Chapter XXX "First Love"

50 1 0
                                    

Chapter XXX

*NSE:"First Love"*

Justin's Pov

Grrrr. Game over nanaman ako.

Kanina pa ako nandito sa mini salas naglalaro sa iphone ko. Ang tagal dumating ni Niña. Wala man lang text or tawag akong natatanggap sa kanya simula pa kanina.

("Sxjxjdiidcisiaofocgogoeckruckruckru")

O__________O napatingin ako wall clock ng kwarto na 'to kung nasaan naka-confine ang kapatid ko.

1:45 PM na palaaaaaa! Wala pa akong lunch. Haist. Ang tagal naman nila mama. Hindi ko naman pwedeng iwan na lang si Joshua dito.

*creee-eekk*

"Justin!!!" nagulat ako sa iniluwa ng pinto. Akala ko si Niña na. Si mama lang pala.

"Oh !! Ma? Saan kayo galing?"

"kumain lang kami." sagot ni mama habang nilalapag sa isang side table ang box ng J.CO

=_____________= hindi man lang nag-aya

"Sige mama. Ako gutom na gutom na. Kakain lang ako." sabay labas ng kwarto. Tumapat ako sa elevator at pinidot ang Arrow down.

*ting!*

Pagkabukas ng elevator. May nakita akong babae. Familiar siya. Humakbang ako at tinabihan ang babaeng nasa loob ng elevator.

"Ehemm!.. Baka naman.. matunaw ako niyan kakatitig mo sakin... Justin?" tumawa ito nang may katamtamang lakas.

Teka????!!! Kilala niya ko?? "kilala mo ko miss?" nagtatakang tanong ko.

*ting!*

Saktong bumukas na ang elevator at andito na kami sa ground.

Napahinto kami pareho sa may lobby "Hm Oo naman. Hahaha. Ano ka ba? Ang bilis mo namang makalimot? Ako to!!! Si Grace!! Grace Moretz. Your first love" sagot niya at hindi pa rin nawawala yung ngiti niya habang nagsasalita siya

"Ahhhhhh!!! S-sorry Grace. Alam mo naman na iba na talaga ang epekto ng puberty kaya nagiiba itsura ng mga tao. Hahaha Ahmm you look better uh!" sabi ko

"Hmm. Tama na biro. Haha. So saan ka nga pala papunta ? Mag-cocoffee ako. Alam mo na... Nursing.. Puyatan lang ang peg." si Grace

"Ahhh. C-coffee? Sure! Sigi. Yun din naman ang pinunta ko dito sa baba"

Sabi ko "so... Tara?"

"Tara!" sang-ayon niya

Niña's Pov

"Papaaa!!!"

Nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko akalaing andito na sila mama at papa sa Pinas.

"hahahaha. Teka papasukin mo muna kami ng mama mo. Paano ka namin mayayakap di ba? Hahaha" patawa ni papa. Humakbang siya papasok ng gate at sinundan naman ni mama. Yumakap silang pareho sa akin. Ang sarap ng feeling na ganito.

"Lola!!! Andito na sila mama!!!" Sigaw ko sa loob ng bahay. Naeexcite ako na ewan. Hahaha

May sumunod namang dalawang body guards kila mama at papa nang makapasok sila ng front door. May nilapag itong tatlong malalaking kahon na nababalutan ng styro foam at packaging tape.

"Ma!! Pa!! Yaan na ba ang usong Maleta ngayon?? " Seryosong tanong ko

Tumawa naman silang lahat kasama na ang dalawang Men-In-Black este body guards nila papa. "Ano ka ba anak. Pasalubong namin yan lahat sayo. Lahat lahat yan. " sabi ni mama

"Ahhhhh. Hulaan ko... ahmmm. Dark chocolates, dress, tsaka make-ups karaniwang laman niyan no? Hahahaha". Hula ko

"Hahaha. Ikaw talaga. Oo. Tama ka. Hala sige. Maupo tayo Iha. May sasabihin kaming importante sa'yo na siguradong ikatutuwa mo."sabi ni papa

Na-excite naman ako siyempre. Kaya umupo ako agad. Kahit saang upuan kahit hindi ako komportable basta nakaupo daw. Haha

"Ahm Anak, malapit nang maging company owner yung papa mo... " panimula ni mama "... Kaya kami nandito, una para magcelebrate kasama ka siyempre dahil ikaw ang unica hija namin" napatingin si mama kay papa ng ikaw-na-magtuloy-ng-sasabihin-ko-look

Nagsalita naman si papa.. "At pangalawa... Gusto ka na naming kunin dito sa Pinas para doon na sa Amerika ituloy ang pag-aaral mo, at maturuan din kita ng pagiging business woman lalo na't HRM ang kinuha mo. Hindi tayo makakapasiguro pero gusto kong ikaw ang maging heredera ng lahat ng ipapatakbo ko"

Justin's Pov

"Hahahaha. Ganun ba ? Siguro kaya ka gumanda ng ganyan kasi nakikitropa ka na kay Belo at Calayan? Nursing ka diba? Hahahaha" biro ko.

"Grabe ahhh. It just runs in our genes. " sabi ni Grace.

Andito kami ngayon sa Starbucks ng First Love ko... Tama First Love nga at siya yun. Si Grace Moretz. Naging kami noong Grade 6 pa ako. Ang aga ko lumandi diba ? Hahaha at nakakatuwa lang na nagkita kami ulit.

"Oh ano?? Musta ang buhay-buhay? Ahhh. Sige ganito, simulan natin sa LoveLife... Musta ang love Life natin Jus. Who's that lucky girl?" Grace *evil grin*

"Uhhh? Lucky talaga? Hahaha. Ahm sabihin na lang natin na single ako ulit. But---"

*crashhhh*

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng biglang may naka bangga sa akin sa hallway na babae. Natapon ang kakaorder nitong Venti size ng ice-cold coffee and unfortunately natapunan ako sa aking kanang balikat ko dahilan para madumihan ang white polo ko . Brrrrr. Lamig !!!!

"So sorry sir. Ahmmm hindi ko po sinasadya. " pagmamakaawa ng girl na na nakatapon ng coffee

Ewan ko ba. Hindi man lang ako nakaramdam ng inis. Baka sadyang good mood lang ako. Kaya ganun. "no no need. Its okay. Nakita ko rin yon. I knew it. It was just an accident. Its okay miss!" sabi ko sa babae na kulang na lang lumuhod kakasabi ng sorry

Tumabi sa akin Grace na kanina'y katapat ko lang sa table. "OM--- Ano?? Ok kalang? Resbakan na ba?" pinupunasan niya ang kanang balikat ko ng hanky niya na color pink at napansin kong may Initials pa ito ng G.M. (Grace Moretz)

"hahaha. Ano ka ba. Anong resbak? Aksidente lang yun nohh. Atska ako na. Ako na bahala. May dala rin naman akong extra shirt ko kaya magpapalit na lang ako mamaya..." napatayo ako dahil sobrang lapit na rin ni Grace sa akin. "... Gotta go na. Babalikan ko pa yung kapatid ko Grace eh." paalis na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko.

"Tawagan mo ako haa. " May iniwan siyang calling card sa kamao ko na medyo nakakuyom. At umalis na ito dala ang coffee niya.

Haiii. First Love dies nga ba ?

Comments:

may libreng kiss

Votes:

Torrid

...na sapak. Hahaha

P.S. ang sakit ;(((

-author

Nanliligaw si Ex??!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon