67.TEC-Day for my Job

316 9 0
                                    


Here's some update.. 😍😊hope you like it 😘

-----

A week past and i'm standing here in front of my mirror , starring at my face. Hindi ko alam pero mukang daig ko pa ang namatayan sa lungkot ng mukha ko. Na may halong kaba? Bakit ba kasi ganun. Okey pa naman yung buhay ko , maayos ayos pa naman yung Itsura ko actually lalo ngakong gumaganda e. Haha pero bakit parang Takot na takot ako ngayon? I feel like my future has a big mess! Ugh!

Ano nga bang Pinoproblema ng Lola nyo?  Hay nako. I just received a call from Nurse Kyla and she told me na Matatangalan nako ng Work pag hindi pa ko pumasok. Ano ba naman kasi!  2weeks nakong hindi nagduty sa Hospital. Madami kasi akong Dinaluhang events in 2weeks na yun kaya hindi ko alam kung magiging Valid pa ba ang Reason ko.

And that's not all, Kyla told me that the President of Centuria Medical was arrived last week from Australia and he started to observed the Hospital , the service, Facilitators, Nurses, Doctors and everything. I did'nt met him until now since i started my Job there. So ayun na nga baka makita ko na kung sino nga bang President iyon.

Then I remembered something...

Oh! Are you thinking for what happen on that night?

When the Last kiss was given to me. I did'nt let it happen again but i refused it. He came back with a dried clothes and after it i told to Leigh that i need to leave because of my work then she agreed but she told to visit her when i have my free time. And that was happened last week and naguusap nalang kami ni Leigh sa phone pag minsan.

I checked my watch and the time is 8:30.The call time is 9am so hindi naman siguro ako malalate.
I took my Car and leave my house na.




Makati Centuria Medical

"Good morning maam cassy"

A man who wear suit of Bodyguard greet me with a smile on his face. Magalang ang guard rito maging ang iba pang mga nasa Loob ng Hospital na ito. Sumakay ako ng elevator to 11th floor. Dun kasi ang Office naming nurse, nagtungo ako doon pagka galing ko sa Clinic ko. I opened the Door and.....



















"WELCOME BACKKKKKKKKKK!!!! "


Napatakip ang dalawang palad ko  sa tainga ko sa lakas ng boses ng mga kasama kong Nurses. I'm with Five nurses na kasama. Apat na babae which is Naide na kulot, Anne na short hair, Psyche na maliit,and Kyla na maingay. At isang Gwapo na Maganda na si Leuther bakla! Na syang umalingawngaw ng lakas ng boses buong room.

"Omy! Lalo kang gumanda sis! " sabi ni naide na may panganga epek pa.

"Hay nako! Baka may boyfriend nayang gaga nayan kaya gumaganda e! " singit naman ni Leuther. Iba rin talaga to magsalita e no.

"I'm sorry but im born this way " natawa sila sa akin dahil gumaya pa ako ng Lyrics ni Lady gaga.

Lunapit ako sa desk ko at hinanda ang Tambak na Paper works sa aking harapan. Ibinaba ko ang bag ko at saglit na naupo.

"So kamusta naman kayo dito? " tanong ko sa kanila.

"Well.. Sobrang saya ko Kyaaaah! hahaa" sabay Apir kay Kyla.

"Che! Baklang to! Bakit naman? May paparty na ba dito? " tanong ko

"Alam mo kase itong si Leuther. Crush nya yung President ng Hospital na to. Lam mo bang baliw na baliw na sya don? " singit naman ni Psyche. Natawa nalang ako.

"Hays tama na nga yan.. Ang mabuti pa magsimula na tayo sa trabaho" pag aaya ko sa kanila.

"Hmm di mo pa kasi nakikita gurl. Wag ka " sabi ni Leuther ng natatawa habang gumagayak.

Umiling lang ako at humarap sa lamesa ko na puno ng gawain. Kinuha ko lahat ng files na kailangan kong Pirmahan. Halos umabot ng 25 folders ang aking trinabaho ngayong umaga. 10ocklock nako natapos sa mga iyon pagkatapos lumabas na ako ng room at nagtungo sa emergency room para icheck ang kalagayan ng mga pasyente.





"Mommy p-pag gumaling kana dito, magbati na kayo ni Daddy ha? Plsss mommy? " napalingon ako sa boses ng batang lalaki na nakaupo sa tabi ng Mom nya na Pasyente ng hospital namin ngayon. I think she is 45 year old mother na nagcollapse on the third day. Suffering from Leukemia at kasama nya ng anak nya ngayon. Lumapit ako sa kanilang dalawa at tumingin rin sila sa akin.

Ramdam ko ang lungkot sa mata ng bata habang nakikipag usap sa kanya ina para kumbinsihin na Bumalik ang dating pag sasama ng mga ito.

"Nurse malala po ba ang sakit ko? "Tanong ng ginang sa akin. I checked my folder at binasa ang outcome ng Sakit nya.

"Sa ngayon po maam, we are preparing for your medicine, the illness is not that serious but we have to treat it as soon as posible maam and as i can see here tomorrow you can leave the hospital and get rest to your home. Iwasan lang po natin magpuyat ng sobrang tagal at Maging mainitin para hindi po lumala muli ang sakit nyo " i said with a smile. Ngumiti naman ito na may halong luha sa kanyang mga mata.

"Hay salamat sa diyos.. Magiisang linggo na kami rito sa Hospital na ito, hindi pa kami kumpleto sa aming bayarin. Pero ang Mahalaga maayos na ang kalagayan ko. Salamat po maam" sabi nito

"Nako.. Kahit wag nyo ho madaliin maam Ako nalang po makikiusap sa Accounting para sa kulang nyo. Kapag kaya nyo na ho tsaka nyo bayaran maam. Para po sa inyo " ngiting sabi ko.

"Ha? Naku salamat hija " bumangon sya para yumakap sa akin .

"Salamat po Maam nurse " niyakap rin ako ng bata mula sa bewang ko. Natutuwa ako sa nakikita ko.

"Wala ho iyon" singit ko naman.
"Basta po, pagbigyan ninyo ang kahilingan ng bata Maam " sagot ko namn ng may halong ngiti.

Pagkatapos nun ay nagpaalam na ako sa kanila para makapagcheck ako sa ibang pasyente. Isa ako sa mga gustong gusto ng mga pasyente sa aming Hospital dahil sa ako raw ay Mabait, maabilidad, at Maalagang Nurse. Hindi ko hinihiling na magkaroon ng mataas na propesyon dahil ang gusto ko ay Makatulong sa mga taong nangangailangan ng Alaga at Masaya ako sa ginagawa ko.

Pagkatapos ko roon ay biglang nagvibrate ang phone ko.

"Hello? " sagot ko sa phone.

"Hoy bakla halika na here sa office maglulunch na tayo" rinig ko ang boses ng Leuther na iyon. Kaya't natawa nalang ako.

"Okey. Andyan na " pagkatapos ay ibinaba ko na at pumasok sa elevator. Gutom na gutom narin kasi ako e.




-------------

This is my first update this year.Sorry for a long time na hindi pag update. 😑alam kong yung iba hindi na gustong magbasa. Ito pong updte na to para sa mga patuloy na sumosupport sa story ko. Thankyou❤

The Ex's ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon