CHAPTER 4

693 5 2
                                    

Mabilis na nakita ni Jessica ang wallet niya, nagpasalamat na walang ibang nakapulot non. Ang totoo’y mas pinanghihinayangan niya ang wallet niya dahil Louis Vuitton iyon kaysa ang hindi na makapasok dahil wala siyang ID.

Palabas n asana sya nang maramdaman niyang kailangan niyang gumamit ng CR. She quickly threw herself into one of the cubicles and locked the door firmly behind her.

When she was done with her business, she pulled her pants up. At sa eksaktong pagtayo niya ay naramdaman niya na may sumagi sa ulo niya na kung anong bagay na nasa itaas niya. Napatingala si Jessica upang malaman kung ano iyon.

What she saw made her heart leap to her throat. Bumulaga sa kanya ang nakabigting bangkay ni Karina! Yumuko ito at pinanlakihan siya ng mata.

Jessica’s chilling scream filled the girl’s comfort room.

Natumba siya sa kinatatayuan niya nang panlambutan siya ng mga tuhod sa takot. Sandaling hindi siya makagalaw sa matinding takot na sumanib sa kanya. Kitang kita niya kung paano unti-unting kinakalag ni Karina ang telang nakabigti sa leeg nito upang makababa patungo sa kanya.

Nanginginig ang mga tuhod na sinikap niyang tumayo mula sa malamig na tiles. Mabilis na tumakbo siya palabas ng cubicle papunta sa pinto.

Bago siya makahawak sa knob ng pinto ay nahagip ng mga mata niya ang nakasulat sa malaking salamin sa tapat ng lababo.

Babala: mangkukulam si Karina! Isinulat iyon gamit ang pulang lipstick.

“No…” she whimpered. Natatandaan niyang siya mismo ang nagsulat niyon—sa ganoong paraan. Ngunit noong nakaraan taon pa iyon nang utusan siya ni Vanessa na gawin iyon. Tandang tanda pa niya.

Sa dulo ng hallway ay naroon sina Vanessa at Jessica. Nasaksihan nila ang pagkakabunggo ni Karina kay Billy at ang pag uusap ng mga ito. Marahang siniko ni Jessica sa braso si Vanessa. “Look who’s all over your boyfriend…”

Napairap lamang si Vanessa at saka nagpameywang. “Like she’s a threat.” Mapang-uyam na tumawa ito. Pagkatapos ay may inilabas itong pulang lipstick sa bag at iniabot iyon kay Jessica.

“Bakit mo ibinibigay sakin yan?” tanong ni Jessica

“May ipapasulat ako sayo sa girl’s CR mamaya”

A wicked grin flashed through her face, getting the idea. Kinuha niya ang lipstick kay Vanessa…

She turned the doorknob, ngunit hindi iyon bumukas. Kahit anong pilit niyang pihit sa knob ay hindi bumubukas ang pinto.

Overhead, the light started to flicker. She started to panic. Hinampas-hampas niya ng kamay ang pinto.

“Buksan niyo to!” nagsimula na siyang umiyak. “Parang awa niyo na, tulungan nyo---“ Halos mapatiran siya ng hininga nang maramdaman niya ang malamig na kamay sa kanyang balikat--- crawling, feeling.

“Josh! Josh!” she didn’t bother to look behind her. Pinaghahampas niya ang pinto habang ang isa niyang kamay ay hindi malaman kung paano pipihitin ang knob. Naramdaman niya ang malamig na umakyat sa leeg niya. She felt all the hair on her neck prickle as the sound of distant breathing reached her ears.

“Josh! Please! Tulungan nyo ko!” pakiramdam niya ay hangin na lamang ang lumalabas sa lalamunan niya sa kakasigaw. Hanggang sa maramdaman niyang nawala ang tila yelo sa lamig na kamay na nakahawak sa kanya. Wala na ang paghinga sa likuran ng tainga niya.

She shut her eyes tight. Naririnig na niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso at ang sunod sunod na paghinga niya na animoy kinakapos siya ng hangin, sa katahimikang biglang namayani sa buong CR.

ONE MESSAGE RECEIVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon