“Sa tingin mo, ano kaya ang nangyari sakanya?” tanong ni Julia kay Jessica na ang tinutukoy ay ang kalagayan ni Vanessa pagkalabas nila ng classroom. “Ang saya-saya lang natin kagabi, pagkatapos ay nagkaganyan na sya. Sana’y totoo ang sinabi ng nurse na dala lang ng stress ang pagdugo ng ilong ni Van kanina at wala ng iba”
“Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla’y nagkaganon sya. Ang sabi naman ni Billy, tinatawagan niya si Vanessa kagabi pero hindi naman nito sinasagot ang telepono, pati rin ang cell phone,” wika ni Jessica. “But I’m worried, Julia. Actually, mas nangingibabaw ang kabang nararamdaman ko at hindi ko alam kung bakit. Nang tingnan ako ni Van kanina sa clinic, hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit bigla na lang akong kinabahan---“ nahinto ito sa pagsasalita nang biglang may tumili mula sa kung saan.
Napansin nila ang mga estudyante na nagkakagulo sa dulo ng hallway. Tila mula roon nanggagaling ang tiling narinig nila. Nagkumpulan ang mga estudyante sa barandilya at tila may tinitingnan sa ibaba sa quadrangle.
“Anong nangyari?” narinig nilang tanong ng isang estudyanteng babae na nagmamadaling nagtungo roon.
“May estudyante raw na tumalon mula sa rooftop!”
May kung anong bagay na biglang kumabog sa dibdib ni Julia sa narinig. Nagkatinginan muna sila Jessica bago sila nagmamadaling nagtungo sa barandilya.
Mula sa fourth floor na kinatatayuan nila Jessica ay tanaw niya ang isang babaeng estudyante na nakalugmok sa quadrangle. Naliligo ito sa sarili nitong dugo at dilat ang mga matang tila nakatanaw sa kanya… and it took her a moment to realize who it was. A horrid sick feeling enveloped her.
Hindi! Mabilis na tanggi sa isip niya.
Pinanlambutan siya ng mga tuhod. Pakiramdam niya’y biglang umikot ang paningin niya. Napatakip siya ng bibig upang pigilan ang sarili na mapasigaw, habang sa isip niya ay nananalangin siyang sana’y nagkakamali lamang ang mga mata niya.
“V-Vanessa! J-Julia, si Van!” Jessica was screaming and crying at the same time. Kinumpirma ng sinabi nito ang ayaw sana niyang isipin. Sickened by the sight, she ran into the bathroom and vomited.
HUMAHANGOS si Billy patungo sa quadrangle. Sa likod ng isip niya ay nananalangin siya na sana ay nagkamali lamang ng pangalang nabanggit ang teammate niya na nagbalita sa kanya.
Halos habulin niya ang hininga nang marating niya ang quadrangle. What he saw were frightened collage students huddled in shivering groups. Isang babaeng guro ang tili pa rin ng tili---hindik na hindik sa nakatambad dito.
God, please, hindi sana siya. Nasa clinic lang sya… nagpapahinga… dalangin niya habang unti-unting humahakbang patungo sa pinagkukumpulan ng lahat.
Ang ilan, pagkakita kay Billy, ay sadyang tumabi upang mahawi ang mga nag-uusyoso na tila dagat na pula at nagbigay daan sa kanya.
Please, please… naramdaman niyang may humawak nang mahigpit sa balikat niya na sadyang pinahihinto sya sa paghakbang. Si Joshua iyon na sandaling nakalimutan niyang kasunod lamang niya. He slowed down, then stopped.
Limang hakbang mula sa kinatatayuan niya ay ang katawan ni Vanessa na nakahandusay sa pavement. Naglalawa ang dugong nagmula sa ulo nito maging sa nakangangang bibig nito. He could smell it, thick and primal. Wala na sa dating porma ang kanang braso ni Vanessa, maging ang mga binti nito. Halos mag-abot ang kanang paa nito sa siko nito sa kanang braso.
Hindi… hindi si Van… that’s not her! Sigaw niya sa isip niya. Tears were forming at the corners of his eyes. “That’s not her…”
Ngunit hindi siya pwedeng dayain ng kanyang mga mata. Napayakap siya sa kaibigan nang hindi niya natagalan ang nakatambad sa paningin niya. “Pare, tell me that’s not her.” Mariin ang bawat salita niya. “Hindi si Van yan…”
BINABASA MO ANG
ONE MESSAGE RECEIVED
TerrorTHEY THINK IT WAS A JOKE, SOME SICK JOKE... BUT THEY WERE WRONG, DEAD WRONG