Challenge # 13

71.7K 3.1K 778
                                    

Nasaktan ka ba?

Nasaktan ka ba?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Red's

"Hi, May."

Humalik ako sa pisngi ni Mamay nang gabing iyon. Naisip kong umuwi sa bahay ko pero natagpuan ko ang sariling kong kay Mamay at Papay umuuwi. Silang dalawa lang sa bahay kasama iyong mga maids. Si Blue kasi sa Paranaque na nakatira. Si Violet naman ay nasa bahay pa nila. Kapapanganak lang kasi noon sa ikatlo nilang anak. Galing siya ng Italya. Doon niya kasi inilalabas ang mga bata.

"Saan ka galing? Tumawag ako sa office mo dahil maghapon nandito sila Violet. Kaalis nga lang ng kapatid mo."


"Nasa ospital ako, May. Naospital si Eli. Si Tita Arielle daw po, nasa ospital rin."


"Oo. Itinawag ng Tita Gina mo kanina. Gusto ko ngang magpunta kaya tinawagan ko si Sam para sabihin sa akin kung naroon si Jude para kung wala ay magpupunta ako."

"May, hanggang ngayon galit ka pa rin kay Uncle Jude. Ang tagal na noon." Biglang sumama ang tingin ng mga mata ni Mamay sa akin. Nag-surrender kaagad ako. "Wala na po akong sinabi."

"Kamusta na si Eli? Ano bang nangyari sa batang iyon?"


"Nag-ala – supergirl, May." Tumabi na ako kay Mamay sa sofa at saka umakbay sakanya. Ibinaba niya ang binabasa niya at tumingin sa akin. "Akala yata niya nakakalipad siya. Ayun, napilayan lang tapos may kaunting sugat sa braso at tuhod. Pumutok din iyong noo niya kaya may tahi doon."

"Juskong bata!" Sigaw ni Mamay. "Kaya iyong Papay mo sabi kay Mati, 'wag daw mag-stay sa mga terrace – terrace na ganya. Ang apo kong iyon nagdadalaga na rin, gusto daw niya ng baril parang sa Mommy niya."

"The fruit doesn't fall far from the tree." Komento ko. Hinawakan ni Mamay ang kaay ko.

"Ikaw, kailan ka mag-aasawa?" Tanong niya sa akin. "Si Aurora pa rin ba?" Bigla ay naalala ko iyong nakita ko kanina. I just sighed.


"Hindi na May." I smiled. "We both lived different lives for these past years. I chose something else, she clearly did that too."


"Ha? Bakit, anak, nagkita ba kayo? Sam told me that Orang is back."

"She is." I kissed Mamay on the cheek. "Bihis na ako, May. Anong ulam?"

"Bistek, anak."


"Walang chicken?"


"Bukas na. Sige na. Magbihis ka na. Papahain na ako."

Tumakbo na ako papunta sa hagdan para umakyat na sa itaas. Magbibihis lang talaga ako. Mamaya na ako mag-shower. Gutom na rin kasi talaga ako. Pagdating ko sa itaas ay napatigil ako dahil nakita kong naroon si Uncle KD at Uncle Ido. Makakasabay silang lumabas ng mini office ni Papay. Nagmano ako sa kanilang tatlo pero kapansin-pansin kasi ang pamumula ng mga mata nila.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon