Challenge # 21

92.1K 3.8K 591
                                    

Now!

Aurora's

Napakaganda noong isla kung nasaan kami ni Red. Pakiramdam ko wala kami sa Pilipinas, kung hindi lang ako nakakikita ng mga Pinoy na mangingisda, ay iisipin kong nasa ibang bansa kami. May ganito palang lugar sa Pilipinas, hindi lang alam ng marami pero Mabuti na rin iyon para hindi masira ang kagandahan ng lugar na ito.

I was standing near the glass door, inside Red's room. Tulog pa siya at wala akong balak gisingin siya kasi baka mapagod siya. Kagabi kasi, hindi man kami nag-sex – dahil according nga sa kanya ay hindi pwede – not that I am wanting it or complaining - buong magdamag lang kaming nagkwentuhan. I think we were catching up. Nakakaloka, kahit malayo ako ang dami niyang alam sa akin.

I heard him moan. Nilingon ko siya. Maybe he was waking up. He opened his eyes and smiled at me.


"Hi, Babe. Good morning." He said in his very sexy husky bedroom voice. Something insie of me stirred.


"Good morning." Pasimpleng wika ko. Tinalikuran kong muli siya para itago ang pamumula ng aking pisngi. Ayokong makita niyang masyado akong apektado sa kanya – kahit na totoo naman akong apektado sa kanya – ayoko pa ring makita niya iyon kasi baka isipin niya sobrang dead na dead ako sa kanya. I focused on looking at the people down at the beach, mataas kasi talaga iyong lugar nila Red kaya kita ko ang lahat.

Napaigik ako nang hagkan niya ako sa ibabaw ng ulo at ipalupot sa baywang ko ang mga braso niya para hapitin ako palapit sa kanya. I could feel the warmth of his body. Para siyang heat conductor at nag-iinit naman ako kahit na simpleng ganito lang ang ginagawa niya sa akin.

"Red..." Tinawag ko siya pero natigilan ako kasi hindi ko naman alam iyong sasabihin ko sa kanya. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko.

"Orang...." His voice sounded so playful. Napangisi tuloy ako tapos ay napilitang humarap sa kanya pero – char lang kasi iyong napilitan.

"Gutom ka na ba? Kain na tayo." Yakag ko sa kanya. Kumawala ako sa mga bisig niya pero hindi naman niya pinakawalan ang kamay ko. Magkahawak kamay kaming bumaba sa kusina. Walang maid pero nang buksan ko iyong ref, punong – puno ng mga pagkain iyon – iyong tila ba pinaghandaan.

I took out some eggs, some greens and looked for some bread. May organic cereals rin sa cup board, may almond milk rin akong nakita sa ref. Pwede iyon kay Red, hindi gaanong mabigat iyong meal pero nakakabusog.

"Ayoko niyan." He told me.

"Hindi pwedeng ayaw mo. Kailangan mong kumain, iinom ka pa ng gamot. Kailan ka inoperahan? Kailan ka ba inatake?" Tumingin ako kay Red.

"Uhm noong iniwanan mo akong mag-isa sa bahay ko. I felt like I couldn't breathe. Buti nga nakita ako noong pamangkin kong si Fides."


"Sino naman iyon?" Wala sa loob na tanong ko.

"Iyong anak ni Nautica. The one who kissed you." May kaunting bahid ng galit sa tono ng boses ni Red. "And also she saw your shaved pu—"

"Hoy!" Sigaw ko. "Pero diba tomboy siya."

"Yep. But she has a seven year old daughter and a three year old son. And she's very much married so you can stop blushing for her, Aurora!"


"What?! Naaalala ko lang na hinalikan niya ako. Walang masama roon!"

"Masama iyon!" Sigaw niya sa akin. Napailing ako. "Ang sabi sa bible ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki! Don't ever think about her! Imoral siya!" Pulampula na ang mukha ni Red. Gusto ko namang matawa pero hindi ko pinakita, baka lalo siyang magalit.

EnchantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon