Chapter XIX "Reminiscing"

45 1 0
                                    

Chapter XIX

*NSE: "Reminiscing"*

" Magbihis ka na agad tapos Uminom ka ng gamot mo ah?" Justin.

Dont tell me what to do. Lool. joke lang. "Ok ikaw din Ingat ah" ako. Basang-basa kami ng ulan. Wala kasi kaming dalang payong no matter na alam naming masama na ang panahon. Tapos pagpasa-pasahan ka pa naman ba ng mga pedicab drivers na ayaw magsakay kesyo malakas daw ang ulan???? Duh~ Tuwing rainy days kaya in demand ang magpedicab. tss.

Here na kwarto ko. Nakakatamad kumilos. Na-istranded daw si Justin sa may Cityland na medyo malapit naman dito samin. Gusto ko siya puntahan. °=° ayyy teka. Kakasabi ko lang na nakakatamad kumilos dibaa?? ("adieiqixckruckru") HALA OH ! yung mga lovely pets ko sa aking lovely tummy nagiingay na naman -_-" maulan nga pala. At mas mabilis akong magutom kapag gantong rainy season. What if puntahan ko na si Justin kung saan siya naistranded? Marami namang convenient store dun para makakain na rin. Maitext nga.

Naalala ko pa noong kami pa... kapag nagugutom ako, isang text ko lang kay Justin pupunta na siya agad dito sa bahay. Minsan siya na bumibili sa Mcdo or KFC tapos dito kami kakain sa amin or kaya naman. Kaming dalawa mismo maghahanap ng makakainan, Hungree Burger, Burger Machine, Ihaw-Ihaw or what ever just to get rid of these tag-gutom nights. Yah! Night nga. Kahit umabot kami ng madaling araw sa labas kakahanap ng makakainan eh Ok lang. GUTOM KUNG GUTOM EH. Then after naman kumain, babalik na kami sa tapat ng bahay namin then tuturuan niya akong mag skate gamit yung overly-attached skate board niya. RIDES lang ho! Eh kapag tinuruan mo ba naman ng tricks yung mga tulad kong lampa, LAM NA! @_@"

*phone vibrates*

"ayy puk-" la oh. muntik na maging SPG ang rate ng book na 'to. Bunganga mo kasi Nins.

Nagreply na si Justin sa text ko kanina na gusto ko siyang puntahan. ("Wag na, stay safe ka na lang diyan sa bahay, wala ka ngang payong eh") from Justin.

He-he. Oo nga noh? Wala pala akong payong. ("Opo. Sige ingat ulit") reply ko. Bayaaaan. AZZAR ah. Wala pa naman laman ref namin ngayon. Hindi pa ako nakakapag-grocery -_- ("#kzkdmedkdckruckru") Huhuhu. Ayan na naman yung mga lovely pets koo. Sorry ahhh. No plans for tonights-taggutom. Sama kasi ng panahon ih.

***

"BOOM! PANES! BOOM BOOM PANES PANES! BOOM-"

"hmmmm??? Ang ingay!! Sino ba yon? Ang aga-aga pa eh~" tsk. kitang tulog pa mga tao ang iingay naaaa -_-

"Ate, may birthday kasi kaya ganon" si Hershey, pamangkin ko. Lumalamon na naman ng pandesal na may Cheese Whiz dito sa kwarto.

"Anong trip nila? 'pag may birthday kailangan mambulabog ng iba?? HAIST. Mga ugaling-iskwater talaga." reklamo ko, eh pano?? 7AM pa lang mula nung mag-text si Justin na home safe na daw siya kaya natulog na lang ako kahit gutom. Ang sarap na nga ng tulog ko kasi kumakain dae ako ng madaming bakes Zitti sa Sbarro, Tapos ganito pa mga tao sa labas, nagiingay nang walang katuturan. Ewan ko ba kung bakit dito pa kami lumipat. Samantalang ang tahimik na dun sa dati naming tinitirhan limang kanto lang ang layo dito. DFQ.

"Alam mo naman mga tao sa labas eh. Makapag-videoke kala mo maraming handaan. Eh imbes na konti, wala eh. Inuman lang talaga tapos magsisigawan pa yan mamaya..." Hershey. Sabay kagat sa pandesal niya. "Oi, Djwuavmain kana. thapfowx mhagesjxnrocmerys ka daw"

Tinanggal ko yung kumot na nakataklob sa mukha ko. "Try mo muna kayang lunukin yung nilalamon mo bago ka magsalita. Wala kaya akong naintindihan. Ang alam ko lang PG ka" sabi ko.

Ni-nguya niyang mabuti yung kinakain niya sabay lunok. "Sabi ko, kumain kana tapos mag-grocery ka daw." si Hershey.

"Wow ah. Hindi ba kayo marunong mamili hah? Ang alam mo lang lumamon talaga eh noh??..." sigaw ko. Hindi siya sumagot. Tinapos lang niya yung pagkain niya sabay alis ng kwarto "...Hoy! Nahawaan ka na ba ng lahing iskwater??" pahabol ko. Haist. Mga tao these days. Take note pamangkin ko lang naman yon. Ni-hindi pa nga teen-ager yun eh. Lam na, Mana sa ugali ng nag-alaga. tsk tsk. poor ~

Nanliligaw si Ex??!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon