TWELVE

779 21 11
                                    

Rio POV

Nakita kong nasa hindi kalayuan ng Mansion ang isang itim na sasakyan na pamilyar sa akin. Lumabas ako ng Mansion matapos isuot ang outfit ko bilang Agent Black at kinompronta ito.

"Agent Mar's what are you doing here?"

"Mag-ingat ka sa galaw mo Black" wika sa akin ni Mar's dati iisa lang ang babae sa aming samahan si Agent Smiler ngunit nang mawala ako ay napilitan silang maghanap pa ng isa na makatutulong sa kanila kaya naman si King ang naghanap at nirekomenda nga niya sa geuei Agent Mar's.

"What do you mean?" saad ko.

"Bukas ng gabi ay sasalakayin ang Mansion mong ito ayon sa Intel na nakausap namin. Umalis na kayo dyan ngayon din. Dumaan kayo sa underground at babantayan namin ang daan kung saan kayo lulusot. Bumalik kayo sa Palawan mas safe pa roon at kabisado natin ang lugar at malayo sa mga taouoang huwag silang MADAMAY" pinagdiinan pa niya ang word na MADAMAY.

"Are you sure Agent Mar's? Hindi ba yan false alarm?" tanong ko pa ngunit alam ko sa isip ko na kailanman ay bihirang magkamali sa mga information na binibigay. Gusto kong kabahan ngunit parang wala akong maramdaman. Kitang-kita ko ang concern sa mga mata nito.

" What's with that look? " I asked her.

" Ayaw ko lamang na maranasan mo ang naranasan namin ng kuya ko noon na naging dahilan kung bakit ngayon hindi pa rin kami pwedeng maging masaya" malungkot na saad nito.

"But anyway I have to go, sinabi ko lamang sayo ang utos sa akin ni boss" sumakay na ito sa kaniyang Black na Big bike at pinaharurot ito palayo sa Mansion. Agad akong bumalik sa loob ng Mansion at kinausap ang mga tauhan ko at sinabing mag-impake na at aalis kaming lahat sa loob ng isang oras.

" Wayne pakihanda ang dalawang limousine at tatlong van upang makaalis na tayo dito. Lahat ng mga gamit Aristotle ay ipaayos mo ng mabuti sa tauhan natin at bilisan ang kilos" pagkasabi ko ay pumunta na ako kay sweety.

"Sweety common we need to leave this evening. Pack your important things" saad ko. Tumango lang ito sapagkat alam na nito na kapag ganoon ako kaseryoso ay mayroong hindi magandang nangyayari. Pinapanuod ko lamang siya habang naghahanda. Ako naman ang dadalhin ko lang ay ang dlawang brief case ko na kung saan naroon ang mga importanteng kailangan ko. Tinawagan ko na din ang mga tauhan ko na magdidifuse ng bomba kung sakali. Inactivate ko na din ang lahat ng hidden camera nito na nakaconnect din sa akin kahit gaano pa kalayo ang pupuntahan namin. Hindi ako papayag na sisirain nila ang mansion na ito nang ganun ganun na lamang.

"I'm done heart, let's go to baby Z room" .

Hinawakan niya ang aking kamay sabay hila sa akin. Inutusan nalang namin ang maid na idala sa sasakyan ang baggage. Nang makarating kami room naihanda na rin ng yaya ang mga gamit nito kaya kinuha ko si Baby Z. Kinalong ko ito at tinitignan lang ako ni Sweety waring nasisiyahan sa kaniyang nakikita. Matapos makapag handa ng lahat ay bilisan na namin ito. Dumaan kami sa Underground. Ngayon ay binabaybay na namin ang Airport papuntang palawan. Iniwan na namin ang mga sasakyan namin doon at nabilinan ko na si Agent Mar's na kunin na lamang nila ito. Sumakay kami sa yate na pagmamay-ari ko. Nasa kalagitnaan na kami ng dagat ng may isa ring yate ang naroon at pinatatamaan kami ng sibat. Mabuti na lamang at magaling ang nagmamaniobra ng yate ko. Magaling itong umilag. Binabaril din naman nila Aristotle at Wayne ang yate ng kalaban. Kaya alam ko na mag-iiba ng plano ang mga ito hindi na nila papasabugin ang Mansion ko sa Manila. Nakagawa agad ang kalaban ng plan B at plan C. Ngunit ako ay hindi kinakabahan sapagkat kailanma'y hindi sila magtatagumpay.Makalipas ang ilan pang mga oras ay nakarating na kami sa Puerto Princesa, Palawan. Sinalubong kami ng mga tauhan ko. Lahat sila ay laging handa. Lahat ng tauhan ko dito ay well-trained. Lahat sila ay magagaling na assassin na nagpapanggap lamang na ordinaryong gwardiya.

"Welcome Senorito /Senorita" they said in unison. We just nod our head.

"This our guards and maids in Manila so respect  and trust them. They are on our side no matter what" wika ko pa.

"Yes Sir!" saad ng mga ito.

"It's been a long night, follow them and they will lead you to your designated room" saad ko.
Sumunod naman ang mga ito sa inutos ko.

"Wayne, Aristotle secure the area" utos ko pa.

"Noted Senorito" tinanguan ko sila. Hinanap ko si Sweety ngunit nasa loob na pala ito. Nakita kong binigay  muna ni Sweety ang baby sa yaya na mag - aalaga dito. Tatlo naman sila salitan na lamang sila ngunit tulog naman si baby kaya hindi sila mahihirapan. Ramdam ko na din naman ang pagod nang aming paglalakbay kanina. Nauna na akong naglinis ng katawan at, nahiga. Naramdaman ko pa ng humiga na rin sa aking tabi si Sweety. Yumakap ito sa aking bewang dahil nakatalikod ako. Hindi na ako gumalaw pa dahil pagod ako. Babawi na lamang ako sa kaniya sa mga susunod pang mga araw sa ngayon ay kailangan kong irest ang aking katawan upang magkaroon ng panibagong lakas.

Lynn POV

Nakatulog na si Heart alam ko naman na pagod na pagod siya at busy masyado. Hindi ko na maintindihan pa ang mga nangyayari. Napakaraming gulo ang naglipana samantalang noong nasa tabi ko pa si King walang ganitong problema. Karma ko na ba ito dahil hindi ako bumalik sa kaniya matapos niya akong tulungan? Hindi ko kasi maintindihan ang nangyayari napakahirap naman kasi ng may selective amnesia. Hindi ko maalala ang lahat. Nagsimula lamang ito nang umattend ako sa party ang maling bag ang nakuha ko. Gaano ba ito ka importante sa kanila at kailangan nila akong patayin. Tumayo ako nang maramdaman ko na tulog na si Rio. Sumilip ako sa glass window. Maliwanag ang buwan. Tahimik na ang paligid. Malamig siguro ang hangin pag binuksan ko ang bintana. Ginawa ko nga may nakita akong tao sa puno. Kapre ba yun? Ngunit hindi naman malaki. Kalaban na naman siguro ito ngunit bakit hindi pa niya ako patamaan ng baril. Nakatingin lamang ito sa akin buhat sa malayo. Hindi ako natatakot kaya naman sinara ko ang window at lumabas ng silid. Dahan-dahan mabuti na lamang at wala akong nakasalubong. Nakalabas ako ng maayos at nakita kong pa lakad-lakad ang mga guards sa labas. Nagtago ako sa mga roses upang hindi ako makita. Nang masigurado kong wala nang bantay ay dahan-dahan akong lumapit  sa may puno tinignan ko kung may tao ngunit laking pagtataka ko wala naman na ang taong nakita ko rito kanina. Namamalikmata lang ata ako o guni guni ko lang? Ngunit napakaimposible naman.

"Asan ka? Sino ka ba ?" wika ko ngunit wala naman akong makita. Palingon-lingon ako ngunit wala naman.

"Magpakita ka! Anong kailangan mo?Sino ka? "

"Hindi ako natatakot sayo dahil hindi ako duwag" wala pa ding sumagot sa akin ngunit may, nakita akong papel sa ilalim ng, puno. Mukhang nahulog ito. Nang buklatin ko ito ay nagulat ako sa aking nakita. Ano ang, ibig sabihin nito?

Enjoy reading
Pls. Vote

_-akoclheanne-_

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE FAMOUS BILLIONAIRE INVENTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon