CHAPTER 1

2.6K 20 0
                                    

"Ang sabi noon ng lolo ko, dating ospital ang kinatatayuan ngayon ng North Hill Academy. Nasunog ang ospital noong sumiklab ang Second World War. Maraming mga pasyente at nurse ang nasunog ng buhay." Nangingibabaw ang tinig na iyon ni Joshua Gonzaga sa katahimikan ng buong kabahayan nina Vanessa Montalban

Vanessa threw a house party since her parents were in Tagaytay for business convention. Inimbitahan ni Vanessa ang ilang mga kaibigan niya sa NHA.

Perfect na sana ang buong gabi ngunit maagang winakasan iyon nang mag-brownout sa buong villa. It sent the party people home. At sila na lamang magbabarkada ang naiwan.

Mahigpit ang pagkakayakap ni Julia Ronquillo sa throw pillow habang nakapatong ang mga paa niya sa inuupuang single sofa. She couldn't believe there was this story circulating that their campus was haunted. She was a new student there.

Tahimik ang lahat habang ikinukwento iyon ni Joshua. Si Vanessa ay nakahiga sa mahabang sofa at nakaunan ang ulo sa hita ng boyfriend na si Billy Fajardo. Ang girlfriend naman ni Joshua na si Jessica Mallari ay naka-squat sa carpeted floor. Ang lahat ay magkakasing-edad at nasa huling taon na sa kolehiyo.

Ang dalawang kandila sa ibabaw ng mesita sa gitna nila ang nagsisilbing liwanag sa sala. Katabi niyon ang mga empty beer can at isang bowl ng Lay's potato chips at box ng pizza.

"Iyon ang dahilan kung bakit may ilang mga estudyante ang nagsasabing minsan ay nakakakita sila ng mga nurse na naglalakad sa campus sa gabi," pagpapatuloy ni Joshua. Mahilig ito sa kwentong katatakutan. Tila may archive ito sa utak ng mga horror story at hindi ito nauubusan niyon.

Isa-isang tinapunan nito ng tingin silang apat. Huminto ang tingin nito sa kanya. There was a long stretch of silence.

Napansin niJulia na lumagpas ang tingin ni Joshua sa likuran niya. Matagal na sandaling hindi ito nag alis ng tingin doon. Na-curious na sinundan naman iyon ng tingin nina Vanessa at Jessica, except for Billy who looked really bored. Nakapahinga ang siko nito sa armrest ng sofa at sapu-sapo ng kamay ang mukha.

"J-Julia..." Ang paraan ng pagbanggit ni Joshua sa pangalan niya ay nagbigay ng kabog sa dibdib niya. "M-may ... nurse sa likuran mo!!!! "

Napatili siya. Mabilis na napatakbo siya sa pwesto nina Vanessa at Billy.

Nagtawanan ang lahat. Si Joshua ang may pinakamalakas na tawa. He was actually meaning for that to happen. Inabot niya ang isang throw pillow at inihampas dito. "Hindi ka nakakatuwa!"

Napahimas ng batok si Joshua. "By the way, guys, do you all know?" anito sa pagitan ng tawa.

"Know what?" Vanessa asked, nestling back to her boyfriend's lap.

"Na bukas ay eksaktong isang taon na mula noong nagpakamatay si Karina," he announced. Sandaling natahimik ang lahat.

Agad na napatingin si Billy kay Joshua. "Wow! How sweet that you remember her death anniv, pare," pangangantyaw nito sa kaibigan. "Saan kayo magse-celebrate?"

Joshua just sneered at him. "There's this scary story about her," he continued.

"Oh come on, Josh. Let her rest in peace," wika ni Jessica. "'Wag mo nang gawan ng kwento'yong patay, okay?"

"That's what makes it scary," paliwanag nito. "Pero totoo ito. Narinig ko 'tong  pinagkukuwentuhan ng mga prof sa faculty last year."

"Teka sinong Karina yon?" biglang tanong ni Julia.

"Si Karina Ramos. She was the campus weirdo," Vanessa said with haughty disdain. "Hindi mo na sya naabutan no'ng sem na pumasok ka. Nagbigti sya last year. Natagpuan na lang siya ng parents niya na nakabigti mula sa ceiling fan."

ONE MESSAGE RECEIVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon