TEN

263 10 0
                                    

Red Rio's POV

Narito ako sa labas ng aking mansion dito sa makati nagpapahangin kailangan ko ng fresh air upang kumalma dahil parang makakapatay ako ng tao sa galit na nararamdaman ko ngayon. Maya-maya pa ay nasa harapan ko na ang lahat ng aking tauhan na pinangungunahan ni Wayne at Aristotle.

"What the hell are you all doing? Hindi ko kayo hinired para lang bumagsak sa simula pa lamang ng laban" Singhal ko sa kanila.

"I'm sorry Senorito" saad na.

"Sa susunod na pumalpak kayo sa simula pa lang ng laban hindi na kayo sisikatan pa ng araw" saad ko saka ako tumalikod sa kanila. Narinig ko pa ang paki usap nila na bawiin ang sinabi ko ngunit nagbingi-bingihan ako. Hindi ako ipinanganak para intindihin sila ako ang dapat nilang pakinggan at sundin. Pag-akyat ko ng aming silid ni Lynn ay tulog na tulog na ito. Hinaplos ko ang makinis niyang pisngi at nang magsawa na ako ay binuksan ko ang isa sa maleta ko na kung saan naroon ang laptop na aking naimbento. Binuksan ko ito at kitang-kita ko  na may mga lalaking nakapaligid sa labas ng aking Mansion at ayon dito may masama silang intention. Kaya naman pinindot ko ang buzzer sa aming silid na kung saan maririnig ito sa labas ng aming silid. Ito ang state of emergency buzzer at alam na ng lahat ng tauhan ko sa bahay na, ito ang ibig sabihin nito. Isa lang naman ang kahulugan nito. Maghanda dahil may kalaban sa loob at labas ng Mansion. Nakikita ko rin ang galaw ng aking mga tauhan mabuti na lamang at may CCTV na naglipana sa aking Mansion. Nagkapalitan na ng putukan at kung minamalas nga naman matamaan sa balikat si Aristotle kaya tinulugan ito ni Wayne. Ang iba kong mga tauhan ay nakikipagpalitan na ng putok sa mga maskaradong kalalakihan. Ilang saglit pa dumating na ang NBI kaya naman umalis ang mga ito at tumakas. Alam kong safe na ulit ang paligid at malinis na ito bukas. Alam na alam na ng mga tauhan ko ang gagawin kaya naman  humiga na din ako sa tabi ni Lynn sapagkat ramdam ko na ang pagod. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako ng mahimbing. Nagising ako sa  isang tapik.

"Good morning heart este Rio, can you accompany me to the hospital? Papacheck-up ako hinggil sa menstruation ko" saad sa akin ni sweety. Siguro pati kayo naguguluhan na marami kasi akong tawag sa kanya depende sa mood ko. Pwedeng hon, sweety at sweetheart.

"Sure I'll take a bath first. Now go to the dining area and eat I will follow you there" saad ko.

"OK I'll wait you there" saad niya sa akin sabay kiss sa pisngi ko. Hindi ako nakareact kaya naman nakaalis na sya bago ako nakapagsalita. Nag-aalala lang ako kapag bumalik na ang lahat ng kanyang ala-ala tiyak na kamumuhian niya ako. Naalala ko tuloy si Star kung naririto pa sana siya ngayon may mapaglalabasan ako ng sama ng loob. Kung sana hindi siya hinalay at pinatay nang mga lalaking iyon na hanggang ngayon hindi pa nahuhuli tiyak na hindi ako nilamon ng galit. Ito rin ang tagpo na nakita noon ni Lynn na kayakap ko noon ang aking kapatid bago siya mamatay. Kung alam ko lang sana noon na mapapahamak siya hindi ko na sana hinabol pa si Lynn kasi hindi ko rin naabutan. Nang binalikan ko ang aking kapatid nakahandusay na ito punit-punit ang suot at patay na. Kahit lalaki akong tao hindi ko maiwasan na hindi mapaluha. Sa tagal ng panahon ay sinisi ko ang aking sarili kaya naman dahil sa boredom at hindi paglabas ng Mansion noon nadiscover ko ang pag gawa ng isang high-tech. na laptop. Isa pa sa goal ko sa buhay ay mapanagot ang gumawa noon sa kapatid ko ngunit saan nga ba ako magsisimula. Malinis ang crime scene noon na kahit ako at ang mga kasamahan ko walang nakuhang ebidensya sa kung sino ang may gawa ng lahat ng iyon. Ang alam ko isa rin itong maimpluwensiyang tao. Wala naman nababanggit ang Kapatid ko noon sa kung may karelasyon ito kaya kahit matagal na ang panahon hindi pa rin ako sumusuko.

Nang naliligo na ako ay hindi mawala sa aking balintataw ang mukha ng aking kapatid noon. Kaawa - awa ito at may letter M na naiguhit sa semento. Ngunit bakit nga ba nawala iyon sa isip ko. Sa isiping iyong parang nagising ang dugo na dumadaloy sa aking katawan. Matapos kong maligo ay bumaba na ako naabutan ko si Sweety na ganadong kumakain.

"Mukhang ganadong-ganado kang kumain sweety ah" saad ko.

"Yes nagugutom na kasi ako sweety ko and masasarap naman ang na iprepare nilang pagkain" tukoy nito sa mga maid namin. Tinititigan lamang niya ako habang kumakain pero dahil sanay na akong hindi ipakita ang emotion ko alam ko na hindi niya alam na kinakabahan ako. After that nagtungo na kami sa hospital. Dahil may kilala ako roon nacheck agad ang aking asawa sa kung ano ang sakit nito at kung ano ang dapat niyang inumin o gawin nang sa gayon ay magamot ito. Maya-maya pa ay naiihi daw siya kaya nag - antay muna ako sa waiting area.

Lynn POV

Bago ko sapitin ang Comfort Room ay nadaanan ko ang kwarto kung saan naroon ang mga bata. Sumilip pa ako sa glass window at napakacute nila sana balang araw magkaroon din ako ng anak. Matapos kong umihi ay lumabas na ako ngunit nagkakagulo na. Nasusunog ang nursery. Sumilip ako roon at nakita ko bukas ang Pinto. Nakita ko ang isang nurse na may dala-dala ng sanggol.

"Miss kunin mo ang batang ito,
Iligtas mo, maawa ka. Babalikan ko pa ang isang sanggol. Umalis na kayo. Kunin mo itong lahat mga gamit yan ng baby kung sakaling hindi ako makasurvive yan ang pagkakakilanlan ng batang iyan" wika nito sa akin.

"Ano ang pangalan mo?" tanong ko pa.

"Nurse Emma, Ikaw ano ang pangalan mo? " tanong din nito sa akin.

"Ako si ________" naputol ang sasabihin ko nang tinulak niya ako dahil may nahuhulog na apoy at tatamaan ako kaya naman napalayo kaming dalawa ni baby.

"Umalis na ka-yoooo" sigaw nito at bumalik ulit sa loob ng nursery upang kunin ang isa pang sanggol.

Ang ginawa ko ay lumayo na ako sa Nursery. Lakad takbo ang ginawa ko. Pawis na pawis na ako. Maya-maya pa ay  nakasalubong ko si Red na mahahalata mong kabang-kaba sa kapakanan ko. Ako naman ay kabang-kaba sa baby na hawak ko kaya naman  bago pa ito makapagtanong tungkol sa dala-dala kong sanggol ay hinila ko na ito. Hindi ito ang tamang panahon para magpaliwanang ako. Nang makalabas na kami ay madami na ang bumbero na naroon pilit na inaapula ang sunog. Agad akong hinila ni Rio at sumakay na kami sa kotse at pinaandar ito palayo ng hospital. Mabuti na lamang at tulog na tulog ang bata kung gising siguro ito malamang umiiyak na ito ngayon dahil namimiss nito ang Ina. Ngunit sino nga ba ang batang ito? Hinahanap na siguro ito ngayon at tiyak na iyak na ng iyak ang magulang nito dahil sa sunog.

Enjoy reading
Pls. Vote
Feel free to comment❤️❤️❤️


_-akoclheanne-_

THE FAMOUS BILLIONAIRE INVENTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon