CHAPTER 8

393 5 0
                                    

Sa dulong bahagi ng classroom malapit sa bintana umupo si Julia. Pinili niya talagang maupo sa lugar na iyon dahil alam niyang mayamaya’y makakatulog siya sa klase. Kahit papano ay hindi siya mapupuna ng kanyang professor.

Alas-kwatro na ng madaling araw nang makatulog siya. Hindi niya inakalang nalibang siya sa pagbabasa sa journal na dinala pa niya maging sa klase. Gusto niyang ipagpatuloy ang pagbabasa niyon sa vacant time niya. Gusto niyang malaman kung sino sa NHA ang lalaking tinutukoy ni Karina Ramos.

Mayamaya’y nararamdaman na niya ang pagbigat ng kanyang mga mata. Sandaling napapikit siya. Ngunit dagli rin siyang napadilat nang may maramdaman siyang malamig na bagay na dumaan at humaplos sa buhok niya mula sa kanyang likuran.

She was sitting at the last row at bakanteng espasyo ang nasa likuran niya. Tinangka niyang lingunin ang kung anuman ang maaaring dahilan ng kanyang naramdaman.

Only to find nothing.

Nang  bigla ay naramdaman niyang tila may mga kamay na nakahawak sa magkabilang balikat niya. Malamig ang mga iyon na tila yelo.

Nang humarap siya’y sinalubong siya ng muka ng isang babae na natatabingan ng mahabang buhok nito. At ang babaeng iyon ay wala sa sinuman sa mga kaklase niya.

“Akin na ang journal ko!” anito sa nakakapangilabot na tinig, habang mariin ang malalamig na mga kamay nito na nakahawak sa mga balikat niya. Nilukob ng takot ang buong pagkatao ni Julia. She let out a sharp scream.

Nagising si Julia na sumisigaw. She jumped back, seemingly knocked out of her chair. She fought the unseen demon.

Pinagtinginan siya ng lahat sa klase. Her seatmate tried to help her but she was to busy turning ten shades of red.

Nagbaba ng salamin sa mata ang professor niya. “Nice to see you find my subject so stimulating, Miss Ronquillo.”

The whole class erupted with laughter.

“I-I’m sorry, Ma’am,” aniya habang nanlalamig ang buong katawan sa takot na naroon pa rin sa dibdib niya. Pinahid niya ng likod ng kanayang palad ang malalamig na pawis sa leeg niya.

“Julia, ano yang parang putik na nasa blouse mo?” bulong na tanong ng seatmate niya at itinuro ng daliri ang manggas niya.

She looked down on her both shoulders. Napansin niya ang tinutukoy nitong putik sa manggas niya. It was in the shape of five spindly fingers.

She felt her face turn the color of ash.

ANG USAPAN nila ni Joshua kagabi ay magkikita-kita sila sa cafeteria nang lunch break. Ngunit wala pa rin kina Joshua at Billy ang nagpapakita sa kanya.

“Bakit ayaw mong sagutin, josh?” aniya habang pinari-ring ang cell phone nito. Kailangan niyang makausap ito. Gusto niyang ipaalam dito ang tungkol sa journal ni Karina na nasa kanya.

Maaaring nagsisinungaling si Art sa kanya, ngunit natitiyak niyang si Karina ang nagmamay-ari ng journal. At ang mga dumi sa magkabilang manggas niya ay nagpapatunay na hindi basta panaginip lamang ang pagpapakita sa kanya ni Karina.

Nang wala pa ring sumasagot sa tawag niya ay binalikan niya ang journal ni Karina. She wanted to know more about her. Umaasa siyang may matutuklasan siyang kasagutan sa lahat ng mga nangyayari sa kanila.

Nov. 22, 2010

He asked me out! I couldn’t believe he actually asked me out! Gusto niya akong maka-date. Manunuod daw kami ng sine!

At first, I really thought I was just dreaming. Na hindi talaga ako ang kausap niya at nagbibiro lamang siya. Tumalab na ba ang love spell ko?

ONE MESSAGE RECEIVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon