Challenge # 02

91.3K 3.1K 1K
                                    

Nakaramdam

Red's

Sumama ako kay Papay sa firing range noong araw na iyon. Hindi ko naman talaga gustong sumama kasi maiinip lang ako roon pero sumama na rin ako. Hindi na rin kasi ako nakakapa-practice, matagal – tagal na panahon na rin.

"Pay, ito po." Iniabot ko kay Papay iyong ear guard niya. Siyempre kulay blue iyon. Nasa kabilang cubicle si Uncle Ido ngayon, sa kabila naman si Ninong Axel John. Alam ko kasama rin nila si Uncle KD at si Uncle Jude. Mayamaya makikita ko na silang lahat.

"Salamat nak. Saan ka nga pala galing kagabi? Hinintay ka pa ng Mamay mo, nakatulugan ka rin naman niya."

"Wala Pay, kasama ko lang si Ody saka si Ino. May pinuntahan lang po kami." He smiled. Alam kong natutuwa siya kapag sinasabi kong kasama ko ang mga pinsan kong iyon. Hindi kasi ako masyadong malapit sa pamilya ni Papay. Mas malapit ako sa mga pinsan ko dito saka doon sa nag-iisang kapatid ni Mamay, si Tito Jay-R. May anak na rin kasi iyon na kasing edad ng mga bunsong anak ni Uncle Jude. Puro lalaki rin sila. Tinuturuan ko silang mag-basketball.

"Ano namang ginawa ninyo? Nambabae. H'wag masyado. H'wag mong gagawin iyong pinagagawa namin noon, tingnan mo, kinarma kami sa mga anak naming babae."

Bigla akong natawa. "Pay, sa inyo ba nila Uncle ang pinakababaero?"

"Hindi ako." Sabi niya.

"Si Uncle Ido?"

"Hindi. Loyal iyon sa una niyang asawa. Si Judas ang pinakamatindi noon. He used to participate in orgies. Sobrang galit ni Tita Arru mo noon pinalayas niya pa si Jude kaya lalong na-ulol. Binibiro ko nga. Lahat kasi ng anak niya pambayad utang." Tumawa si Papay. "Nasingil na siya kay Sam, si Aurora naman."

Bigla akong napaubo. "Si Papay talaga. Teka, Pay, may bala na ba iyan, ikukuha kita." Lumabas ako ng cubicle para ikuha ng extra ammo si Papay. Habang naglalakad ay nasalubong ko sila Uncle Jude, AJ at KD. Nakapagitna si Uncle AJ sa kanila.

"Tang ina mo kasi, King David, iayos mo iyong mga anak mo! Tama ba namang puntahan niya si Aurora sa bahay at sa bintana siya dadaan?! Walang galang iyang semilya mo! Babarilin ko iyan bago pa iyan makaisa sa anak ko! Nineteen pa lang si Orang!"

"Jude, tama na." Sabi ni Uncle AJ.

"Wala namang masama kung magkagustuhan iyong mga bata." Sabi ni Uncle KD.

"Mayroon! Bata pa ang anak ko! Bente-sais na iyong sa'yo! Marami nang alam iyon! Tang ina naman! Oh! Anong tinitingin-tingin mo, Red?!" Sinigawan na rin ako ni Uncle Jude.

"Wala po. Ikukuha ko lang ng bala si Papay, Uncle."

"Okay na dito. Mayroon na." Itinaas ni Uncle AJ ang kamay niya na may hawak na ammo case.

"Ito, buti pa itong anak ni Azul! Nagpapaalam kapag sinusundo si Orang, nagpupunta sa bahay pero hindi nililigawan ang anak ko kasi bata pa iyon! Nasa edad na itong si Red, alam niya ang tama sa mali! Tang ina iyong semilya mo! Dapat pinutok mo na lang sa bedsheet iyang si Eli!"

"Gago ka, Jude ha!"

"Kung may gago dito, iyong anak mo iyon, Supot!" Sumabat na si Uncle Ido. "Walang hiya iyang si Japet! Hindi na magbabago iyon at hindi na siya makakalapit sa bunso ko! Kahit kailan! Over my dead sexy gorgeous and hot body!"

"Ano ka ba naman, Ido! Limang taon na iyong panganay nating apo, apat na iyong pangalawa. Si Etang magdadalawa na ang anak, si Atlas, kinder na pero hindi ka pa rin nakaka-move on? Move on, Ido!" Sigaw ni Uncle.

Napabuntong – hininga na lang ako. Nagsisimula na naman silang mag-away.

"Ano bang nangyayari dito? Kanina pa ako naghihintay doon." Sumama na rin si Papay sa amin. "Sinong mag-mo-move on?"

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon