Josh hindi ka na namin mahihintay. Tinawagan kami ng tita Ferny mo dahil na-confine sa hospital ang tito Jojo mo.
Joshua collapsed on his bed, nasa kamay niya ang note na iniwan ng mama niya na naka-post sa fridge. Nakatitig lamang siya sa kisame.
Tumagilid siya ng higa nang mag-flash sa isip niya ang sinapit ni Art—ang anyo nito na nabungaran nila kanina. Paano nangyari na wala pang isang buwan ay tatlong taong malalapit sa kanya na ang namamatay?
Gusto niyang kausapin ang papa niya sa lahat ng nangyayari. His father was a retired general. Maaari siyang matulungan nito. Sinulyapan niya ang digital clock sa end table niya—alas-onse na. tiyak niyang bukas na ang uwi ng mga iyon.
“And what if somebody killed him? Someone’s out there wants us dead.”
What if Julia was right? But who would want them dead?
Napabalikwas siya ng bangon nang mamatay ang lahat ng ilaw sa buong bahay. Napatingin siya sa bintana sa labas. May ilaw ang streetlight nila maging sa ibang mga kabahayan.
He thought it could be the fuse. Inabot niya ang cell phone niya at pinagliwanag iyon. Lumabas siya sa silid pababa sa sala. The whole house was in pitch-blackness. Alam niyang naroon ang flashlight sa ibabaw ng TV rack.
Mabilis na natunton niya ang flashlight. Pinagliwanag niya iyon, eksakto namang nag-message alert ang cell phone niya. He had one message received. Binuksan niya iyon at binasa.
Hindi niya nagustohan ang nilalaman ng message. Nakita niya ang pangalan ng sender. Paano nagkaroon ng pangalan ni Karina Ramos ang cell phone niya?
Hinanap niya sa contacts sa cell phone niya ang pangalan nito. Ngunit walang Karina Ramos na naka-save doon—sa SIM man o sa phone memory. He withdrew a deep breath. Hindi niya alam kung paano naging posible iyon. Ngunit natitiyak niyang kung sinoman ang nagpadala niyon ay ito rin ang nasa likod ng e-mail at gusto lamang na matakot.
Then he heard a noise. He felt he wasn’t alone in the house. Kasabay ng hindi maipaliwanag na pag-ahon ng kaba sa dibdib niya ay itinapat niya ang liwanag ng flashlight patungo sa kinaringgan niya ang ingay—papunta sa kusina.
Napakurap siya nang sa tingin niya ay may dinaanang tila bulto ng isang tao ang liwanag sa flashlight. Mabilis na ibinalik niya roon ang liwanag. But no one was there. Namalikmata lamang sya.
Nagtuloy siya sa kusina papunta sa fuse box. Gusto niyang kaasaran ang ingay ng mga yabag niya na nangingibabaw sa labis na katahimikan. Nagdaragdag lamang iyon ng hindi niya maipaliwanag na kaba.
Itinama niya ang liwanag ng flashlight sa fuse box. Inabot niya ang switch niyon at itinaas-baba iyon. But nothing happened. Muli ay nag-message alert ang cell phone niya na halos ikatalon niya sa gulat.
“Shit,” he muttered to himself. Binasa niya ang message kasabay ng ingay na umalingawngaw sa likuran niya.
He jumped out of his skin, held his bread. Napaikot siya kasama ng flashlight sa direction ng pinagmulan ng ingay. Nakita niyang nahulog ng alaga niyang pusa ang isang glass coaster mula sa mesa.
“Church…” aniya sa pusa at mabilis na pinahid ng likurang palad ang malamig na pawis na nagsulputan sa noo niya. Napahugot siya ng malalim na hininga at binalikan ang message sa cell phone niya. Sinubukan niyang tawagan ang use number niyon.
“Hello?” aniya nang matapos ang ilang ring. Ngunit nanatiling tahimik ang kabilang dulo ng linya. “Hello, sino ito? Gago ka! Kung sino ka man, hindi mo ako kayang taakut—“ natigilan siya nang mapansing ume-echo pabalik sa kanya ang lahat ng sinabi niya. Tila ba ang tinatawagan niya ay nasa loob mismo ng bahay niya.

BINABASA MO ANG
ONE MESSAGE RECEIVED
HorrorTHEY THINK IT WAS A JOKE, SOME SICK JOKE... BUT THEY WERE WRONG, DEAD WRONG