Challenge # 14

73K 3K 583
                                    

Nasaktan ako

Aurora's

Nasaktan ako. Ngayon dahil kay Dad. Kagabi dahil na-realize ko lahat ng pagkakamali ko sa buhay at limang taon na ang nakalipas dahil iniwanan ako ni Red sa ere. Ang sakit – sakit. I got older but I didn't grow up. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang harapin iyong masakit. Hanggangngayon hindi ko pa rin kayang kausapin si Dad sa naganap dati. Hindi ko kaya kasi ayokong masaktan so I'll just runaway and I never look back. This is my way of coping pero hindi na pwede because this is the most painful thing I have ever experienced. Mas masakit pa kaysa nang gabing iyon sa airport.

"Let's go back." Dahan – dahan akong inilayo ni Red sa kanya. I was sobbing. Pilit kong pinatitigil ang sarili ko pero hindi ako matigil sa pag-iyak. "We need to go back, Aurora." Hinawakan ni Red ang kamay ko, agad ko namang binawi iyon.


"Kaya ko." Sabi ko. "Kinaya ko." Nilagpasan ko siya. Kahit ayoko ay bumalik ako sa bahay. Sinalubong ako ni Eli. I looked at him tapos ay yumakap ako sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo tapos ay pilit na pinatatahan ako.


"Nandito ako. Kung gusto mong umalis, sabihin mo lang." Bulong niya sa akin. I looked at him again.

"Eli, may sakit ang Daddy ko, hindi ako aalis." I told him. Kumalas ako sa kanya. Si Eli ay napabuntong – hininga.

"Next week na ang alis ko papuntang Cancun, Aurora."


"May sakit si Dad." Sabi ko pa. "I can't go."

"I know you want to leave." He pushed through. Siguro nga ay kilala ako ni Eli dahil alam niya ang iniisip ko. Pero kahit na anuman ang gusto ko ay hindi ko pwedeng gawin iyon. I left, I did terrible things, bad choices, I did everything I wasn't supposed to do, I wasted time and I couldn't take that back.

"I do, Eli. But I won't. Kahit na ako iyong pinaka-putang inang tao ngayon dito sa bahay na ito, kailangang nandito ako dahil mahal ko ang Daddy ko."

Tinalikuran ko si Eli at nagpunta sa basement. Naroon si Daddy at kausap niya iyong apat kong Uncles. Pumasok ako roon. Dad looked at me. Nakaupo siya sa green chair at titig na titig sa akin. Unti – unti at dahan-dahang pumapatak ang mga luha ko. Nang nakatayo na ako sa tapat niya ay saka ako lumuhod sa harapan niya.

"Dad... sorry." I bit my lower lip. "Sorry will never cure your cancer but I am very sorry. Sorry if I was too mad to even come home. Sorry if I nursed the pain and if I turned into someone terrible. I am a bad person. Daddy, sorry. Sorry, sorry po."

I cried on Daddy's lap. Mayamaya ay naramdaman kong hinaplos – haplos niya ang buhok ko. Nang mag-angat ako ng ulo ay siya na lang ang naroon. Humihikbi ako na parang batang munti. Si Daddy ay nakatingin lang sakin.

"Maupo ka dito." Tinuro niya iyong red chair. Pinahid ko iyong luha ko pero walang humpay iyon.

"What were you thinking, Orang?" He asked me. I shook my head.

"That night, before we leave. I texted Red an he told me that he'd be there. Umasa ako Dad, pero habang tumatagal, nawawalan ako ng kompyansa kasi parang hindi naman na siya darating. Hindi nga siya dumating and he texted that he was sorry. When I got to the plane, Eli was there. He was headed for New York. Siya lang naman ang kasama ko noon. He asked me to come with him to wherever and I did." Humikbi ako. "For the first time in my life, Dad, I felt free. Buong buhay ko kasi sinusunod ko kaya ni Mommy. Hindi ko naranasang gawin iyong gusto ko."

"Didn't you want to be a nurse, Orang?" He asked. Hawak – hawak niya ang kamay ko.

I smiled. "I did. And I still want to be a doctor but I have doubts now. Kasi baka tulad nating dalawa, huli na rin." Napaluha ako. "I was so in love with Elishua before, Dad but I didn't push through kasi ayokong maging rebound, tulad noong inisip ko kay Mommy, pero nasaktan ko pa rin si Eli. Tapos..." I sobbed again.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon