Chapter XXVIII
*NSE:"Bae"*
Someone's Pov
"So boss, kailan mo naman ipapakilala sa amin ng anak ko ang Heiress mo? For sure na mabibigla siya sa sasabihin mo kaya dapat everything will be under controlled and with acceptable reasons." Mr. Garfield
"Yes, it will be. Magiging masaya ang anak ko kapag nalaman niyang hindi na siya maghihirap pa." sabi ko "... Ms. Bettina, paki ayos lahat ng documents ng Heiress ko. At pakisabi sa wife ko na nagbooked ako ng flight pabalik ng pinas kasama siya. "
"yes sir! Coffee niyo po pala" secretary Bettina
Masaya ako sa pag-angat ng position ko sa kumapanyang halos kalahating na ng buhay ko ang inilaan ko. Magiging masaya ang anak ko kapag nalaman niyang hindi na siya magtitiis sa Unibersidad na pinapasukan niya dahil ililipat ko na siya dito sa Amerika as soon as possible.
Justin's Pov
"Ang tagal naman ni Niña, magti-30 minutes na akong na andito sa tapat ng gate nila." sabi ko sa sarili ko habang tumitingin sa relo ko.
*cree-eekk*
Bumukas ang gate nila"Oh?? Kanina ka pa anjan?" seryoso ba siya sa tanong niya o nagpapatawa?
"ayyy hinde. Sakto lang. Tara na. Nag-aantay na sa atin sila mama" sabi ko.
"Ahh. So mag-lalunch tayo somewhere kasama family mo?" tanong ni Niña . Habang pumapara ng taxi
"Oo. Hindi ko na nasabi sayo kasi malamang lalo kang matatagalan na mag-ayos" biro ko.
Alam na rin nila mama na wala na kami ni Niña at nililigawan ko ulit siya. Pero dahil nga sa naging parte na rin siya ng Rodriguez Family eh iniimbitahan pa rin siya ni mama whenever na maisipan niyang kumain sa labas.
"Manong . eto po yung bayad." sabi ko. Andito na kami ngayon sa Greenbelt at papunta na sa isa sa mga restaurant na sinabi ni mama.
Niña's Pov
"hi tita...mano po" ;)))) sabi ko
"oh tara na't maupo at kumain na tayo. Gutom na ako". Sabi ni Tita Gloria na mama ni Justin. Nakapag order na rin siya agad at alam niya yung mga taste ko. Halatang gutom si tita. Hahaha
"kuyaaaaa. Bakit ang tagal niyo?" tanong ng bunsong kapatid nila Justin na si Joshua.
"eh..." Napasadahan ako ng tingin ni Justin " ... Ang tagal ko kasi magbihis eh. Hahaha" sabi niya
Teka .. Nagpaparinig ba 'to? Tssss
"So kamusta ka naman na Niña Iha?" biglang tanong ni Tita Gloria habang hinihiwa yung steak.
"ahmmm ok lang po. Lalong tumataba simula nung magstart ang sembreak. Hahahaha" Sagot ko
"Hahaha. Halata nga. Pero hindi naman masyadong tumaba eh. Tama lang yan kaysa naman mukhang nag-aadik sa kanto. Haha" sabi ni Tita na nagtawanan naman ang lahat. "... Kamusta na nga pala ang mama't papa mo? Hindi ko na sila nakikita simula noong graduation niyo nung high school?" tanong pa niya
"Ahmm.." sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko. Lagi kasi silang busy simula nung natanggap si papa sa ibang bansa na magtrabaho "a-ayos lang naman po, busy lang po sa mga trabaho kaya minsan ko lang din po sila makausap. Hehe" sabi ko
"ahh. Pero maganda yan ahhh. Nagtetraining ka ng maging independent iha. Sa panahon kasi ngayon mahirap na yung asa ng asa lang sa magulang." tugon pa nito
***
Natapos na kaming kumain at nagpasyang maglakad lakad sa park. Ng mapansin ko natanggal ang pagkakatali ng sintas sa sapatos ko, pumunta muna ako sa tabi dahilan kaya nahuli ako sa paglalakad.
Napatingin ako sa gawi ng pamilya ni Justin kasama siya. Natutuwa ako sa nakikita ko pero may kalahati sa nararamdaman ko ang lungkot.
Lungkot dahil sa naisip kong kailan kaya ako makakaramdam ulit ng buo ang pamilya? Nami-miss ko na sila mama at papa. ;(((((
"Iñaang !!! Bat ka nakatulala? Uuwi na daw sila mama pero nagpaiwan ako. Wala naman kasing gagawin sa bahay ih." si Justin na kakatakbo lang pabalik kung saan ako napahinto.
"a-aahh ganun ba? sige. Pero saan naman tayo pupunta ?" tanong ko
"Dito pa rin sa park. Maglakad lakad muna tayo dito. Tutal masarap naman titigan ang ambiance dito." sabi Justin habang nasasarapan sa simoy ng hangin.
Naglakad lakad kami tulad ng sabi niya. "ahmm Iñaang?" biglang putol ni Justin sa katahimikan
"Isip tayo ng magandang tawagan oh..." napaakbay siya sakin, "... Yung parang "hon", "baby"... Basta! Mga ganun" dugtong pa niya
"Anong kala mo saken tanga? Malamang alam ko yung mga tawagan nohh. Nagbigay ka pa talaga ng examples. Ahmmm sige. Upo muna tayo habang nag iisip..." umupo muna kami sa may sementadong bench at nag isip.
Nakaakbay pa rin sa akin si Justin. "hmmm alam ko naaaa!!!" napatingin sakin si Justin "... Bae na lang ;)))"
"sus! Naisip ko na yan eh. Pero alam mo ba meaning ng "Bae"?" pagmamayabang niyang tanong
"anong akala mo saken?? Atska bat ko pa sasabihin yun kung hindi ko alam yung meaning diba? Yung Bae... Short term yon for baby, babe, darling or Love" sabi ko ng walang preno.
"HahahaHahahahahahah..." humagalpak si Justin ng tawa. Parang tanga. "ikaw din pala ganun din ang akala mong meaning ng "Bae" Alam moooo. Si-nearch ko yan sa Google..." binuksan nito ang phone niya at pumunta ng gallery. May pinakita siya sa aking screenshot ng isang website..
>>>>>>>
Bae : poop
People knows this short term for baby, babe, love or darling, But the truth is... it is a secret endearment for your enemy
Example :
Hi Bae (poop)
I want to Bae (poop)
O____________O
"Tsss. Ayoko. Wala akong pake. "Bae" nga gusto ko eh..." nag-crossed arms ako at biglang tingin kay Justin "Atska "Tae" yung tinutukoy non!! HINDI "BAE"!!" reklamo ko. Kasi naman ihh. Wala na talagang matinong website ngayon. Azaaar!!
BINABASA MO ANG
Nanliligaw si Ex??!
Non-FictionAnong gagawin mo kapag ang taong pinipilit mong kalimutan ay nagpaparamdam pa rin sayo ?! Break na nga kayo lahat lahat, pero andiyan pa rin siyang kumukulit sayo? ×××××××××××××××××××××××××××××× Hi! that's only a teaser and an intro at the same tim...