Chapter XVI "OJT"

37 0 0
                                    

Chapter XVI

*NSE: "OJT"*

"Ano na? nagugutom na ko. Tagal niyo naman maghanap" Zyjan

Naandito na kami ngayon sa MOA, paikot-ikot. Tanong dito, tanong doon "Oh ano??? Kayo nagpresentang sumama sa'min 'diba? Tapos aangal kayo!" ako. Pasakay na kami ng shuttle jeep kanina nang bigla naming nakasalubong yung mga classmates naming boys. As usual, kakatapos lang maglaro ng DOTA kaya sumama sila for no reason. Nung una hindi kami pumayag kasi baka manggulo lang sila saming mga girls na maghahanap ng OJT. Pero ang hirap talaga makipag talo eh. Sabi nila tutulungan daw nila kami maghanap. Edi um-"Oo" na lang kami. Kaya yung kaninang lima lang kami naging 12 na. Achuchu. Youth eklavoo? Hahaha

Naalala ko si Justin. Ano kaya kung pasunurin ko dito? Tutal may mga lalaki na rin kaming kasama unlike kanina. Eh malamang hindi pa nauwi yun. Susunduin niya raw ako sa babaan ng shuttle jeep eh. ahmm. Sige na nga. tinext ko na siya agad. At pupunta nga raw siya.

"Dito lang muna kami ah. Nakakapagod kayong sundan. Kita-kita na lang sa KFC" Vincent. wahahaha. Kitams. ambibilis mapagod. Pero nakakainggit ahhhh. Nagshashopping sila habang kami ito... hanap, usap, bigay resume. HUHUBELS.

FINALLY !!! Ayoko na. Okay na yung 10 resto na nabigyan ko ng resume ko na may gorgeous kong 2x2 picture. Loooool. Umo-order na sila sa counter. Sila lang. Sabi ko busog pa ko eh (palusot101.com). Kasi aantayin ko pa si Justin. Malapit na raw siya dito eh. Hanggang sa natapos na silang lahat kumain. Wala pa rin si Justin. Yung totoo? Malapit na dito sa mall o sa jeep na sasakyan niya papunta dito?? haist. kumukulo na tiyan kooooo. Natatakam ako sa mainit na gravy, bucket of fries and... and classic BBQ burger na maraming Lettucesusesusesss. !_!

"SM Hypermarker tayo!!" Ian.

Aba hindi pa sila busooooog ?? Kumain ulit sila dun sa may mga stall ng pagkain tapos bumili sa paborito nilang RBX. Yung fried rice na nasa box. Yung mga girls naman kasama ko dito sa entrance ng SM Hypermarket. Nanonood ng Musical parade. Yung mga naka-costume tapos may mga trumpet at drums achuchu pa sila tapos may mga dance choreography pa sila while ihip ihip their trumpets like you know. Tapos free picture-taking pa daw. Sus. Tapos... tapos nakikita ko na si Justin papalapit sa gawi namin at tapos... sa wakas. Makakakain na akooooo. wooh. "Kung yung iba nagtatagal sa "otw" nila. Ikaw naman antagal mo sa "malapit na" kaasar ahhh. Nakakain na silang lahat. Ako na lang hindi." sabi ko lay Justin.

"Oh bat hindi ka kumain?" pantangang tanong ata un or sinasadya niya.

"Wow naman. Nakakahiya naman sa'yo. Hinintay lang naman kita kase baka yayain mo akong kumain pero tatanggi ako kasi nakakain na pala ako. Tapos mag-iinarte ka na naman, sisigawan mo ko, papahiyain sa maraming tao, tapos walk-out na naman." Tanga na lan kung hindi mo pa ko na-gets dibaaa? Nakakahiya talaga. As in . As... ("wuduzjwjdjd8eieieowowo") Hala siya? Nag fifliptop yung tiyan ko. Haist. Kung nakakapagsalita lang yung mga alaga ko sa tiyan edi nasermonan ka rin JUSTIN.

"Anong gusto mo?" Justin.

Andito na kami sa KFC kung saan kumain kanina yung mga kumag kong classmates. Nagpaalam na kami kanina sa kanila kasi pauwi na rin naman sila. Tapos yung iba ata nag arcade pa.

"Kapag sinabi ko bang lahat bi-" putol-speech again aketch -_-"

"Sige na, ikaw na maghanap ng table, Alam ko na order mo." utos niya.

Sumunod naman ako. Hindi ako komportable sa kinauupuan ko kasi nga ang panget ng view. Mag-jowa sila. Isang babaeng Jeje at isang gangster sa punso. Pa'no kaya sila mag-away noh??? Siguro pag si jejeng girl ano... "Sz0r!3 nu4h bh3" tapos sa gangster boy naman ... "0k3! lh4ng Bh3, ikc40 lh4bg sz4pf4t nu4h!" BOOM PANES ! yak yak yak. Ano ba 'tong naiimagine ko. Imbes na pagkain eh. Kasi naman ung view foota.

"oh eto na. Kain kana. Nakakatakot ka pa naman magutom." si Justin. after 1234567+ years. Grabe naman. kasi ung mga tao dito. Andami.

"Uwi na tayo" yaya ko kay Justin. Kanina pa kasi kami nagalalakad. Window shopping lang kami. Kahit saang clothing co. Tapos na rin naman kaming kumain and pagod na rin ako.

"Sheeezzz . Ang haba ng pila sa terminal ng jeep." sabi ko. as in kahit malabo mata ko kasi nga matang-pusa ako. Tanaw ko na agad yung mahabang pila na nakadoble pa. -_-"

"Tara takbo na. Mahirap na baka humaba pa yung pila lalo." Justin.

Marami ring ibang nagtatakbuhan kaya hindi kami magmumukang tanga kaka-takbo haha.

Yes! Oo! Nakisabay pa ang buhos ng ulan. Wala na ngang masakyan, magkakatraffic pa tapos babaha na naman tapos stranded pa.. Grrr. Ako na tong haggardo at PANICi. Pero si Justin Poker-face lang siya. You know? Parang nakapila lang sa kawalan. Or baka naman nagsisisi na siya kasi sumunod pa siya rito? Excuse me uh. Siya may gusto nito. Ayoko naman magtanong kung yun nga yung dahilan. Baka masigawan lang ako, ipahaya then LAM NA... walk-out.

Finally. nakasakay na kami ng jeep. sa pinakabungad kami ng jeep umupo. Para naman... alam niyo na, na pagdating sa abutan ng bayad eh hindi kami magmukhang konduktor at konduktora. Puno na ng pasahero ang shuttle jeep at lalong bumuhos ang malakas ng ulan na kasabay pa ang maingay at maamoy na bunganga ng barker.

"BUENDIA, BUENDIA, LRT, lima na lang oh!!!"barker.

ABA!!!!! Baka may mauupuan pa diba ?? Para naman napakalaki ng Shuttle jeep ng MOA na 'to para magsakay ng bente?? May mga nauto naman si kumag barker na kasya pa daw ang lima kuno. And guest what? napaaway lang si kumag barker. Bumaba rin yung limang uto-uto kasi ngaaaaaa... hindi na talaga kasya, pinagpipilitan pa. tsk. Ayaaaan. mag-away kayo diyan. Umaandar na yung jeep. Ready nang lumusong sa bahaing MAKATI. babushh !

Nanliligaw si Ex??!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon