CHAPTER 9

388 5 6
                                    

“Pwede mo na bang sabihin sa akin kung tungkol saan itong gusto mong sabihin at bakit kailangan pa nating puntahan si Joshua sa kanila?” tanong ni Billy habang nagmamaneho, glancing at her from the corner of his eye.

Napahugot siya ng malalim na hininga at nilingon ito. “Billy, anong kinalaman ni Art at Joshua sa pagkamatay ni Karina Ramos?”

Kitang-kita niya kung paano nagsalubong ang mga kilay nito sa tanong niyang iyon. “Anong ibig mong sabihin?”

She was about to open her mouth nang antalahin siya ng pag-ring ng cell phone ni Billy sa dashboard. Siya na ang umabot niyon para dito.

“Ang daddy ni josh… tumatawag,” aniya nang Makita sa screen ang pangalan ng caller. Biglang may kumabog sa dibdib niya. Hindi niya gusto ang kanyang biglang naramdaman.

Inabot iyon ni Billy at sinagot. “Yes, tito…” anito na hindi na muli pang nagawang makapagsalita.

Hindi alam ni Julia kung bakit kinabahan siya. Nakita niyang pinanginigan ng baba si Billy. Something must have been wrong. Bumilis ang tibok ng puso niya. May nangyari kayang masama kay Joshua?

God, wag naman sana, tahimik na dalangin niya.

Hanggang sa dahan-dahang huminto si Billy sa pagpapatakbo ng sasakyan at iginilid iyon sa kalsada. Humulagpos sa kamay nito ang cell phone. Then he started crying.

“Anong… anong nangyari?” alam na niyang hindi maganda ang maririnig niya, ngunit gusto pa rin niyang makatiyak.

Marahas na hinampas ni Billy ang manibela. “S-si Josh…”

Hindi. Oh, God, please… huwag pati si Joshua. Napatakip siya ng bibig. A strangled cry bubbled her throat. For a moment she feared she would faint.

“No…” impit na sabi niya.

“Natagpuan na lang siyang patay sa loob ng kotse niya.” Marahas na inabot nito ang kamay niya at pilit inihahampas iyon sa muka nito. “Please, sapakin mo ako! Sapakin mo ko Julia! Gusto ko ng magising, Julia! Gusto ko nang magising sa masamang bangungot na ito.”

Umiyak lamang sya. Umiiyak siya ng umiyak. Sana nga ay isang masamang panaginip lamang ang lahat. Na magigising na lamang siya sa mismong gabi na masayang magkakasama sila sa bahay ni Vanessa.

“You have to tell me, Billy, ano ang kinalaman nina Joshua at Art sa pagkamatay ni Karina noon?” she sobbed, tears blinding her vision.

Unti-unting pumanaw ang mga hikbi nito sa sinabi niya.

“Billy, making ka. Hindi totoong nagpakamatay si Karina. Pinatay siya, Billy. Pinatay siya,” mariing sabi niya. “At ngayo’y naghihiganti siya, Billy. Ano ang kinalaman ng mga kaibigan mo sa nangyari sa kanya? Alam kong alam mo ang sagot. This wont stop hangga’t hindi nabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Karina.”

Napailing lamang ito. “A-anong sinasabi mo? Di kita naiintindihan, Julia. Nagpakamatay si Karina Ramos. Alam ng lahat na nagpakamatay siya.”

“Tingnan mo ito, Billy.” Kinuha niya mula sa bag niya ang journal ni Karina. “Journal ito ni Karina—“

“Paano napunta yan sayo?” pinanlakihan ito ng mga mata habang binubuklat niya ang sa harap nito ang journal.

“Nakuha ko ito kay Art,” paliwanag niya.

“Kay Art?” a bewildered look came across his face.

“Oo. Nakuha ko ito sa kanya noong bago siya matagpuang patay. And he was trying to tell me something, Billy. Listen to me. Nakalagay rito sa journal ni Karina na buntis siya. Buntis siya kaya hindi niya magagawang magpakamatay. Isinulat niya iyon mismo rito. Pinaglaruan siya ng kung sinomang lalaki na tinutukoy niya rito sa journal niya. And that guy was threatened dahil nabuntis niya si Karina, takot na mabunyag sa lahat kaya pinatay niya ito.”

“Ngayong patay na Art at maging si Joshua, it only means na may kinalaman sila sa pagkamatay ni Karina, Billy. At ngayon ay naghihiganti si Karina sa lahat… sa lahat ng nagmalupit sa kanya! Kung may alam ka, magsalita ka.” Her voice cracked with the last word.

Mababakas sa buong mukha ni Billy ang hindi pagkapaniwala sa lahat ng sinabi niya.

“Julia, this is crazy and you’re giving the creeps,” napapailing na wika nito, pagkatapos ay tinangkang agawin nito ang journal mula sa kanya. “Nasisiraan ka na. hindi pwedeng bumalik ang patay na.” binuksan nito ang bintana ng kotse at akmang ihahagis sa labas ang journal.

“Billy, huwag!” binawi niya sa kamay nito iyon. Sa paghablot ay napunit ang cover niyon. May naabot ang kamay nya—isang panyo.

Inabutan niya ako ng panyo bago siya umalis. Hindi ko ipinamunas iyon sa akin. Ayokong madumihan iyon. He has his name on it. Itinago ko iyon.

Agad na nakita niya ang pangalan na nakaburda sa panyo.

Her mouth parted in shock. Fear crept down her spine. Napasinghap siya.

Takot na napatingin siya kay Billy, fear creeping into her eyes. “Ikaw?”

Nagtagis ang mga bagang ni Billy. Pinihit nito ang susi sa ignition at saka pinaharurot ang kotse.

“Ikaw ang pumatay sa kanya…” pakiramdam ni Julia ay umikot ang paningin niya. Mabilis na kinalas niya ang seatbelt at sinikap na buksan ang pinto sa gilid niya ngunit naunahang i-lock iyon ni Billy sa button sa pinto sa side nito.

Nagpa-panic na siya sa mabilis na pagpapatakbo nito ng sasakyan. Diretso ang tingin nito sa daan.

“Billy, please… huwag mong gawin ito!” pagmamakaawa niya rito, shaking her head vehemently, trembling with fear. “Natatakot ako! Billy, please!”

Naisip niya ang cell phone niya. Kinuha niya iyon sa ag niya. Nanginginig ang mga kamay na sinubukan niyang i-dial ang numero ng papa niya.

Hinablot iyon ng isang kamay ni Billy, pagkatapos ay inihagis nito iyon sa backseat.

Napaiyak si Julia sa kawalang magawa at sa takot. At that moment he was not the Billy she knew. She felt like she was with a stranger—a mad man.

Inagaw niya ang manibela rito. Sandaling nag-swirl sila sa kalsada. Ngunit nanaig si Billy. Hinablot nito ang buhok niya at marahas na inihampas ang mukha niya sa dashboard. She thought she screamed, but barely a croak came out.

Julia let out a tiny cry. Her head pounded in pain. Pagkatapos ay naramdaman niyang may likidong umaagos sa mukha niya—dugo.

Umikot ang paningin niya. Hanggang sa magdilim ang lahat sa kanya.

ONE MESSAGE RECEIVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon