CHAPTER 10

392 4 0
                                    

Hindi nito napansin na makakasalubong siya nito. Bumangga sa dibdib niya si Karina. Matutumba sana ito ngunit nasalo niya ito sa mga braso.

Kitang-kita ni Billy kung paano pamulahan ito ng mukha. Matagal na sandaling napatanga ito sa kanya.

Karina tried to open her mouth to say something, but no words came out.

“I’m sorry,” wika niya rito na hindi pa rin pinakakawalan ang braso nitong hawak niya.

“H-hindi, kasalanan ko,” nahihiyang sabi nito. “Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Pasensya na,” paumanhin nito sa kanya. Saka ito tumalikod at nagmamadaling umalis.

Napangiti lamang si Billy sa nakita niyang reaksyon nito. Nang tuluyan nang mawala si Karina ay saka lamang siya kinantyawan nina Art at Joshua na sandaling natahimik mula sa likuran niya.

“You have a candidate, pare,” Art suddenly announced.

“Sino? That blair witch?” hindi makapaniwalang sabi niya.

“Ang sabi mo, kung sinong unang babaeng makakasalubong mo?” ani Joshua na natatawa pa sa nangyari. “At hindi mo lang siya nakasalubong. Nabangga mo pa sya na tila eksena sa isang pelikula.”

Napakibit-balikat lamang siya. “Walang problema sa akin,” kampanteng tugon niya. “Well, maganda naman si Karina, ah. Yun nga lang weirdo.” Natawa siya.

“Okay. Kailangang ma-beat mo ang score ko at kailangan, may pruweba kang maipapakita,” ani Art. May inilabas ito mula sa bag na isang maliit na notebook.

The best of friends Billy, Joshua and Art called it “CHICKS LIST.” Doon sa maliit na notebook na iyon, nakasulat ang lahat ng mga babae na pinagpustahan at naka-sex nila. At nagpaparamihan silang tatlo.

At sa pagkakataong iyon, isa sa mga kandidato si Karina Ramos. Isinulat ni Art ang pangalan nito sa ibabang column ng mga naka-sex ni Billy. Tatlong libo ang nakatayang pusta rito.

“Ihanda na ninyo ang tigwa-one thousand five hundred niyo,” aniya sa dalawa. “Dahil in just one week, makukuha ko na sya.”

“Mga pare, tama na yan,” pabulong na wika ni Joshua. “Parating na sina Van at Jess.”

“Tagal nyo naman. Kanina pa namin kayo hinihintay,” nababagot na wika ni Jessica nang makalapit ito at si Vanessa.

Mabilis na isinilid naman ni Art sa bulsa ng pantaloon ang chicks list.

“Okay. Let’s go guys,” ani Billy na lihim na kinindatan ang dalawang kaibigan niya.

NAPUNO ng tawanan ang cafeteria. Pinagtatawanan nila si Karina na kasalukuyang tumatayo mula sa pagkakasaldak nito sa sahig. She was a complete mess. Tumapon dito ang spaghetti mula sa tray na dala-dala nito.

“Oh my God! Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo,” ani Vanessa tutop ang dibdib na tila nabigla sa nangyari dito. Pagkatapos ay nagaya nang tumayo si Jessica.

Nang mauna ang apat sa kanya ay dumukot ng panyo sa bulsa ng pantaloon niya si Billy. Nalimutan niyang iyon ang panyong iniregalo sa kanya ni Vanessa noong huling anniversary nila. Sadyang pinaburdahan nito iyon ng pangalan niya.

“Here.” Inabot niya iyon sa kahabag-habag na si Karina, pagkatapos ay pinahid niya ng daliri ang spaghetti sauce sa gilid ng mga labi nito. Halatang may ilang kababaihan ang nabigla sa ginawa niya.

Pilit ang pag-iwas nito ng tingin sa kanya nang kuhanin nito ang panyo.

“Mag-iingat ka next time,” aniya rito bago ito tinalikuran at sinundan ang mga kaibigan.

ONE MESSAGE RECEIVEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon