha ang kulit niya talaga malasing

"Oh dahan-dahan. Andito kana sa kuwarto mo. Mahiga ka muna Iñaang." akay-akay ko siyang inihiga sa kanyang kama at iniangat ang kanyang paa para maging komportable ang paghiga niya.

"hon!!! " *moans* "... Dito ka lang ahh~" biglang nagsalita si Niña at habang nakapikit pa ito ay hinila niya ang aking braso dahilan para mapaupo ako sa tabi niya.

"Oo hon, dito lang ako sa tabi mo" sabi ko. Hinawakan ko ang kanyang mainit na pisngi. Namumula na ito pati ang kanyang labi. Ewan ko ba. Nakakapagod ang gabing ito. Pero sobrang saya pa rin kasi natatawag ko siya sa "Hon" . Nakakamiss na rin kasi. Kaya sino ba naman ako para tumanggi pa diba? Pa-choosy lang?

Hinawakan ko ang noo ni Niña at hinimas papunta sa buhok niya nang paulit ulit. "Teka!!!.."Napaupo si Niña dahilan ng pagkagulat ko O______O "hindi pa pala ako nagpapalit ng pantulog." tumayo ito at binuksan ang cabinet niya. Nang makahanap na ito ng susuotin, dali dali itong pumunta sa banyo dahilan para malaglag ang hawak nitong panty at bra.

Napangisi ako sa ginagawa niya. Siya lang kasi yung nakita kong lasing na nagagawa pang magpalit ng pajamas. Alam niyo yun? Yung mga palabas na kapag nalasing hindi na nagpapalit ng suot hanggang sa mag-umaga na? Hahahaha. Pero si Niña iba eh. Kahit pagewang-gewang kumilos ginawa pa rin niya. Ang weirdo talaga ng babaeng 'to haha.

Tumayo ako para kunin yung nalaglag niyang panty at bra. Habang hindi pa nalakock yung banyo eh binuksan ko na ito. Hindi ako nakatingin sa loob. Yung kamay ko lang ipinasok ko para iabot yung underwear niya "Oh!!! Nalaglag mo" sabi ko ng natatawa

Inabot naman niya ito. "Sh-shalamat" rinig kong ume-echo sa loob ng banyo.

End of flashback

..hindi naman talaga ako yun. Trip ko lang siyang asarin. Para magising ang diwa niya at makapag-gala muna ngayong sembreak.

Nang naging malinaw na kay Niña lahat...

"Maligo ka na Iñaang. Uuwi muna ako samin tapos susunduin kita dito ulit. Lalabas tayo"

Hey you!!

Vote nao~ hahaha

Comment na din for dedications *wink*

-Author

Nanliligaw si Ex??!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon