Red POV
Gulat na Gulat kami ng makita namin ang isa't-isa.
"Kenjie" I said surprisingly.
"Red" he also said saka pi-nat ang aking balikat.
"Now you finally knew each other, your best friends right? " saad ni Boss.
"Yes , we are" sabay naming saad.
"Now you need also to secure your family Agent Striker dahil lahat ng mga mahal mo sa buhay ay baka madamay din , ganun din ikaw black sa aking pag-kakaalam alam na ng kalaban na kasama kayo sa ating organization at alam na rin nila kung sino-sino ang mahahalaga sa buhay ninyo. Pinipilit nilang kunin ang black leather bag " boss said in a serious tone .
"I will protect them no matter what happened maraming mga ginto at alahas ang laman ng bag, karamihan ay mga alahas na reported na nawawala " I answered him.
"Dude you already investigated?" kenjie said.
"Yes, pero nag-sisimula palang ako dude at wala pa akong pinag-hihinalaan kung kanino ang bag na iyon."
"So now we will going to investigate , this is the plan" then he discussed to the two of us.
"Black, Striker don't tell to them that you knew each other ok?"
"Yes Boss" we said then saka kami lumabas ng office. Alam naman namin na kahit sa kasamahan namin ay pwedeng merong mag-traydor na lang agad-agad dahil sa kagipitan.
Red POV
As I finally reach home, hinanap ko agad si Lynn , nag-aalala pa rin ako sa kalagayan niya, himbing na himbing ang kanyang pag-tulog.
"Mi Amore I will do everything for you, kahit na katumbas pa ng sarili kong buhay. Sa totoo lang Mi Amore alam ko na kung sino ang may pakana ng lahat ng ito pero kailangan ko munang siguruhin ang hinala ko. Kelangan ko muna ng ebidensya. Mahal na mahal kita Lynn..Gagawin ko ang lahat para sayo dahil ayaw kong iwan mo muli ako, I love you" sabay halik ko sa kanyang noo at hinaplos-haplos ang kanyang mukha bago ako pumunta sa bathroom to take a shower then saka ako nahiga sa tabi niya. Hindi pa pala siya nag-hahapunan kaya naman tinawagan ko ang cooker namin dito sa bahay baka kasi magising siya mamaya .
Hindi ko namalayan nakatulog na rin ako , nagising na lamang ako ng alas-dos ng madaling araw dahil parang may nararamdaman ako sa paligid. Bakit wala akong naririnig na anumang yabag at kaluskos ng aking mga tauhan. Parang may kakaiba talaga kaya naman dahan-dahan akong bumangon at tinignan ko sa CCTV kung anong nang-yayari, kitang-kita ko na pinaamoy nila ng pampatulog ang ilan sa mga tauhan ko. Si Wayne at Aristotle na lamang ang nakikita kong nakikipaglabanan may silencer ang gamit nilang Baril kaya hindi maingay. Kinuha ko na rin sa drawer ang aking baril at lumapit sa sweetheart ko.
"Sweety, sweety" yugyog ko sa kanya.
"Hmmmm" sagot niya sa akin halatang Antok na antok talaga, hindi nga niya maimulat ang kaniyang mga mata.
"Wake sweety may sumusugod sa atin" sabi ko sa kanya
"What?" Kaya napabalikwas ito ng bangon. Saka biglang yumakap sa akin at halatang - halata ko na kinakabahan ito
" I'm afraid sweetheart " saad niya sa akin na nanginginig pa ang mga kamay.
"Sssh don't worry I'm here, proprotektahan kita " sabay yakap ko din sa kanya. Gamit ang flashlight ay ibinaba ko ang main fuse dito sa third floor saka kami bumaba at dumaan sa fire exit. May anino na sumusunod sa amin kaya naman hinila ko siya papunta sa sulok pero huli na ng makita kong may isa pa palang lalaki sa bandang dulo kaya naman dahan-dahan akong lumabas pababa at binaril ang isang lalaki kaya natumba babarilin ko na rin sana ang nasa bandang dulo pero nabaril ako sa balikat , napaigik ako sa sobrang sakit ngunit hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Sanay naman na ako sa mga ganitong senaryo, hindi ako natatakot para sa sarili kundi natatakot ako para sa babaeng aking minamahal. Ganito pala kapag nag-mahal ka mas Iisipin mo pa ang kapakanan niya bago ang sarili mo.
"Sweety tumakbo kana " sigaw ko sa kanya , Panay pa rin ang putukan namin habang nakakubli ako sa isang sulok katapat ng kay Sweety. Kitang - kita ko ang takot na nakakubli sa mga mata nito.
"No, hindi kita iiwan, kailangan mo ako, hindi ko kayang Iwan ka matapos makita ng dalawa kong mata na sugatan ka " mas lalong siyang napahikbi dahil sa patuloy na pag-tagas ng Dugo sa akin .
Maya -Maya pa ay lumapit na ang lalaki buti nalang nabaril ko ito kaya nahulog ang baril nito. Walang ano-ano ay pinulot ni sweety ang baril pero kitang - kita ko ang panginginig ng kamay nito. Itinutok niya rin ang baril sa lalaki.
"Who are you?" Tanong ko sa lalaki habang nakatutok sa kanya ang baril ko handa akong kalabitin ito kapag nanlaban pa ito.
"Someone needs to kill you both, nakaligtas man kayo sa akin pero hindi sa kanila" tumatawang saad nito sa amin, pero kita ko pa rin naman na may natitira pang awa sa puso nito. Nakakalungkot lang isipin na nag-pa gamit din ito.
"Who is your leader? I said in a very dangerous tone.
" I'm sorry " Saad nito sa akin.
" Plese tell us " pakiusap ni Sweety sa lalaki. Gusto sana nitong sagutin ang tanong pero biglang may pumana dito eksaktong sa dibdib kaya naman hindi na namin nalaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. Ang alam ko lang masaya ako dahil kahit papano walang nangyaring masama sa amin.
Matapos namin macheck na wala ng buhay ang lalaki ay sumakay na kami sa elevator pababa, naabutan namin roon ang napakaraming NBI, may mga mangilan-ilan nang isinasakay upang imbestigahan. Nang makita kami nila Aristotle ay nilapitan kami pero ramdam na ramdam ko na ang sakit kaya naman sinenyasan ni Aristotle ang medics para asikasuhin ako dahil kitang - kita nito na pinipigilan ko lang na hindi mapadaing upang hindi masyadong mag-alala si Sweety.
Pls. Vote for my story...
Enjoy reading
_akoclheanne_
BINABASA MO ANG
THE FAMOUS BILLIONAIRE INVENTOR
RomanceRed Rio's invented the very high tech. laptop in the whole universe but it seems he is not contented of the life he had. He received so many awards by being the youngest achiever, inventor and model in the world. He is also known by being a playboy...