Chapter XV "No Bestfriend"

50 1 0
                                    

Chapter XV

*NSE: "No Bestfriend"*

"Whuuuuuaat !? 400 hours OJT natin?"

sigaw ko habang nakatitig sa Bulletin board na puro tadtad nang magulong schedules. Medyo napa-aga yung pasok ko ngayon. Medyo umiyak lang din ako kagabi. Ewan ko ba. Nakakaiyak yung Siomai-rice at Calamares eh. -____- kerneeee.

'Di. Ang totoo niyan. Hindi ako makatiis. Tumulo na lang ung luha kagabi. Sakit pala talaga umasa. The fact na dapat lang talagang iyakan ko yung taong umiiyak para sa'kin at hindi yung walang pakialam.

"Oo daw eh. Kaya dapat ngayon start na tayo maghanap bhe~" Sherline. Isa sa mga closest friend ko sa magulong mundo ng college. Haist. Biglang singit sa Pov ko ? GANERN?

hayyyy. Saan naman kaya ako maghahanap ng Resto na makakatipid sa pamasahe -_- gusto ko kasi mas marami akong budget sa foodssss ^___^

(1 day ago)

"Ilang resume dala mo?" tanong ko kay Sherline.

"isa!" sagot niya. Aba proud pa?

"Bakit isa lang? Ano teh? iisa-isahin natin yung mga resto sa MOA tapos hahatiin mo yung resume mong napaka-plain" tanong ko. Ni wala ngang picture eh.

"Ok na yun? Wala akong pake sa kanila . hahaha..." patawa pa niya. Corny amputs. -_- "...Si Ex mo oh" sabay turo sa entrance

napatingin ako at si Justin nga. Sa gawi namin siya papunta.

"Ba't di ka pa umuuwi ?" si Justin

"Pupunta kaming MOA. Maghahanap ng pago-OJT-han." ang totoo kasi niyan . Kami na lang lima ng mga friends ko ang walang OJT sa mga blockmates ko. Napapag-iwanan na kami sa sobrang chill. <\3

Medyo matagal tumambay si Justin kung na saan kami ng mga friends ko. Ewan ko ba. Ang alam ko prelim naming lahat ngayon. Pang-PM Shift nga lang siya.

"Late ka na ah~ Hindi ka mage-exam?" tanong ko.

"Hindi muna, Late na rin ako eh..." malamang nagpa-late ka ehh "... sa special exam na lang ako ulit ako kukuha ng exam"

"Na naman??? Lagi kang late examinee..." -_- "Alam ba yan ng mama mo na hindi ka muna kukuha ng prelim exam???" tanong ko

"Hindi eh. Yaan mo na" Justin. Aba! Grabe bayaran sa tuition ngayon tapos ganyan lang siya ?? tsk tsk. ka-turn-off !

*kwentuhan*kwentuhan*kwentuhan*

Pinapatila na lang namin yung ulan para maka-alis na kami ng friends ko.

"What time ba alis niyo?" Justin.

"Kapag tumila yung ulan. Medyo paalis na rin siguro kami kasi ambon na lang eh oh" ako. sabay turo sa bintana na katapat lang namin.

"Eh ako? Uuwi na 'ko?" si Justin

"Malamang!! Bakit ? May gagawin ka pa ba ? 'Di ba next time ka  na mage-exam?" sabi ko.

"Ah ... " napalakas ata boses niya. Dahilan para tumingin din yung mga friends ko na medyo malayo sa amin. "...So, hindi mo ako sasama ???" talagang nilakasan pa ahh. Nagpaparinig ata sa iba eh ~

"Sama ka ?" biglang singit ni Mae . Isa sa mga friends ko .

"Eh ayaw ako isama nito eh" sabay turo sa'kin at kuha ng bag tapos walk-out.  +_+

WOW Justin !!! AS IN WOW. Nag-walk out ka para ako yung mag-mukhang masama ? tsk. Eh sa ayoko kitang isama eh. BAD VIBES ka lang sa lahat ! Parang ngayon. Eh Malay ko bang pumunta ka lang dito sa school para tumambay diba?

"ARAY KO BH3 <\3" si Mae. "Kaya pala lagi kayong 'di magkasundo... dont cha worry Bhe. Ayoko rin sa ganun. Papahiyain ka ng wala kang kasalanan?? tsk tsk. Poor Minion"

Aray ko bh3 talagaaaa . ;(( Na-minion na naman ako. Cute ko kase talaga? Hahaha. Pero ahhhh. Nakakainis talaga. As in nakakagigil. Kung gustong sumama ng Justin na 'yon sa amin, edi sana inaproach niya man lang ako. Eh wala eh. gumawa pa talaga ng iskandalo. Buti na lang talaga kaming mga friends ko lang yung nandito. Kung hindi... pag-uusapan na naman ako ng mga echuserang Fans ko. Yeah ! FANS . Ung tatak Standard at saka Hanabishi ? HAHAHAHAH- Ang corny ko na.

"Girls, ano? tara-" naputol yung sasabihin ko. nang biglang nag-vibrate phone ko. Oh?? Hindi ko inaasahan yung nagtext sakin. Si Justin. Ayy teka tumatawag na siya. "Hello?"

("What time ba alis niyo?") Justin. Wow naman. Bumait sa tawag kahit konte.

"Eto na nga. Paalis na sana kami kaso tumawag ka pa. Anong eksena mo na naman ba kanina hah? Pawalk-out, walk-out ka p-" nabitin na naman yung sasabihin ko. tsk.

"Baba ka dito. Nasa labas ako ng building. Usap tayo" siya. Sabay end-call.

Ang taray talaga ahhhh. Lalaki ba talaga siya? Nakakabanas na. Siya umalis dito tapos papagurin niya kong bumaba para lang maka-usap niya ko? Dont tell me ayaw niya ng umakyat kase di ba?? Mahiya naman kahit konte sa ginawa niya lately -_- .

Eto na nga. Nasa elevator na ako at pinindot ung "G" button. Oo Ground floor. Pero pwede na ring Gell or Gimpyerno. NAKO ! Corny talaga. Nag-elevator na'ko para di mahaggard ng bongga. At saka sayang yung mga pinaghirapan kong Baby Fats kung matutunaw lang maMen. Teka. Ang daldal ko. Kala mo naman ang taas ng floor ng pinanggalingan ko eh 3rd floor lang naman yun. Baka nga Gimpyerno mapuntahan ko . HELP !!!

"Ayy! Akala ko sira itong elevator. Ang tagal kasi bumaba. " sabi nung babaeng estudyante na kanina pa daw naghihintay kuno dito sa Gimpyerno.. I mean Ground floor para makasakay ng elevator. Oo nga. napansin ko din yun. Or baka naman pinatapos lang ng elevator ung pag de-daydream ko sa loob bago ako ilabas. hahahaha.

"OH?? Antagal mo naman bumaba?" si Justin. Pati siya nagtaka. Paano kaya ano?? Na-stucked ako sa loob . wahahahha. Wag naman. Walang makakainan dun -_-

"Tanong mo yung elevator" sagot ko.

"Ano?" siya

"Wala . Oh anong pag-uusapan natin? Bilis, baka umulan na naman, edi lalong hindi kami nakaalis." sabi ko.

"Bakit ba kasi ayaw mo akong isama?" panimula niya. May paawa effect pa siya ahh.

"Nakita mo bang may kasama kaming lalaki? Wala 'di ba? All-girls nga 'di ba? Tapos sasama ka? Di ka man lang nahiya tapos nag-inarte ka pa kanina sa harap nila." pagda-drama ko. Minsan na lang din kasi ako makipag-bonding sa mga kaibigan ko. Eh pa'no? Kapag Dissmisal na, ayos gamit, hugot bag, retouched ng feslak, sabay-sabay sa elevator tapos ayun, punta na sa kanya-kanyang Botfriend. Ni halos hindi na nga kami nakakapag-paalam sa isa't-isa eh. One thing that readers should have know... I am Niña Andrion Pagador, 17 years of existence, 5"3 in height, 5000+ ang friends sa Facebook pero walang Bestfriend, ni-walang kakilalang kapit-bahay, Philippines!! Oo, wala akong Bestfriend, yung pupuntahan ka sa bahay, yung kasama mong magshopping, mag-salon, at partner in goods or bads eklavoo. Noon meron eh, si Darby na simula Grade 1 to Grade 6 ko lang nakasama hanggang sa nagkahiwalay ng school sa High School then, kanya-kanyang close friends sa College. Sheeez. naiiyak ako. Na-miss ko na naman siya. Marami akong kaibigan. As in. pero ung Best friend???? Wala talaga. or should I say Wala na pala. Hindi ako suplado no. Maraming nakakakilala sakin. babatiin ako sa daan at ganun din ako. Ang kaso lang hindi ko sila kilala. haha. At isa pang Oo, maging unique tayo. Kung sa mga cliché stories na nabasa niyo na eh palaging nasa intro or 1st chapter ang mala-beauty pageant na pagpapakila. Ako ngayon palang. wahahahaha. sorry ah. Kung kailan naka-15 na eh- Ahem. FIFTEEN... Ex-monthsary namin yan ni JUSTIN RODRIGUEZ na-

"Sorry na. Gusto ko lang kasi talagang makasama ka." biglang singit naman 'to

Pangatlong Oo! Daydream pa Niña. "Ewan ko ba sa'yo! Bonding nga namin di'ba? Ayoko ng chaperon. At mas lalong ayokong ma-O.P. ka samin. OK?? Kaya much better dito ka na lang. Or umuwi ka na lang tutal wala ka na rin namang gagawin dito eh sa katamaran mo, hindi ka naman nag-take ng prelim exam. " kapagod magpakasermon-nanay minsan. Kalalaking tao parang babae makipag-away. May pa-walk out walk-out pa. Haist. "Sige na, aakyat na'ko nang makaalis na kami" naglalakad na ko papasok ng bigla siyang nagsalita.

"Text mo na lang ako" sabi niya. Poker-face at normal lang pagkakasalita.

Nanliligaw si Ex??!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon