ELEVEN

283 8 0
                                    

Lynn POV

Matagal akong tinititigan ni Rio nang nakarating na kami sa Mansion. Ang batang dala ko ay inaalagaan ng mga katulong na sanay naman sa pag-aalaga. Binuksan ko ang baby bag na binigay sa akin ni Nurse Emma at nakita ko ang mga damit na may tatak na Z ang lahat ng gamit nito.

"What's your plan?" biglang tanong sa akin ni Rio. Hindi ko mabasa ang kung ano ang iniisip nito. Para bang nasa isa akong silid at pinapaamin. Ngayon ko lamang nakita si Rio na ganito kaseryoso.

"I dont know heart" lambing ko nalang aasa na lamang ako sa desisyon niya.

"You don't know? Then bakit mo kinuha ang batang iyan? Hindi natin pwedeng ibalik yan basta basta" wika nito sa striktong tinig.

"Bakit hindi? I report natin sa police na binigay lang sa akin yan sa hospital" wika ko naman. Pero bago pa ito makasagot ay dumating si Wayne.

"Senorito napanuod niyo ba ang balita lang ngayon?"

"No, why? Open the television" utos nito kay Wayne kaya naman sumunod din ito.

"Hanggang ngayon ay hindi pa naaapula ang sunog Ayon sa kanila sinadya ang pagkakasunod ng Nursery ng Hospital. Walang nakakaalam ng posibleng dahilan kung bakit kailangan itong sunugin. Ayon sa kapulisan masusi na itong iniimbestigahan" yan ang napanuod kong sinasabi nang nagsasalita.

"Senorito ano po ang gagawin namin?" tanong ni Wayne.

"Go to that hospital and check for the CCTV's baka nakita ang Senorita niyo na may dalang sanggol at sa atin mapunta ang imbestigasyon. Hindi pwedeng mangyari iyan sapagkat alam naman ninyong nanganganib pa ang buhay ng Senorita ninyo ngayon. Hindi natin kilala kung sino ang kalaban at kung nagkataon lang din na nagkasunog noong naroon kami. Call our best detective in town I need him. Tell him that I'm willing to triple the amount of money I will give once he accomplish the task" a very authoritative command I've heard in my whole life.

"Yes Senorito" wika ni Wayne at Aristotle.

"Now lady let's talk" seryosong saad nito sa akin.

"Already talking" pamimilosopo ko.

"You're getting in my nerves sweetheart. You'll pay for this" panakot niya sa akin. Waring may ibig siyang mangyari. Sinimangutan ko ito.

"I want to adopt the baby" biglang wika ko.

"No, you can do that" tanggi nito sa akin.

" I can, you can heart, You have the power and connection" saad ko.

"I will not used my power and connection for that baby. We don't know the blood that flows in his veins. What if masamang tao ang magulang niya" sagot ulit nito sa akin.

"How can you be so sure that his parents is criminal? Kelan kapa natutong manghusga Rio? Simpleng pakiusap ko ayaw mong gawin" wika ko sa nanghihinanakit na tinig.

"We can make baby if that's you want" saad pa nito.

" I know that but I want also to adopt this baby no matter what" paninindigan ko.

"This is ridiculous Lynn Sweetheart" saad na niya tinawag na ako nito sa pangalan ko na sinasabi niyang ako. Pero ang pagkakaalam ko Mishah ang name ko pero may mga pagkakataon na nananaginip ako at tinatawag ako sa pangalan na iyon.

"Pls. heart" wika ko sabay yakap kay Rio. Hindi ko alam pero naattached na ang feeling ko sa bata. Ilang oras ko palang itong karga.

"I'll think about it" saad nito at iniwan ako. Waring nag-iisip ito ng napakalalim. Ako naman ay napabuntong hininga. Pinuntahan ko si Baby Z.

"How is he?" tanong ko sa yaya.

"Ano po Lady lynn hindi ko maintindihan tinatanong niyo po ba Kung lalaki siya? Opo lalaki" sagot nito sa akin. Ngumiti na lamang ako. Wala akong balak na itama pa ang sinabi nito.

"Naggatas na ba siya?" saad ko.

"Opo lady Lynn matakaw nga po gutom na gutom" sagot nito sa akin.

"Thank you, pakialagaan siya ng mabuti" wika ko.

"Sino po ba ito Lady?" tanong pa ng katulong.

"You don't have the right to ask" saad ni Rio akala ko pumunta na ito sa silid namin hindi pala siguro binalikan niya ako kanina at nakita niya na dito ako Nagpunta.

"I'm sorry Senorito" wika ng kasambahay.

"Harsh mo masyado" bulong ko.

"It serves her right" saad ni Rio nang papunta na kami sa aming silid.

"Your bad heart" wika ko.

" I'll do that for you, Papayag na ako aampunin natin ang bata but in one condition" saad nito sa akin habang nakahiga sa kama at ang isang kamay nito ay nakahawak sa kamay ko.

"What is your condition?"

"Marry me" saad nito sa akin na ikinagulat ko.

"What am I dreaming?" wika ko.

"You heard me right. Marry me so that you can adopt that child. " saad nito sa akin.

"Kahit hindi naman yan ang ibigay mong kondisyon Heart mamahalin pa rin naman kita. Sabi mo sakin hindi ba nagmamahalan tayo dati ngunit gusto kong bago tayo ikasal ay bumalik muna ang aking ala-ala" paliwanag ko sa kanya.

"Sweetheart gaano pa katagal ang aantayin ko? Alam ko naman na mahal mo din ako kasi kung hindi mo ako mahal hindi ka papayag na muntik nang may mangyari sa atin noong mga nakaraan"

"Pero paano kung nagsisinungaling ka pala sa akin? Paano Kung may mga nangyari palang hindi maganda noon? " may pagdududa kong saad.

"Hindi sweetheart, pero kung ayaw mo matali sa akin then hindi ako papayag na Iadopt natin ang bata sapagkat masyadong delikado. Ayaw kong mahanapan tayo ng butas ng mga kalaban" wika nito sa akin.

Rio Pov

Nakatulog na si Lynn pero ako nagkunwaring tulog lamang kanina. Gumising ulit ako para buksan ang aking laptop. Safe naman ang paligid. Wala akong nakikitang mga taong umaaligid. Tinignan ko sa laptop ko at tinignan ko ang plano ng hospital na nasunog. Madami pala itong exit at ngunit marami ding bantay. Kaya isa lang naisip ko may secret passage ito na kung saan doon dumaan ang mga taong nasunog sa hospital. Matagal na nila itong plinano ngunit anong dahilan? Ayon sa report sa akin nila Aristotle na lakas end lang ngayon sa akin kumpleto ang mga CCTV. Wala silang sinira kaya kung dito dumaan sa paligid ng hospital ang may pakana nito tiyak na sisirain nito ang mga CCTV. Mabuti na lamang at madaming tao kanina at ayon sa kanila hindi mamukhaan ang mga tao na nagmamadaling lumabas sa hospital. Sapagkat siksikan at napakaraming tao. Kaya safe pa rin kami na nasa amin ang bata. Ngunit natitiyak ko na ang batang ibinigay sa amin ay anak din ng isang maimpluwensiyang tao dahil kung ako ang nasa posisyon ng nurse. Uunahin kong iligtas ang isang napakaimportanteng bata na alam kong pag may nangyari dito ay katapusan na rin ng aking buhay. Madali na lamang akong makakakuha ng incident report sa hospital na iyon sa isang pitik lang ng aking mga kamay. Nakagawa na rin ako ng mga larawan na ako at si Lynn na mag kasama at medyo malaki ang tiyan nito upang kahit ampunin namin ang bata ay malalaman ng lahat na ako ang Ama nito. Sana lang ay pumayag siya na makasal sa akin bago pa nito malaman ang lahat o bago pa bumalik ang ala-ala nito. Isasara ko na sana ang aking laptop nang bigla akong may nakitang tatlong tao na naman na nasa palibot ng Mansion nagmamasid.


PLS. Vote
Enjoy reading


_-akoclheanne-_

THE FAMOUS BILLIONAIRE INVENTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon