Malupit
Aurora's
Bumalik ako sa bahay dahil sa bwisit ko kay Red. Ang kapal lang ng mukha niya. Paasa naman siya. Nakakainis. Dapat, hindi ako affected pero heto ako at nangigigil sa kanya – sa sobrang gigil gusto ko siyang lamukusin ng halik.
Natigilan ako. Hala! Bakit ganoon ako mag-isip? Nasa sala na ako. Napabuntong – hininga na lang ako. Nagtuloy ako sa kwarto. Naisipan kong tawagan si Amber para naman magkita kaming dalawa. The last time I saw her umiiyak siya dahil sa boyfriend niya, hindi ko na alam kung anong nangyari after that. I called her, but her phone just kept on ringing. Pinatayan niya pa nga ako ng telepono. Napatitig ako. She never does that. Kapag tinawagan ko siya, kahit gabing – gabi na noon, she will pick it up. Nag-aalala ako, baka kung napano na siya. I called her again pero patay na talaga ang phone niya.
Bumukas ang pinto ng silid ko. Pumasok si Ate Sam. She was wearing overalls pero mugto ang mga mata niya. She sat beside me.
"Hindi ko alam kung kaya ko." She said.
"Kayanin mo. Dad's gonna be fine." Hinawakan ko siya sa kamay. She looked at me."I had always envy you, Aurora. Una dahil anak ka talaga ni Dad tapos ang tapang mo."
"Mas matapang ka, at anak ka rin ni Dad." Giit ko. She shook her head.
"We both know what happened to mom and right now, my world is crumbling down because I don't want anything bad to happen to him. Kahit hindi kami magkadugo, minahal niya ako, kaya mahal na mahal ko siya at takot na takot ako." Napahikbi siya. Humilig sa akin si Ate. "I missed you so much, Aurora, h'wag ka nang umalis."
"I'm so sorry, Ate. Hindi na ako aalis." I told her. I am staying now. Tama na iyong pagtatago.
"Wala na kami ni Bubut." Bulong niya. Napatingin ako sa kanya. "Isang taon na.""Ate..."
"He went on tour. He was so busy. I waited but..."
"Nawala siyang parang bula tapos biglang may iba na?" Tumaas ang kilay ko.
"Yes."
"Gago talaga!" I hissed. "H'wag kang mag-aalala. Kakayanin mo iyan! It will hurt. You'll cry every night but you'll get used to the pain and it will reshape you. Just don't be like me." Umiyak nang umiyak si Ate. I let her. Nakakagaan ang pag-iyak. Parang ako noon kay Eli, iniyakan ko siya nang iniyakan kasi nakakagaan ng kalooban.Nakatulog si Ate. Hinayaan ko naman siya. Lumabas ako ng silid ko para puntahan si Mommy, I found her in the kitchen, nagagawa siya ng menu. She doesn't seem bothered at all. I know the feeling, maybe this is her way of coping.
"Mommy, kailan uuwi si Tita Arru?" I asked.
"She'll be here tomorrow." Sabi ni Mommy.
"Are you alright?"
"I am. Dad's gonna get through this." She smiled. "Your father has fought hard for the life we have now. Hindi cancer ang magpapabagsak sa Daddy mo."
"Sino, Mommy, ikaw?" Biro ko.
"As much as I want to say that it's me, it's not. Judas loves all of you so much and when you left, Aurora, your father suffered. Madalas niyang itanong sa akin noon kung dapat daw bang pinagbigyan niya kayo ni Red. But you tour father's eyes, you were jjst his little girl. Gusto niyang matupad mo lahat ng pangarap mo, anak. He did everything to not lose you pero nandoon pa rin. I know you're sorry, Aurora, and that's fine, h'wag ka nang umalis." Sumamo ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Enchanted
General FictionFredrick Lukas Azul had his heart broken because of his stupidity. The love of his life lost her love for him because he was busy saving another woman - that was before - he learned his lesson the hard way. Now, he's at it again - saving another wom...