I'm done
Aurora's
Uncle Ido came to the house that evening. Dinalaw niya si Dad kasi daw maaga siyang nauwi kaninang umaga dahil hinatid niya sa school si Caspian at si Castel. He seemed to be really worried about Dad. Nasa kwarto ako noon at pinagmamasdan ko silang dalawa na naglalakad sa may garden. Nakaakbay si Dad kay Uncle Ido. Ang sweet talaga ng friends ni Daddy.
Nakakatuwa kung iisipin dahil ang tagal – tagal na nilang magkakasama tapos si Dad iyong pinakabata at natutuwa talaga ako na tinatrato siyang kapatid ng mga ito. Okay na rin sila ni Uncle Azul na ayon kay Belle ay halos limang taong hindi nag-usap. Talagang kahit na anong mangyari ay magkakapatid sila.
"Ate, kakain na." Narinig ko si Cindy. Binalingan ko siya. "Ang bait ni Uncle Ido no? Sana hanggang ending kasama sila ni Dad."
"Oo naman. Alam mo naman iyang mga iyan. Tara na. Anong ulam?"
"Puro gulay. Bawal kay Dad ang meat. Pero okay lang. Basta masasayaw niya ako sa 18th birthday ko o kahit walang party tulad noong kay Ate Sam dati, basta kasama ko siya." Sabi pa ng kapatid ko. I smiled wider. Inakbayan ko siya at lumabas na kami. Pagababa naming dalawa ng dining area ay nakaupo roon si Tita Gina, Mommy si Dad at si Uncle Ido. Pinakakain ni Mommy si Dad. Nagmano naman kami ni Cindy kina Tita.
"Kamusta ka na Aurora? Your father told me you want to pursue your medical career. That's a very good news."
"Yes, Tita. Kukuha po muna ako ng exam for license po. Sa June pa daw po iyong susunod."
"No worried. May kakilala ako sa loob ng agency. I can talk to them, tell then to give you a special exam. If you pass, you'll have your own oath taking and then the license, then you can go to UST college of Medicine."
"Sa UP ko po gusto, Tita." I said. "I checked my grades before I left, mukhang aabot naman po tapos, kailangan ko lang punan iyong mga requirements ko. But I guess I have to take the NMAT first before the the NLEX." I smiled again."I can help you with all the requirements. You don't have to worry."
"Alam kong gagalingan mo, Aurora." Mommy said. Namula ang pisngi ko.
"Dapat tinawag natin si Azul para nandito siya." Sabi ni Uncle Ido. "Pupunta dito iyon kasama noon si Pata Queen tapos si Red. Kamusta na nga pala kayo ni Red, Orang?" Tanong ni Uncle Ido sa akin.
"We're fine." I said.
"Ikakasal na po si Kuya Red doon kay Lupita Rancia." Wika ni Cindy. Napatingin ako sa kanya. Biglang napaubo si Daddy at napahawak sa dibdib.
"Aruy, ang sakit. May sakit talaga ako." Sabi niya. Napatayo ako para lapitan si Dad. "Nahihilo ako. Haaa..."
"Dad naman." Sabi ni Cindy. Naiiyak na naman ang kapatid ko. Hinaplos – haplos ni Mommy ang braso ni Dad.
"Mahal, okay ka ba? Gusto mo sa ospital?"
"Ido, tawagan mo si Ree." Sabi ni Tita Gina. I checked Dad's pulse. Okay naman ang tibok ng puso niya pero namumutla talaga siya.
"Daddy, dadalhin ka namin sa ospital." Sabi ko pa. Tiningnan ko si Uncle Ido. Nanlalamig si Dad. Dahan-dahang inalalayan ni Uncle si Dad para tumayo. Naiiyak ako. Si Tita Gina na ang tumawag kay Ree. Ako naman ay sumama na sa kanila para ipasok siya sa kotse. Ako pa nga ang nagbukas ng pinto. Inayos ko na iyong uupuan ni Dad nang biglang dumating ang mag-anak na Azul.
"Jude?! Jude! Ido anong nangyari?!" Frantic si Mama Leira.
"Nanghihina si Jude. Dadalhin namin sa ospital."
BINABASA MO ANG
Enchanted
General FictionFredrick Lukas Azul had his heart broken because of his stupidity. The love of his life lost her love for him because he was busy saving another woman - that was before - he learned his lesson the hard way. Now, he's at it again - saving another wom...