Pasado alas-diyes na ng gabi ngunit hindi magawang dalawin ng antok si Julia. Tumayo sya mula sa kama at nagtungo sa computer table niya. She then began to browse through the computer web after she had connected to the server.
Pagkatapos niya sa pagbabrowse ay naisipan niyang i-check ang kanyang e-mails. Matagal na rin ang lumipas mula noong bisitahin niya ang e-mail account niya, ngunit nakapagtatakang mayroon lamang siyang isang e-mail sa Inbox niya. Nakapangalan ang subject sa kanya.
TO JULIA.
Binuksan niya ang e-mail. The first words of the e-mail gave her the chills.
I’M Karina RAMOS. I DIED LAST YEAR. I WAS FOUND DEAD HANGING IN MY BEDROOM.
There was something so eerie about the e-mail that made her shiver.
SEND THIS E-MAIL TO YOUR FRIENDS. DO NOT IGNORE OR DELETE THIS… OR YOU WILL DIE…
VANESSA MONTALBAN DELETED THIS E-MAIL. THE NEXT DAY, SHE JUMPED OFF FROM THE ROOFTOP OF HER CAMPUS BUILDING.
She stared at the flat screen computer monitor for a long moment. Ang tanging bagay na alam niya ay may malaking takot na biglang sumanib sa buong katawan niya, lalo na nang i-scroll down niya ang screen.
THE SAME FELT BEFELL JESSICA MALLARI. THE SAME DAY SHE DELETED THIS E-MAIL SHE GOT RAN OVER BY A PICK-UP TRUCK.
Pakiramdam niya ay huminto ang oras nang sandaling iyon sa kanya. May ilang segundong nablangko ang isip niya. Hindi niya alam kung ano ang iisipin.
Matagal na na-freeze ang kamay niya sa ibabaw ng mouse. Her mind simply refused to process the information and she was left gaping at the computer monitor. Her reflection on the screen looked stretched, distorted.
At sa likuran ng isip niya ay may katanungang nagpupumilit umahon: bakit para bang narinig na niya ang pangalang Karina Ramos. Umulit ang pangalang iyon sa isip niya. Fear crept up her spine.
“By the way guys, do you all know? Na bukas ay eksaktong isang taon na mula noong magpakamatay si Karina?” naalala niyang kay Joshua niya unang narinig ang pangalang iyon.
“Teka, sinong Karina yon?” tanong niya rito noon.
natatandaan niyang si Vanessa ang sumagot. “Si Karina Ramos. She was the campus weirdo.” Muling binalikan niya ang mensahe sa e-mail, binasa niya iyon. “I’m Karina Ramos. I died last year. I was found dead hanging in my bedroom…”
“Hindi mo na siya naabutan nong sem na pumasok ka. Nag bigti siya last year.” May kung anong malamig na hangin na naramdaman niya na gumapang sa buong katawan niya. Kinilabutan siya. Napahimas siya sa batok nang magtayuan ang mga balahibo niya roon.
“Ang nangyari sa dalawang kaibigan mo ay hindi lamang basta aksidente.” Bigla ay kusang bumulong sa isip niya ang sinabing iyon ni Art na tila babala gaya ng gusto nitong iparating sa kanya kanina lamang sa cafeteria.
“Kailangan niyong mag-ingat magkakaibigan.” Ngunit mag ingat saan? “May kailangan kang malaman, Julia”
Binalikan niya ang source ng e-mail na iyon. Naroon ang mga e-mail address nina Vanessa at Jessica. Natanggap din ng mga ito ang e-mail na iyon. Bumils ang pagtibok ng puso niya.
Sandaling tumayo sya nang mag-message alert ang cell phone niya. Kinuha niya iyon sa ibabaw ng chest of drawers at bumalik sa pagkakaupo.
Bubuksan n asana niya ang message nang may mahagip ang mga mata niya sa computer monitor niya. Its glare revealed that there was someone else in the room with her.
![](https://img.wattpad.com/cover/1693788-288-k394062.jpg)
BINABASA MO ANG
ONE MESSAGE RECEIVED
HororTHEY THINK IT WAS A JOKE, SOME SICK JOKE... BUT THEY WERE WRONG, DEAD WRONG