Challenge # 09

77.7K 3K 463
                                    


Guardian Angel

Red's

"Shut it, Violet!"

"I cannot believe this?! She's only a baby! God! Cradle snatcher?!"

"Hindi ako cradle snatcher?!"

"OMG! Nag-sex na ba kayo?!"

Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako kay Aurora na pulam-pula ang mukha sa pagkakataong iyon. Lumapit ako sa pinto para i-lock iyon saka ko hinarap ang kapatid ko.

"Of course not?!" Magkapanabay naming sagot. Violet just looked at me.

"Don't me! I know you! Alam ko kung ano ka! Isa kang malanding nilalang!"


Sa pagkakataong iyon ay nakatingin lang sa akin si Aurora.

"Kung hindi kayo nagse-sex, may iba kang ka-sex!"

"Hindi sa sex umiikot ang buhay ko?!"

Lalong sumigaw si Violet. "Manloloko ka! Kilala kita! H'wag kang sinungaling!" Binalingan ni Violet si Aurora. "Orang, pinilit ka ba ni Red? Tinakot ka ba niya?" Hinawakan niya si Aurora sa braso. "Halika, sasabihin natin kay Uncle Jude ang nangyayari!"

"No!" Aurora said. "Please... no... we all know what will happen."

"And it needs to happen?! I can't let you be ruin by this asshole! Si Red ito!"

"Pero... gusto ko siya." Mahina ngunit puno ng conviction na wika niya. Bigla akong napangiti. Gusto niya ko tulad ng kung paano ko siya gusto.

"Sigurado ka?" Nagtatakang tanong ni Violet. Tumango naman si Aurora. "Hala ka, Kuya! Anong pinakain mo kay Orang?! O my god! Pinakain mo siya ng buhay na talong!"

"H'wag mo akong itulad kay Rigor, Ube!" Sigaw ko sa kanya. Napatalon kaming tatlo nang biglang may kumatok. Tumind ang tension nang marinig naming ang boses ni Uncle Jude.

"Aurora, nandito ka ba?!"

"Putang ina! Putang ina!" I am frantic. Hindi ko alam ang gagawin. Nagpalingon – lingon kami. Bigla ay tinulak ako ni Violet hanggang sa may gilid ng kwarto tapos ay pinatuwad niya ako.

"Aurora?! Buksan mo iyong pinto!" May galit na sa boses ni Uncle Jude.

"Wait, Dad! Anong gagawin natin?!" Nag-aalalang tanong niya.

Pinatungan ako ni Violet ng putting kumot tapos ay naramdaman kong inupuan niya ako.

"Buksan mo iyong pinto." Violet hissed. Hindi ko na alam ang nangyari basta narinig ko na lang ang mga yabang ni Uncle Jude.

"Bakit nagla-lock ka ng pinto?" Nagtatakang tanong niya.

"Uhm, hi, Uncle." Nagsalita si Violet. "Sorry, nagbihis kasi ako kanina." Sabi niya pa.


"Nandito ka pala, diba pinahahanap ng Papay mo sa'yo si Pula?"

"Uhm hindi ko siya nahanap. Siguro nasa impyerno na iyon kasi sinungaling siyang putang ina siya." Tumawa si V. Kung naiba lang ang pagkakataon, kinurot ko na siya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Anak, magpupunta daw sa Burnham park ang Ate mo at si Bubut, sumama ka. H'wag mong lulubayan ang Ate mo. Sasama rind aw si Aelise."

"Okay, Dad. Aalis na muna ako, Violet. Text na lang tayo."

"Wala akong load, Orang." Wika ni V. Nangigigil na talaga ako. Naaninag kong lumabas na si Aurora. Naiwan si Uncle Jude.

"May bagong sofa pala dito." He said.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon