Nakasandal si Vanessa sa gilid ng itim na Mazda3 ni Joshua. Sa tapat niya ay si Billy na hindi pa gusting magpaalam. Nakakulong siya sa mga braso nito.
Nakapwesto na sa backseat sina Jessica at Julia. Si Joshua naman ay naiinip na sa matagal na pagpapaalam ni Billy. “Pare, ba’t di ka na lang magpaiwan?” ani Joshua sa kaibigan at binuhay nito ang stereo. Pumailanlang sa ere ang awitin ng Eraserheads. Nagsimula itong kumanta. He was banging his head in the air habang inihahampas nito ang invisible na drumstick sa manibela. Animo’y nasa banda ito.
Joshua turned up the volume at sinabayan ng kanta. “Masdan mo ang aking mata… di mo ba nakikita? Ako ngayo’y lumilipad at nasa langit na… gusto mo bang sumama?”
Dumungaw sa bintana si Jessica. “Hey, huwag mong kalimutan na tuloy ang lakad natin sa G4 bukas!” Sigaw nit okay Vanessa para marinig mula sa pag-iingay ni Joshua.
“May gimmick kayo bukas?” tanong ni Billy, kumalas ito sa kanya. “Hindi kami kasama?” itinuro nito ang sarili at si Joshua na hininaan ang volume ng stereo pagkarinig sa sinabi ni Jessica.
“Sorry, pero sa aming mga girls lang yun” si Jessica ang sumagot, sabay pisil sa pisngi ng boyfriend nito. “Well, it’s not actually a gimmick per se.”
Dumungaw sa bintana ng kotse si Joshua. “Teka, at bakit kayo lang ang allowed magkaroon ng official lakad na yan ha? Samantalang kami ni Billy, ni hindi man lang pwedeng umalis ng hindi kayo nakagwardya.”
Nagkatinginan sina Vanessa at Jessica. “And how do we know na hindi nga kayo gumi-gimmik na kayong dalawa lang?” ani Vanessa, seryosong sinalubong ng tingin ang mga mata ng boyfriend.
Sinenyasan naman ni Billy ng tingin si Joshua upang depensahan ang sinabi niyang iyon. Ngunit walang masabi si Joshua. He just continued singing.
“Exactly,” aniya nang walang maisagot si Billy. Pagkatapos ay mabilis na hinalikan ito sa labi. “But don’t you worry. Nagpapasama lang naman si Jessica para don sa damit na gusto niya eh, pagkatapos ay uuwi na kami. Gusto lang niya ng say naming ni Julia bago niya iyon bilhin.”
“Gusto mo ba munang samahan kita rito, hon?” tanong ni Billy, pagkatapos ay tinitigan siya nito sa paraang kabisado na nya. “Besides, sa isang araw pa naman ang balik ng parents mo, di ba?” bulong pa nito, pagkatapos ay idinampi ang mga labi sa earlobe niya, that sent shivers down her spine.
“Hey, love birds, tama na yan!” sigaw ni Joshua mula sa loob ng sasakyan. “Maaga pa ang klase ko bukas.!”
Napa-shit sya sa gulat nang bumusina ito. Alam niya at ni Billy na sinadyang gawin iyon ni Joshua upang mang-asar.
“One of these days, mapapatay ko yang best friend mo,” she said irritably, rolling her eyes. Pagkatapos ay ikinulong niya sa kanyang mga palad ang gwapong muka ng boyfriend niya. “Next time na lang, Billy, Okay?”
Itinago na lamang ni Billy ang disappointment sa mga ngiti. “I’ll call you.”
“Pare tara na!” sigaw ni Joshua mula sa loob ng sasakyan.
Vanessa planted a long wet kiss on Billy’s lips bago ito nagmadaling tumuloy sa passenger’s seat.
Bumusina muna sa kanya si Joshua bilang pagpapaalam bago nito pinaharurot ang sasakyan. Nang mawala na sa paningin niya ang Mazda3 ay nagtuloy na sya sa bakuran at isinara ang gate.
NASA harap ng computer niya si Vanessa, nakatukod ang siko sa computer table habang sapo ng kamay ang muka. Ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa mouse. She was checking her e-mails.
Napakunot-noo sya nang mapansin niy ang nag-iisang e-mail sa Inbox niya na sa kanya nakapangalan ang subject.
TO VAN. It piqued her curiosity and she opened the e-mail.
![](https://img.wattpad.com/cover/1693788-288-k394062.jpg)
BINABASA MO ANG
ONE MESSAGE RECEIVED
HororTHEY THINK IT WAS A JOKE, SOME SICK JOKE... BUT THEY WERE WRONG, DEAD WRONG