Challenge # 15

76.4K 3.2K 651
                                    

Questions

Aurora's

I woke up early that morning. Sasama ako kay Daddy sa ospital. Ngayon iyong first chemo session niya. Naligo ako at nagbihis na. I wore my old clothes. Jeans, blouse and my old sneakers. Iyong jeans kasya pa naman pero iyong blouse medyo sumikip siya sa bandang dibdib kaya nagpalit na rin ako ng pang-itaas.

Tulog pa ang diwa ko but I have to wake it up so I could be with Dad today. Pagbaba ko sa sala ay naroon na sila Uncle KD – lahat sila. Tapos sila Mommy at ang mga kapatid ko ay kasunod ko lang na bumababa ng hagdanan.

"Dad, sama ako." I said.


"Sasama rin kami Dad." Sabi ni Ate Sam. Cindy held my hand. Si Mommy ay lumapit kay Daddy.

"Sasama kami, Jude. We have to be there." She said. Hinawakan niya ang kamay ni Daddy. Pero tumayo si Dad saka umiling.

"Nag-usap na kami nila Simoun, Arielle. Sila na lang ang sasama sa akin sa ospital. We'll be back tomorrow."

"Hindi pwede!" I said. "Dad, kailangan mo kami. Aalagaan kita. Dad, please let me do this."

"Hindi na, Orang." Si Uncle Simoun ang nagsalita. "We can take care of your dad. He'll come home safe, hindi ba, AJ?" Hindi ako naniniwala. Gusto kong sumama kay Dad. Nurse ako. Hindi pa lang pasado pero alam ko ang gagawin ko lalo na kapag nag-kick in na ang effect ng chemo. I wanted to cry right now, just thinking about Daddy losing his hair, or his will to live – my tears fell. Napayuko ako. Hinawakan ni Cindy ang kamay ko.


"Jude, let your daughter join you." Wika pa ni Uncle AJ.

"Hindi na." Lalo akong nasaktan nang marinig ko iyong sinabi niya. Lumapit si Daddy sa akin. He cupped my face. "I love you, Aurora, and I don't want you to see me like this. Uuwi ako bukas." He kissed my forehead. "Be good. I love you. It will never change."

Si Mommy ay nagbuntong – hininga na lang at hinayaang umalis sila Daddy. Hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan niyang umalis si Dad kasama sila Uncle. Kailangan kasama kami roon. Si Ate Sam ay naupo sa sala at nag-iiyak, ganoon din si Belle. I just sighed. Kung walang gagawin iyong mga kapatid ko, ako may gagawin. Matagal nang matigas ang ulo ko – limang taon na, kaya magpapakatigas pa rin ako ng ulo ngayon.

I left the house. Kinuha ko iyong susi ng kotse ni Daddy. Iniwanan niya kaya ako na ang gumamit. I know how to drive. I am determined to go to the hospital and take care of Daddy. Sa ganitong paraan na lang muna ako babawi. Kapag settled na siya, kapag naging okay siya, kukuha ako ng nursing licensure exam at kapag pumasa ako, magtatrabaho na ako at mag-aaral. I need this. I have to be something. Hindi pwedeng nandito lang ako.


Ate Sam is a graphic artist at nagsisimula na siyang umangat – and I am sure Cindy and Belle, kahit anong bagay ang gawin nila ay makukuha nila iyon. I am going to be a doctor. Tama na iyong oras na sinayang ko. Sisimulan ko na ulit ang buhay ko at kay Daddy ako mag-start.

I parked my car in the hospital. Sa ilalim na rin ako dumaan. Alam na alam ko naman itong ospital. I kind of missed it. Hinanap ko si Ree o kaya man si Tita Gina pero si Rocheta ang nakita ko. She smiled at me.


"Hi, Etang." Sabi ko.

"Hi, Aurora. Ang ganda ko diba? Sobrang ganda. Anong atin?" She asked. I almost rolled my eyes.


"Si Dad. Saan ko siya matatagpuan?"

"Oh... ngayon nga pala iyong chemo ni Uncle. Alam ko nasa presedential suite siya ngayon. Kung hindi pa siya na-chemo, doon mo siya matatagpuan, sa fifth floor iyon."

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon