CHAPTER 6

576 10 2
                                        

Tahimik ang buong hallway ng dormitoryo patungo sa kwarto ni Art. Tanging ang mga yabag niya at ang mabilis na pantig ng puso niya ang naghahari sa pandinig niya. Nabasa niya ang e-mail na ipinasa sa kanya ni Julia. Maraming beses niyang sinubukang i-forward yun sa iba. Ngunit nagpe-failure delivery iyon.

He thought maybe he wasn’t meant to be forgiven. Malaki ang kasalanang nagawa niya. Dapat ay ipinagtapat na niya kay Julia ang buong katotohanan. Sana.

Hinihintay na lamang niya ang mga susunod na maaaring mangyari.

Isinusi niya ang pinto ng kwarto niya nang may pumatak na dugo sa braso niya. Naramdaman niyang nagmula iyon sa ilong niya. Mabilis na pinahid niya iyon ng likuran ng palad niya. Nanginig sya sa takot nang Makita niya ang bahid ng maraming dugo.

Dudukutin n asana niya ang panyo niya sa bulsa niya nang maramdaman niyang nag-vibrate ang cell phone niya sa back pack niya. Kinuha niya iyon sa bulsa ng back pack niya. He had one message received.

Binaha sya ng takot nang buksan niya ang message at Makita ang pangalan ni Karina Ramos bilang sender. Then he felt a cold chill and a breeze, na tila ba may malamig na bagay sa likuran niya.

Trembling now, he spun around to see what he had already felt lurking behind him.

Ang multo ni Karina ay nakatayo isang hakbang lamang ang layo sa kanya. Ang maputlang muka nito at mga nanlilisik na mata ay nagbabadya ng maraming nakakatakot na bagay.

Bumagsak sa sahig ang back pack niya sa labis na pagkatigagal niya. Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang pinto ng kwarto niya at kaagad na pumasok.

Isinara niya ang pinto at ilang sandali na napasandal doon, nanalangin sa isip. He was panting hard, his heart pounding in his ears. Pagkatapos ng ilang sandali ay kinapa niya ang light switch at binuhay niya ang ilaw.

Ngunit sa eksaktong pagliwanag ng buong kwarto ay natagpuan niya si Karina sa mismong tapat niya. Her lips were contorted in rage.

Art’s eyes widened in terror. Naparalisa siya ng labis sa takot. Karina’s arms reached out to him, trying to get a grip of his throat. All the nails on her hands were stripped away, her fingers were raw, bloody stumps.

He closed his eyes tight. Naramdaman niyang unti-unting pagbaon ng matigas na daliri nito sa leeg niya.

“I’m sorry… wala akong nagawa…” tears were falling from his shut eyes.

Naramdaman niyang nawala ang mga lamig ng kamay na sumasakal sa kanya. He slowly opened his eyes. He grasped at his throat, gasping for air. Wala na si Karina. Napatawad nab a sya nito?

Nanginginig ang mga tuhod na humakbang siya patungo sa kama niya at umupo sa gilid niyon. He just sat there for a long moment, massaging his throat, cold sweat soaking his face. Nananahan pa rin ang matinding takot sa dibdib niya.

Nang bigla’y napatayo siya nang wala sa kanyang control. Dinala siya ng kanyang mga paa sa banyo, as if his feet had a mind of their own. Kusang ipinakita sa kanya ng kanyang mga mata ang alambre na pinagsasabitan niya ng kanyang mga basing damit.

He tried to grab anything to hold on. Ngunit hindi niya maigalaw ang mga kamay niya.

“WALANG multo Julia. This is nothing but a joke, a sick, sick joke,” mariing wika ni Joshua pagkatapos na ipakita niya rito ang e-mail na ipinasa niya rito. “The person who made this is seriously disturbed.”

“Josh, kahit ako ay hindi ko gusting paniwalaan ang lahat ng ito,” she said hopelessly. “Sana nga’y may ibang dahilan.”

Napailing lamang ito sa kanya. Overwhelming pain was erupting from his eyes. “Look, naroon ako noong mamatay si Jessica.” Naroon ang pait sa tinig nito. His eyes trembled with tears. Naisip niyang mahirap para dito na muling balikan sa isip ang nangyari sa girlfriend nito noong gabing iyon. “I saw it with my eyes, Julia. I saw it. Walang multo. Aksidente ang lahat ng iyon.”

ONE MESSAGE RECEIVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon