Chapter 11
"Ano? Itatapon mo na naman yan?" Sabi ni Thea. Kinuha ko yung bouquet of roses na nasa upuan ko. Di ko na kailangang basahin pa yung letter na naka'attach doon dahil kilala ko kung sino ang nagpapadala!
"Oh! Sayo na!" Nilapag ko yung flowers sa harap niya! He's wasting his money! Tsk!
"Nga pala! Nakalimutan kong itanong kung kilala mo ba si Eng. David. Nakita ka kasi ng ibang student noong isang araw na niyakap ka niya behind the back! May di ka talaga sinasabi saakin eh!" Tila nagtatampong sabi nito. Inirapan ko lang siya.
"Wala yun! Namali lang yung tao! Akala niya ako yung ex niya!" Sagot ko.
"Patawa ka? Ang ganda mo naman para maging ex nun!" Inirapan ko na lang siya ulit! Kung alam mo lang Thea! Siya ang ama nitong dinadala ko! Ayoko munang isabi sa kanya ang totoo!
***
"Rhen, let's talk!" Mabilis akong naglakad. Sinusundan naman niya ako. Ang tigas din ng isang to eh!
"Rhen please.... Babe!" Napahinto ako at napapikit! Matindi talaga ang epekto niya saakin!
Kaya nga nasasaktan ako eh! Hindi ko matanggap na may kalampungan siyang iba! Gusto ko, ako lang! Selfish mang pakinggan pero iyon ang totoo. Masakit lang dahil wala akong karapatan magalit sakanya dahil wala namang kami.
"Ano pa ba ang pag-uusapam natin?" Hinarap ko siya at tinignan ng seryoso, but deep inside gusto ko ng matumba dahil sa kaba.
"I miss you!" Sabi naman nito.
"Oh? Di halata! Anyways, huwag mo na akong guluhin pa, di pa ba malinaw sayo na tapos na yung pagiging fuck buddy natin? Bye!" Tinalikuran ko na siya. Hinawakan naman nito ang braso ko at nilingon ko siya, agad naman nitong sinakop ang aking labi. Mabagal lang ang halik nito.
"I love you! Please, don't go!" Niyakap ako nito ng mahigpit. Gusto kong maniwala pero natatakot ako, natatakot ako na baka katulad din ako ng mga babae niya. Trip lang niyang makasex. Kinalas ko ang yakap niya.
"Tama na Zack! Pinapatay mo 'ko eh! Alam kong collection mo lang ako. Alam ko na rin na kilala mo si Ate Rhessane! Di mo ba alam na may gusto sayo ang Ate ko? Oh! Mabuti na lang din at hindi mo nalaman dahil kapag nagkataon! Kabilang na rin siya sa collection mo! Huwag mo na akong guluhin pa!" Tinalikuran ko na siya, kasabay nun ang pag-agos ng luha ko. Hinawakan ko ang tiyan ko.
'Baby! Sorry kung wala kang magigisnang tatay! Pinapangako ko sayo na gagawin ko ang lahat para mapunan ang pangangailangan mo!'
Pinunsan ko ang luha ko.
***
"You must be, Veronica Rhen right?" Isang matangkad na babae ang bumungad saakin. Nakataas pa ang kilay nito.
"Ah yeah?! Why?" Takang tanong ko dito. Pamilyar yung pangangatawan niya pero di ko alam kung saan ko ba yun nakita!
"Finally! I met the girl who stole my boyfriend!" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Nangunot naman ang noo ko. Pinagsasabi nito?
"Wala akong ninanakaw na boyfriend sayo! Di nga kita kilala eh! Kung naghahanap ka ng kaaway huwag ako! Ngayon lang kita nakita dito ah! Mabuti naman pinapasok dito!" Sarcastic na sabi ko.
"What do you mean? Of course, papapasukin ako dito, I have connections!" Mataray na sabi pa nito.
"Ahh k! Sige aalis na ako." Hinawakan ako nito sa braso. Napa-aray ako dahil parang bumaon yung mga kuko niya sa balat ko.
"Huwag kang bastos! Ano bang nagustuhan niya sayo?" Mas lalong bumaon ang kanyang kuko.
"Ano bang pinagsasabi mo?!" Pasigaw kong sabi.
"Masyadong nahuhumaling sayo si Zack! Alam mo bang kami pa noong dumating ka! Nagtaka nalang ako dahil di na niya ako tinatawagan! May pinagkakaabalahan na pala siya!" Marahas kong tinabig ang kamay niya. At hinarap siya.
"Bakit ka saakin nagagalit! Bat di mo sakanya sabihin ang pinagpuputok ng butsi mo! Di ko na kasalanan kong naibigay ko sakanya ang pangangailangan niya! Nasaan ka ba ng mga panahong kailangan niyang iputok ang kalibugan niya?!" Sinampal niya ako at tinulak ako ng malakas kaya napa-upo ako sa semento, nakaramdam ako ng pananakit niyang tiyan, tumayo ako at bigla akong nanginig ng may dugo na dumausdos sa legs ko pababa sa aking paa.
"Hindi! Yung baby ko! Tulungan niyo ako!" Umiiyak kong sigaw.

BINABASA MO ANG
Fvck Buddies [COMPLETED]
RomanceIs it possible that the Fvck Buddy turns to Fvck Lovers?