Chapter XIV
*NSE: "Dissapointed"*
*Niña's Pov*
Nakakaantok, hindi ko alam kung napagod ako o napadami lang yung lagay ng vetsin sa Soimai-rice kanina.
Pero nasasaktan lang ata siguro ako. Masyado ako nag-expect kay Justin. Naging sweet ako ng wala sa oras kasi akala ko magiging sweet din siya.
Naglalakad na kami pauwi, inakbayan ko siya kahit ngalay na yung kili-kili ko dahil sa mataas yung balikat niya kaysa sakin. In short, matangkad siya. o.o At sa sobrang ngalay, tinanggal ko muna ung braso ko sa pagkaka-akbay sa kanya. Akala ko aakbayan niya ako pabalik pero hinigit lang niya pala yung balikat ko para mapunta sa side-walk.
Ba't parang ang cold niya? Madami ng kwentong lumalabas sa mga bibig ko pero ngiti lang yung binabalik niya. Niyayakap ko siya sa likuran niya habang nakikipagharutan pa. Kahit alam kong mukha na akong clingy and over-attached girl-he-admired sa paningin ng iba. Hindi ako tumitigil na magbaka sakaling siya naman yung maging sweet sakin.
Kumain kami ng street foods kasi hindi pa ata ako nakuntento sa kinain namin kanina. "Ang kalat mo kumain, puro breading na yung labi mo oh~" si Justin
"Wala akong panyo, pahiram muna ako nung sa'yo" sabi ko. Dumudukot na siya sa bulsa niya habang kinukuha ung hanky na hinihiram ko. Tumingin ako sa ibang direksiyon at itinapat ko talaga sa kanya yung bandang labi ko na may breading.
Medyo nag-abang ako pero... "Oh! Pinusan mo na" on his cold-tone sabay bigay ng hanky sakin. Akala ko.... Akala ko siya na magpupunas ng labi ko pero.... Akala ko lang pala yun. +_+
Malapit na kami sa bahay. Hindi na ako umiimik. Pagod na kong magpaka-sweet sa isang cold na tao at umasa sa wala. Hindi man lang niya talaga ako tinanong kung bakit ako biglang nanahimik -_- Ano fre? Mas manhid pa kay "Man of Steel" ???? Kaya bago pa siya magtanong pumulupot na lang ako sa braso. Kahit wag na holding-hands tulad ng kanina. Ok na 'to. ;(
Medyo nabibigatan na ako sa bag ko. Sipag eh. Daming laman -_-. Tinanggal ko yun sa pagkakasabit sa balikat ko at hinawakan na lang na parang dinuduyan ko sa ere. Dati rati kasi noong kami pa, na kapag ginaganito ko yung shoulder-bag na dala ko, alam ni Justin na nabibigatan ako at kukunin niya yun para siya na ang magbuhat. Pero ngayon... na halos nakarating na ako ng gate ng bahay namin, hawak ko pa rin yung bag na sobrang bigat. T_T
" sige na abutan ka pa ng ulan oh , nag didilim na." on my cold-tone
" sige , pero kiss ko muna ??? " O.o?? Ayos ah. Kung kailan wala na ko sa mood maging sweet, doon naman siya umabuso ng ganto.
Then I kissed him right away. Sa cheeks lang, Wala na'ko sa mood eh -_-
*phone vibrates*
---------------------------------------
from:Justin
iñaaaang ... nasa bahay na'ko :)
----------------------------------------
("Ge.") reply ko.
napagod ako ng sobra. Sa kakalakad at kaka-asa kanina.
*phone vibrates*
---------------------------------------
from:Justin
iñaaang , galit ka ba??
bat ganyan ka mag text ang tipid mo .
wala naman akong nagawang mali peroo bat ganyan ???
---------------------------------------
Bakit ngayon niya lang napansin =_=
(" wala lng di kasi ako sanay makipag landian sa text eh . ") Aaminin ko. Ibang-iba ako sa Text at Personal. Lalong-lalo na kapag sinamahan mo ng dissapointment. Nakakainis lang
*phone vibrates*
---------------------------------------
from:Justin
eeeh ako pa rin naman to ha , yung Justin na kasama mo kanina .. katext mo lang ako ngayon tas di ka na sweet ???
---------------------------------------
Oo nga. Ikaw nga yan. Ikaw nga yung paasa kanina. Na kahit magmukha akong tangang linta na dikit ng dikit sa'yo , eh wala talaga akong napala.
(" kasasabi ko lang dibaaaa ??!!!! ") reply ko
*phone vibrates*
---------------------------------------
from:Justin
sge po
---------------------------------------
Grrr. Imbes na mag-sorry kasi ang Cold niya, wala eh. Nagtanong pa talaga siya kung bakit ako nagkakaganto. Nakakainis lang +_+ Dapat alam niya yon.
Sakanya na nanggaling, na kapag naging sweet ako sa kanya maapreciate niya. At mas lalo pa raw niya akong pakikiligin kapag nangyari yon.
Oo nga. naapreciate nga niya. Appreciate lang pero wala siyang ginawa. tsk. Ma-try ko ngang maging yelo din someday !!! ._.
×××××××××××××××××××××××××××××××××
A/N
Bitin ba ? Sorry kung per chapter ako kung UD ahhh? hihi. Thrill din yuuuuun ^___^
400+ reads naaaa !
thank you ;)
Votes ;*
BINABASA MO ANG
Nanliligaw si Ex??!
Non-FictionAnong gagawin mo kapag ang taong pinipilit mong kalimutan ay nagpaparamdam pa rin sayo ?! Break na nga kayo lahat lahat, pero andiyan pa rin siyang kumukulit sayo? ×××××××××××××××××××××××××××××× Hi! that's only a teaser and an intro at the same tim...