Mishah POV
Minsan pag-ibig ang dahilan kung bakit kailangan nating lumayo at mag-bago ng identity. Kailangan nating takasan ang masalimuot na nakaraan upang makaiwas na sa sakit. Ilang beses ko syang binigyan ng pag-kakataon pero bandang huli naiiwan pa rin akong luhaan. Sinubukan kong ibaling sa iba ang atensiyon ko pero sa bawat pag-tulog ko siya ang naiisip ko .Kaya naman kinailangan kong lumayo at pumunta sa Villa ng aking kaibigan ngunit hindi ko akalain na ito ang mang-yayari sa akin. Hinahabol nila ako, hindi ko naman sila kilala. Napalayo kasi ako sa Villa dahil naenganyo ako sa pamamasyal sa buong kapaligiran ng Villa.
Lakad at takbo ang aking ginawa. Hingal na hingal na ako .Hindi ko na alam kung makakaligtas pa ako sa aksidenteng ito .Hindi ko alam kung Saan ako mag-tatago. Pero kailangan kung mabuhay para sa kapatid ko. Katatapos lang ng kasal ng kapatid ko noong nakaraang araw at heto may mga humahabol sa akin. Malayo na ang natatakbo ko mula sa Villa kung hindi ako nag-kakamali nasa kagubatan na ako lampas sa Villa. Nanginginig ang tuhod ko sa pag-takbo. Nakakita ako ng malaking bato doon ako nag-tago. Maya-maya pa ay rinig na rinig ko na ang mga yabag ng lalaki.
"Nasaan na siya? Lagot tayo nito kay Big Boss" galit na saad ng lalaki.
"Hanapin siya" muling sumigaw ang lalaki at sa kamalas-malasan naman ay natapakan ko ang sanga ng tuyong kahoy kaya naman napalingon sa gawi ko ang mga lalaki. Tumakbo muli ako ng napakabilis pero nadapa ako .Pinilit ko pa ring bumangon pero nahabol nila ako.
"Huli Ka" saad ng lalaking mataba at hinila nito ang buhok ko . Ang ginawa ko naman ay sinipa ko ang ibabang parte ng kanyang katawan at saka ako tumakbo ngunit kinuha nito ang baril at pinatamaan ako sa balikat.
"Ughh" sobrang sakit ng aking nararamdaman ganito pala ang paputukan ng baril. Pero pinilit ko pa ring tumakbo hanggang sa nagiging blurred na ang paningin ko dahil nahihilo na ako. Pero takbo pa rin ako ng takbo kahit nahihirapan na hanggang sa aking pag-takbo hindi ko napansin ang medyo malaking bato na nakausli. Nadapa ako at nauntog doon na ako nawalan ng Malay.
Sa kabilang banda nag-kakagulo naman sa Villa Ramos sapagkat malapit nang lumubog ang araw ay wala pa ang dalaga.
Someone POV
"Senorito, Senorito" saad ng mga kasambahay pagdating ko galing sa meeting sa kabilang bayan, narito kasi ako sa Villa ko ngayon at pinilit lamang na sumama ni Mishah.
"Any problem?" Pagod kong tanong habang nag-lalakad papasok sa loob ng kabahayan. Kitang-kita ko ang takot mukha ng mga Bodyguard at ang mga kasambahay para bang may isang malaking kasalanan silang nagawa.
"Senorito kanina pa pong tanghali namamasyal sa paligid si Señorita Mishah pero hanggang ngayon ay hindi pa sya bumabalik"
"What the hell is happening. This is bullshit , Bakit hindi nyo sya sinamahan? Mga wala kayong kwenta. Mag-madali ilabas sa kwadra ang lahat ng kabayo at hahanapin na natin siya" sigaw ko. Maya-maya pa ay sumakay na ako kay Mapple ang pangalan ng paborito kong kabayo. Lumampas na kami sa pagitan ng Villa pero hindi pa namin siya nakita. Pumasok kami sa isang daan sa loon ng kagubatan na kung saan matagal nang isinarado ito dahil sa ilan ng mga pang-yayari na naganap. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga putok ng baril. Kaya naman pinag-handa ko ang mga tauhan ko at binilisan ang patakbo hanggang sa kitang-kita ng dalawang mata ko ang pag-takbo ng aking kaibigan at ang pag-baril sa kanya ng matabang lalaki dahil sa galit ko pinaputukan ko sa paa ang lalaki . Ang iba ko namang tauhan ay nakikipag-palitan ng putok sa mga lalaki.
"Ano ang kailangan niyo sa kanya? Ano?" Sigaw ko sa lalaki sabay tutok ng baril sa sentido nito.
"Wala lang mapapala sa akin" wika nito sa akin habang nakangisi.
"Ok dalhin ito sa quarter, ako na ang bahala pag-katapos, you and you" sabay turo ko sa kanila sumama kayo sa akin" saad ko sabay patakbo sa aking kabayo .Hinanap ko si Mishah at kitang-kita ko na nakahiga ito at dumudugo ang ulo. Wala na akong inaksayang panahon at isinakay namin siya sa kabayo. Ang isa sa tauhan ko ang siyang nasa harapan habang hawak-hawak ko ang duguang katawan ng aking kaibigan.
Agad naman siyang inasikaso sa pinakamalapit na pagamutan hanggang sa mabigyan ng pangunang lunas pero hindi naging maganda ang resulta nito kinailangan ko na naman siyang dalhin sa America. Pangalawang beses na ito na malalagay na naman sa panganib ang buhay niya . Hiling ko na sana muli siyang makaligtas. Pero ipinag-pauna na ng mga doktor sa Pilipinas na mag-kakaroon siya ng Amnesia base sa CT scan at iba pang test na ginawa. Matapos kong maayos ang lahat ay dinala ko na siya sa America upang doon ipag-patuloy ang pag-gagamot. Wala na talagang tigil ang mga pag-subok na nararanasan nila. Sunod-sunod as always ako ang kanilang tagasaklolo .Ganoon ko kamahal ang mga taong mahahalaga sa aking buhay. Kapakanan muna nila bago ang sarili ko .
Enjoy reading
_akoclheanne_
BINABASA MO ANG
THE FAMOUS BILLIONAIRE INVENTOR
RomanceRed Rio's invented the very high tech. laptop in the whole universe but it seems he is not contented of the life he had. He received so many awards by being the youngest achiever, inventor and model in the world. He is also known by being a playboy...