CHAPTER 11

388 4 0
                                    

Julia woke up reeling from a headache that seemed bent on killing her. She thought she needed to do something. Ngunit mahilu-hilo pa siya mula sa pagkakahampas ng ulo niya sa dashboard.

Napansin niyang nasa tapat na ng isang malaki at lumang abandonadong bodega ang kotse ni Billy. Dumilim ang buong paligid nang patayin nito ang headlights, kapaguwa’y ang makina ng sasakyan at hugutin ang susi ng ignition.

Lumabas ito ng sasakyan at tinungo ang tapat ng pinto sa passenger side. Binuksan nito ang pinto at hinatak siya sa braso. “Labas!”

“Billy… please…” hindi pa malinaw ang paningin niya. Natuyo na ang dugong gumuhit sa mukha niya. “Anong gagawin mo? Parang awa mo na…”

“Labas!” he was pulling her out of the car.

“Please…” sinikap ni Julia na ipunin ang lahat ng lakas niya. Inabot niya ang manibela at mahigpit na humawak doon para hindi siya mailabas nito ng sasakyan. She kicked him using her free leg. Nasapol niya ito sa mukha at nabitawan siya nito.

Mabilis na hinila niya pasara ang pinto sa gilid niya at ini-lock iyon. Mariing pinindot niya ang busina ng kotse. Ngunit pakiramdam niya’y walang makakarinig sa paghingi niya ng saklolo. Sa tingin niya’y dinala siya ni Billy sa gitna ng kawalan.

“Huwag mo na akong pahirapan pa, Julia!” he growled. Pagkatapos ay sadyang ipinakita nito sa kanya ang susing hawak nito. He waggled the car keys, na tila ba gustong ipakahulugan nito na hindi niya matatakasan ito. Isinusi nito ang pinto.

Sinikap niyang hilahin iyon upang hindi nito iyon mabuksan. Umiiyak sya habang nakikipaghatakan dito. “Parang awa mo na… gusto ko nang umuwi.”

Umiling ito. “Hindi ka pwedeng umuwi, Julia.” Mas malakas ito kaysa sa kanya kaya halos sumama siya sa pinto nang mahatak nito iyon pabukas. Mabilis na nahablot nito ang buhok niya at tuluyan siyang nailabas ng kotse.

Nagpapalag siya sa mahigpit na hawak nito. Dama niya ang paghapdi ng anit niya. Sinikap niyang abutin ang mukha nito at kinalmot iyon.

He yelped in pain. It was enough to free her from him. Sinikaran niya ito sa tagiliran nito.

Bumalandra si Billy sa harap ng kotse.

Nang mabitawan siya nito ay tumakbo siya palayo rito. Hindi niya alam kung saan siya tatakbo. Sa pagkataranta niya ay tumakbo siya patungo sa lumang bodega upang doon magkubli.

Paglingon niya ay nakita niyang nanlilisik ang mga mata ni Billy na pinapanuod lamang ang pagtakbo niya. “Tumakbo ka na hanggang gusto mo, Julia!” he called after her, into the darkness, making no attempt to come after her. “You can run… but you can’t hide.”

MADILIM ang buong bodega. Ang tanging nagsisilbig gabay kay Julia ay ang mumunting liwanag na nagmumula sa bilog na buwan sa kalagitnaan na tumatagos sa sira-sirang yero ng bodega.

Natatakot at natataranta siya. Naglaho na ang pawis at luha sa buong mukha niya. Naghahabol siya ng hininga. Hindi niya alam kung nasaan na siya at saan siya pupunta.

Nakarating siya sa tila back door ng bodega. Her heart leaped. She felt a sudden spark of hope. Ang buong akala niya’y makakatakas na siya ng tuluyan… but the steel door would not budge.

Napalingon siya nang umalingawngaw sa buong bodega ang pangalan niya.

“Juliaaa…” tinig iyon ni Billy. Palapit ang tinig nito sa kanya.

Kaagad naghanap siya ng mapagtataguan. Ngunit hindi siya magawang itago ng ingay ng mga yabag niya—dahilan upang madaling matunton siya ni Billy.

“Juliaaa…”

She stood for a moment in a dark corner, her heart pounding in her ears. She wrapped her arms around her shivering shoulders. She didn’t know what to do.

ONE MESSAGE RECEIVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon