Chapter 5 - A crazy idea

14.5K 326 59
                                    

"Ma'am someone's looking for you." Sign language ng estudyante ko.

"Where?" Senyas ko. Itinuro ako ng estudyante ko sa may pinto at nakita kong nakatayo at nakatingin si Eli. Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita ko siya.

Kumaway siya sa akin at ngumiti. Tumayo ako sa kinauupuan kong table at kaagad nilapitan siya sa may pinto.

"Kamusta? Napadalaw ka?" Nakangiti kong bati sa kanya.

"Eto, okey naman. Nice, your school is nice. Your dream of teaching deaf and mute."

Napangiti ako sa sinabi niya. Pinapasok ko siya sa loob ng klasrum ko at pinaupo sa may tapat ng table ko. Buti na lang at tapos na ang klase ko sa araw na ito. May mangilan-ngilan na nga lang estudyante ko na nasa eskwelahan pa dahil sa mga meeting ng school organization na sinalihan nila.

"Kamusta? Anong sadya mo?"

Wala akong ma-offer sa kanya na kung ano dahil wala naman ako nakaimbak na pagkain sa klasrum.

"I went to your house. I brought all the shoes that Zeke bought for you." Nabigla naman ako sa sinabi niya.

"Seryoso? Binili niya talaga ako. Iyan si Puti talaga hindi ako titigilan na asarin." Napailing na lang ako.

"He actually asked me for your shoe size. I dunno why he asked before but now I know." I can feel that there is something amiss with Eli. Hindi ko lang mapinpoint kung ano iyon.

"Ang laking isyu sa kapatid mo kasi ng sapatos ko. Ewan ko ba dun. Bakit ba ganoon iyon?"

Ngumiti lang siya sa akin.

"It's because of my Dad. My Dad always reminded him when we were younger and he was training him for the business that, good shoes will take you to places. If you want to attain something the first thing you have to do is to wear the shoes that you would supposed to wear when you attained the goal."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Eli. But then bakit laging pangit ang sinasabi niya sa shoes ko at hindi niya na lang sabihin na na hindi bagay iyon sa dapat patunguhan ko. Well, knowing the old Puti, ginagawa niya lang iyon para asarin at pagtripan ako.

"Okey... kaya pala. Pero hindi niya dapat pinapakialaman ang ibang tao. Wala akong balak na suotin ang binili niyang sapatos."

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon