ONE YEAR LATER…
Hazel’s eyes were bloodshot from crying. Napakalaking gaga niya at hinayaan niya ang kanyang sarili na mahulog sa kasinungalingan ni Jerry Mendoza.
Jerry was the most popular guy in Hillcrest Academy. Part-time model ito sa isang sikat na brand ng underwear line. And she thought he was the prince charming she had been waiting for all her life. She thought he was her dream come true.
She should have seen it coming. Pero nagpakabulag pa rin siya. Paano nga naman mai-in love ang isang jerry Mendoza sa isang overweight, geek student na tulad niya? But she really thought he was in love with her.
“And I thought that was all that mattered to him…” she sobbed.
Ngunit pinaglaruan lamang siya nito. Ginawa lamang siya nitong laughingstock ng mga barkada nito. Gusto lamang nitong patunayan na kahit sinong babae ay kaya nitong paikutin ang ulo. Ibinuhos niya ang lahat ng sama ng loob at galit sa isang dosenang kahon ng donuts. Gusto niyang pagbayarin ito.
Then she heard the familiar sound of you’ve got mail from her PC. Napatingin siya sa computer table niya. Hindi pa pala siya nagsa-sign out sa e-mail account niya.
Sandaling iniwan niya ang kinakain at nagtungo sa PC niya. Bago muna siya mag-sign out ay binuksan niya ang katatanggap lamang na e-mail.
TO HAZEL. From eidlliwuoy@yahoo.com
Binuksan niya ang e-mail. Bigla siyang napahinto sa pag-iyak niya. Nalaman niyang iyon ang “cursed e-mail” na popular na kwento sa campus nila.
Narinig na rin niya ang kwentong iyon mula sa pinsan niya na nag-aaral sa eskwelahan na pinagmulan ng kwento. It was said that a group of friends received that “cursed e-mail.” But they all ignored it, thinking it was just a joke. And one by one, they started to die in freak accidents.
But some said it was just a rumor. “Tingnan ko nga kung totoo ang tsismis,” wika niya sa sarili at ipinasa ang e-mail na iyon sa e-mail address ni jerry Mendoza.
Pagkatapos magsign-out ay pinatay niya ang PC niya, saka niya binalikan ang kinakain niya kanina.
Ngunit sandaling napahimas siya sa batok nang maramdaman niyang may malamig na hangin na dumampi roon.
BINABASA MO ANG
ONE MESSAGE RECEIVED
TerrorTHEY THINK IT WAS A JOKE, SOME SICK JOKE... BUT THEY WERE WRONG, DEAD WRONG
