Chapter 3 - Sa Leeg

14.8K 340 55
                                    

"Akala ko tayo lang?" Iyon ang tanong ko kay Eli. Umiling lang siya. Kilala ko na naman kung sino ang inimbitahan niya. I should know. Bago ang araw na ito ay kasama ko si Hannah na pumili ng bagong damit. She even bought for me. I just bought a new pair of flats dahil sa sinabi ni Puti pero hindi ko ginamit ang pera niya. Balak kong ibalik iyon sa kanya.

Ilang linggo na rin matapos ang libing ni Lola Basyang. Hindi ko alam kung hanggang kailan sina Eli rito pero pinapanalangin ko na sana ay magtagal pa siya. Alam kong may inaasikasong pagmamay-ari si Tita Ruth dahil tinutulungan siya ni Mama at araw-araw ay nagtatanong ako ng updates kay Mama. Pasimpleng pagii-stake-out ko kay Eli.

Bihira kong makita sa burol si Puti, I mean si Ezekiel. Sabi ni Eli abala raw ito sa business nila rito sa Pilipinas dahil balak na ng kanilang Daddy na rito na siya palagiin. Pinapanalangin ko na sana si Eli na lang iyon at hindi si Ezekiel. Para lagi ko siyang makita at makakausap.

"Saan mo gustong pumunta?" Tanong ko kay Eli. Nakaupo kami sa may veranda ng aming bahay at naghihintay sa pagdating ni Hannah.

"Tanungin natin si Hannah." Napangiwi ako sa sinabi ni Eli. "Ayan na pala siya."

Nagulat naman ako sa suot ni Hannah. Pulang-pula ito. Hindi ko maalala na binili namin ang pulang bestida na iyon na hapit at dumikit sa magandang hubog ng katawan niya. Nakaheels din ito. Napatingin naman ako sa suot ko at sa suot ni Eli. Pareho lang kaming nakapantalon at t-shirt. Magmumukhang alalay ata kami ni Hannah sa suot namin.

"Hindi na pala ako sasama,"biro ko kay Eli.

Kumunot ang noo ni Eli sa sinabi ko.

"Bakit?" Umiling lang siya sa akin.

"Tara guys!" Yakag ni Hannah sa amin.

"You look very sexy." Napalo ko sa balikat si Eli sa sinabi niya. "What? I am just telling the truth."

Nakita ko ang pamumula na naman ni Hannah dahil sa sinabi ni Eli gaya ng damit niya. I know this sign. I know the signs perfectly.

Nauna na si Eli sa amin para paandarin ang sasakyan. Lumapit ako kay Hannah at binulungan ko siya.

"What are you wearing? Ang aga-aga. Saan ka rarampa?"

Inirapan lang ako nito.

"I never criticize you Niel in your choice of clothes so back of."

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon