Challenge # 04

80.1K 2.9K 461
                                    

Three

Aurora's

"Hi, Daddy."

Dad called that night. Pagkasagot ko ng video call niya ay napagalitan na kaagad ako. Katabi niya si Mommy noon.

"Kanina pa ako tawag nang tawag hindi mo sinasagot. Bakit? Ano bang ginagawa ninyo ni Red?!"

Marami po. I sighed. "Wala naman, Dad. Galing kami doon sa cabin ng Tita niya. Nag-bonding po kasi sila." Paliwanag ko.

"Oh, ayun naman pala, Jude. Masyado kang nag-alala kay Aurora. Ikaw na rin naman ang nagsabi kanina na hindi siya pababayaan ni Red." Wika pa ni Mommy. I smiled at them.

"Nasaan ba si Red?"

'Uhm, hindi ko po alam, Dad. Nandito kasi ako sa guest room. Hindi pa ako lumalabas since kanina. Tulog na po sila Belle?"

"Yes, anak. O sige, mag-text ka bukas kapag pauwi na kayo. Patutulugin ko na ang Daddy mo." Sabi pa ni Mommy. Natawa ako. "Goodnight, Aurora."

"Love you, Mom, Dad." I ended the call. Inilapag ko iyong phone ko sa bedside table. Napanguso ako. Hindi ko talaga alam kung nasaan si Red. Pag-uwi namin dito sa cabin ni Uncle Azul sinabi niyang magpahinga na daw ako kasi may gagawin pa siya. I was expecting him to pop out any soon pero mag-one-hour na yata ang nakalipas, wala pa rin siya. Siguro nakatulog na siya.

I stood up and opened the sliding door to the balcony. Ang lamig ng hangin tapos ang ganda ng place. I can see all the lights around CLPH. Parang may pool of stars sa harapan ko mismo. I stayed there for a while- thinking.

I feel guilty for what I am doing now. Totoo naman kasing dahil dito para na rin akong nagsisingungaling kay Daddy. Naaawa ako kay Daddy noong si Ate Sam ang naging sakit ng ulo niya. There was a time na talagang nagrebelde si Ate at ang laking hirap ni Dad para maibalik ang relationship nilang dalawa. Ayokong magkaganoon kaming dalawa. I love Dad, kahit na marami akong hindu naiintindihan sa mga naging desisyon niya – like iyong fact na he named Ate after his ex-girlfriend – his first love.

I had always thought that Mom loves Dad too much, na parang hindi makatarungan kasi, he named Ate after his first love. Ano si Mom noon? Rebound?

Isa ring dahilan iyong ayokong maging katulad ni Mom kaya hindi ako makaporma ng maayos kay Eli. He's still not over Violet, and maybe if I tell him that I am in love with him, baka ganoon rin ang mangyari.

I want someone who can love me with all his heart. Ayoko nang may kahati.

Natigil ako sa pag-iisip nang mapansin ko si Red na nasa porch sa ibaba. Wala naman siyang kausap. He was just standing there. He was smoking. May hawak rin siyang baso – sure akong alak iyon. I shook my head. I didn't know he smokes.

Pumasok ako sa kwarto at isinara ang sliding door. I sat on the bed but I can't seem to stay still kaya lumabas na lang ako ng room. Pinuntahan ko si Red sa porch. Paglabas ko ng porch ay agad niyang tinapon iyong sigarilyo niya.

"Diba bawal?" I asked. "May sakit ka."

"Wala na kaya." He said. "Saka very minimal na lang talaga."

"Ilang sticks? Dad used to puff two packs a day. Ngayon wala na."

Red smiled. "Just five sticks a day, Babe. Wala naman na. Tapos na." He took the glass of scotch tapos ay ininom na niya iyon. I shook my head. Sanay na ako sa mga tao sa paligid kong nagbibisyo pero hindi ko alam kung bakit hindi ako comfortable sa thought na pati si Red.

"Let's go inside." I said. Hinintay ko naman siyang sumunod sa akin. Pumasok si Red. Napapailing siya. "Bakit?"

"Maliligo muna ako. Amoy yosi ako." He grinned.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon