CHAPTER 12

400 5 0
                                    

Julia didn’t know if it was just a dream. But in her mind she saw what really happened that night a year ago. Tila ba naroon siya mismo at nasaksihan niya ang lahat. Nakita niya kung paano pinatay ni Billy si Karina. Kung paano nangyari iyon ay hindi niya alam. Ngunit ano ba ang hindi hindi niya paniniwalaan sa mga nangyayari? Pinatay ni Billy si Karina at nagmumulto ito. At ngayon ay alam niyang papatayin din siya ni Billy.

Napadilat siya. Sinasarhan ng mahigpit na pagkakasakal ng kamay ni Billy ang kanyang lalamunan, dahilan upang hirap siyang makasagap ng hangin.

May narinig siyang tinig. Tila nanggagaling iyon sa malayo. Hanggang sa unti-unting naglalaho sa pandinig niya ang boses. Unti-unti nang lumalabo sa paningin niya ang mukha ni Billy at ang paligid. She didn’t want to die.

“PAPATAYIN kita. Papatayin kita!”

Bumitaw ang mga kamay ni Billy sa pagkakasakal kay Julia kaya marahas na bumagsak ang katawan nito sa sahig.

“At kapag ginawa mo iyon… papatayin kita. Papatayin kita!”

Nilingon niya ang pinagmulan ng tinig na iyon. Tila nagmumula iyon sa labas ng bodega.

“At kapag ginawa mo iyon… papatayin kita. Papatayin kita!”

Naging malinaw sa pandinig niya ang tila sirang plakang tinig na iyon. Tinig niya iyon. Ngunit alam niya kung kanino at kalian niya sinabi ang paulit-ulit na mga salitang iyon. Ngunit saan posibleng manggaling iyon?

Napatingin siya kay Julia na walang mala ysa paanan niya. He knew there was no way she could escape him. He would finish her off later. Sadyang dinala niya ito sa dating pagawaan ng semento sa isang di-mataaong lugar sa Antipolo. Madali na para sa kanya na ibaon ito nang buhay sa lugar na iyon.

“Papatayin kita… papatayin kita! Papatayin kita… papatayin kita!”

Tinunton niya ang pinagmulan ng tinig na iyon. Dinala siya niyon sa labas ng bodega, papunta sa Honda Civic niya. Palakas ng palakas ang tinig habang papalapit siya roon. At gayon na lamang ang pagtataka niya nang Makita niyang galing iyon sa cell phone niya.

“Paanong…?” natagpuan niya iyon sa ilalim ng driver side. Natatandaan niyang humulagpos iyon sa kamay niya kanina at hindi na naisip na pulutin pa. dinampot niya iyon.

Nagpe-play sa recorder ng cell phone niya ang paulit-ulit na tinig niya. Ngunit paano nangyari yun? Bukod sa hindi niya natatandaang na-record ang pangyayaring iyon ay noong nakaraang buwan lamang siya nagpalit ng unit ng cell phone.

Iniisip pa niya iyon nang mapansing may one message received siya sa cell phone niya. Nang Makita niya ang pangalan ng nagpadala niyon ay halos panawan siya ng ulirat. There is no way he could have saved her name in his phonebook!

Billy FAJARDO GOT INTO A CAR ACCIDENT. HE WAS TRAPPED INSIDE HIS CAR WHEN IT BURST INTO FLAMES.

Napailing siya. Isinantabi niya ang takot na unti-unting umaahon sa buong pagkatao niya. Binalikan niya sa phonebook ng cell phone niya ang pangalang Karina Ramos. Ngunit wala siyang nakita kahit na ang pangalang iyon na nakaregister sa inbox niya.

Then he felt something cold hold his arms. Bigla siyang napalingon. His eyes grew wide with fear as he opened his mouth to scream.

Dahan-dahang napaatras siya, pagkatapos ay mabilis na pumasok siya sa kotse niya at binuhay ang makina.

Hindi ito totoo… hindi ito totoo…  paulit-ulit na sinasabi niya sa sarili habang pinahaharurot niya ang kotse niya sa kalsada palayo sa lumang bodega.

Hindi siya sigurado kung nakita nga talaga niya ang nakita niya o gawa lamang iyon ng kanyang imahinasyon. Binuhay niya ang stereo upang mabawasan ang kaba at takot. But all he got was a static sound. Nakakabingi iyon na halos magdugo ang tenga niya.

Billy howled in pain. Sinikap niyang patayin ang stereo. At sa eksaktong pag-abot niya sa knob niyon ay siya namang pagsulpot ng isang babae sa gitna ng kalsada.

Mabilis na kinabig niya ang manibela upang iwasan ito. Sa dulas ng kalsada at bilis ng pagmamaneho niya ay umekis ang kotse niya bago iyon mag turn turtle. Tumama sa isang post eng kuryente ang kotse niya.

Tumumba ang poste sa opposite side na direksyon ng kotse niya at napatid ang mga kable ng kuryente.

Naging mabilis ang mga pangyayari. Namalayan na lang niya na halos nakahalik na ang mukha niya sa basag na windshield. Nakataob ang kotse niya at nakaharap siya sa kalsada. His dad would surely kill him for what happened to his car.

Then he started to feel the pain. Pakiramdam niya ay may baling tadyang siya. His face was covered with wet, warm blood. Hindi na niya alam kung saan siya may sugat. Ang ilong niya’y sinasalakay ng amoy ng dugo at… gasolina.

His eyes widened in terror. Kitang-kita niya ang pagtagas ng gasolina ng sasakyan niya sa kalsada, patungo sa napatid na kable ng kuryente na malikot na humahalik sa kalsada.

Terrified, he yanked the door open. Ngunit nakaharang sa pintong iyon ang natumbang post eng kuryente. Sinikap niyang gumapang papunta sa pinto ng passenger side. Naramdaman niyang may butong tumunog sa kanya. He cried in pain.

Then a shimmer of something white caught his eyes in the distance. It was her. She stood frozen in the middle of the dark road. Ang babaeng iniwasan niyang mahagip ng kotse niya ay matagal nang patay. Kahit nakabaliktad ang tingin niya rito ay alam niyang nakangisi ito sa kanya. Her eyes burned with manic, unbridled hatred.

Its gaze met him. And his face twisted into a grimace as he screamed loud. Hanggang sa wakas ay nagliyab ang gasolina nang dampian ito ng kable ng kuryente. Naglaho sa paningin ni Billy si Karina nang salakayin siya nang apoy.

Nangibabaw ang isang nakapangingilabot na sigaw mula sa loob ng nagliliyab na Honda civic sa katahimikang iyon ng gabi.

JULIA was walking through the graveyard, a dozen roses in her hands. She came to a stop when she reached Karina Ramos’ headstone.

“Rest in peace, Karina.” Inilapag niya ang mga bulaklak sa ibabaw ng libingan nito. The nightmare was finally over. She stood there for a moment of silence, pagkatapos ay napayakap siya sa sarili nang maramdaman niya ang ginaw na bumalot sa kanya.

ONE MESSAGE RECEIVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon