Pagwawakas

12.8K 170 11
                                    

Pagwawakas

Rhen's POV

Being a parent is hard but whenever you saw your baby it will change your life. When baby Kier came into our lives, he changed me, not only me but also Zack. Yung tipong hindi na gaano namin iniisip ang ibang bagay-bagay dahil nakatutok na lang kami sakanya. Mas priority namin siya. Si Zack nga maaga ng umuwi kapag galing sa trabaho, si baby agad hinahanap at pinupuntahan. Di na nga niya ako maalalang e kiss eh!

"Babe! Kumain ka na!" Tumayo ako at inabot sakanya ang bata.

"Alagaan mo muna!" Sabi ko habang inaayos yung damit ng bata. Aalis na sana ako ng bigla ako nitong kabigin at madaliang hinalikan sa labi.

"I know you missed this, babe!" Husky yung boses niya! Hinalikan ulit ako nito. Napipisa na namin yung bata eh!

"Napipisa na natin yung bata! Baby Kier huwag mong tularan ang Daddy mo! Masyadong maharot!" Sabi ko na ikinatawa ng loko!

"Magmamana saakin yan! Mas matindi nga lang saakin!" Pilyo pang sabi nito! Inirapan ko lang siya!

Alam ko namang lalaki si Kier na gwapo eh, pero huwag lang sanang makuha ng bata yung pagiging fvckboy ng tatay niya! Sasakit ang ulo ko!

Day passed. Kier is growing, mabuti nalang hindi na siya umiiyak, dahil noong una masyado siyang iyakin. Halos mabaliw kami ni Zack sa pagpapatahan sakanya.

"Nasan si Zack?" Kanina pa ako naghihintay sakanya, magte-ten na ng gabi. Usually kasi mga 5 nandito na siya ang pinakamatagal niyang dating nasa 5:30. Nakakapagtaka naman ngayon!

"Tawagan mo!"

"Kanina ko pa siya tinatawagan hindi niya sinasagot! Lagot saakin yun eh!" Inis na sabi ko. Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan siya! After 3 rings sinagot niya sa wakas!

"Nasaan k-"

"Sino to?" Napatigil ako. Bakit boses babae yun? Nambababae naman ba siya?!

"Asawa niya ito! Bakit na sayo ang cellphone ng asawa ko?!" Galit na sabi ko! Narinig kong natawa yung nasa kabilang linya!

"Girlfriend niya ito!" Kinuyom ko ang kamao ko! So all this time niloloko ako ng lalaking yun! Damn him!

Mabuti nalang at hindi pa kami nakakasal! Nasabi ko lang na asawa niya ako dahil baka matinag yung malanding babaeng yun! Fvck them!

"Paki sabi sakanya wala na siyang babalikan! Di na niya makikita ang anak namin!" Iyon lang at pinatay ko ang tawag! Agad naman akong dinaluhan ni Ate Rhess.

"What happened?" Hindi ako sumagot! Bakit ba hindi ako nadadala! Cheater is always a cheater! Bakit ba hindi ko maintindihan iyon?

"Nagtext saakin si Tita na kakain tayo ng late dinner sa labas! Si Manang na muna ang bahala kay baby Kier. And after that pumunta tayo ng bar para lumamig ang ulo mo!" Tumango nalang ako.

***

Pagkarating namin sa isang fine dinning restaurant, nagtaka ako dahil masyadong maraming tao sa labas tila may pinagkakaguluhan sila, may reporter pa nga akong nakita eh! Hinawakan ko si Ate.

"Huwag na tayong tumuloy Ate, may nangyayari ata dito!" Hindi nagpahila si Ate. Yung mga tao naman nag give way na tila ba inaanyayahan akong dumaan sa harap nila. Nangunot ang noo ko.

Hinila naman ako sa harap, at nakita ko si Zack na nakangiti doon. Yung reporter naman nasa gilid nito at nakaharap ng bahagya saakin ang camera.

Naguluhan ako, ano bang nangyayari? Bakit may ganitong eksena? Hindi matanggal ang tingin ko kay Zack. Manloloko! Huminto kami sa harap nito, umalis naman sa tabi ko si Ate.

Fvck Buddies [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon