Chapter 12 - The Start

11.9K 311 69
                                    

'You become what you behold.' Kanina pa iyon paulit-ulit sa utak ko.

Inimbitahan kaming dalawa ng kuya ko ni Seth sa church nila. Nagulat nga ako ng tinext ako ni Seth at iniimbitahan niya kami ni kuya kung gusto raw namin sumama sa church nila. I find it weird noon una na mag-imbita siya, kahit din pala si kuya ay tinext niya at pareho sana kaming pupunta dahil matagal na rin silang di nagkikita ni Seth kaya nga lang ay may tawag na nareceived si kuya na emergency daw sa construction site at kailangan siya. Sa huli ay ako ang natira. Gusto ko na sanang magback-out dahil wala si kuya pero magaling ang convincing skills ni Seth. Susunduin pa raw niya ako sa bahay at ginawa niya nga iyon kahit ang layo ng bahay namin.

"How did you find it?" Tanong sa akin ni Seth habang pababa ng building kung saan nandoon ang church nila.

"I was actually surprised by how lively it was. Ang gaganda rin ng mga kanta ninyo." Sa totoo lang unang beses kong umattend ng Christian service, at dahil doon marami akong iniisip kung ano nga ba ang itsura at kung paano ba ang pagtitipon nila. May pagkakahawig rin pala iyon sa relihiyon ko.

"Kung gusto mo iyon mga kanta bigyan kita ng kopya. Nasa kotse ko yun thumb drive tapos kopyahin mo na lang." Tumango ako. Nagustuhan ko kasi talaga ang mga kanta nila.

"Gustung-gusto ko rin yun preaching ni Pastor Paul. You become what you behold."

Ngumiti lang si Seth sa akin.

"Annointed talaga si Pastor Paul sa pagsasalita. Madalas convicted ako sa mga preaching niya."

"Talaga?"

"Oo, para kasing alam na alam niya ang bawat pinagdadaanan ng nga miyembro ng church. Minsan sa pagsasalita niya nasasabi ko talaga sa utak ko na ako iyon. At kailangan talagang iadmit mo sa sarili mo na ikaw iyon... pero may nagpoprompt sa'yo para iadmit iyon... yun Holy Spirit kaya ka convicted." Napangiti naman ako sa sinabi ni Seth. Hindi ko akalain ma ganito pala kalalim ang paniniwala niya. "So-sorry kung hindi mo naiintindihan nadala lang ako pero kung free ka every Sunday sama ka lang sa akin dito sa church. Masarap makinig ng word of God." Hindi ko mapigilan mapangiti sa sinabi niya.

Tumuloy pa kami sa ibaba ng building sa isa sa mga kwarto doon at may mga kumpulan ng tao. Halos lahat sila ay masayang nagkukwentuhan at ng makita nila ako na papasok kasama si Seth ay ngumiti sila ng malaki sa akin. Pinakilala ako ni Seth sa mga tao at sila rin ay isa-isang nagpakilala. Marami sila pero ang tumatak sa isip ko ay ang leader nila na si John at ang asawa niya na si Belle at ang kapatid ni Seth na si Esther. Ramdam ko naman ang mainit na pagtanggap nila sa akin. Palagay ko ang ganda ng grupo ni Seth.

"Lunch naman tayo, Niel. Libre ka ni Kuya Seth." Palagay ko naman ay nagulat si Seth sa salitang libre. Mukhang hindi siya prepared.

"Ahm, okey lang kahit na hindi libre." Sagot ko kay Esther.

"Hindi si kuya ang bahala sayo." Bumulong pa kunwari si Esther pero malakas rin naman. Mukhang pinaparinig niya talaga.

"Sure, kain tayong lunch." Tumango na lang ako pagkasabi ni Seth maglalakad na sana ako ng marinig kong tumunog ang phone ko. Si Mama tumatawag.

"Ma? Bakit po?" maingay sa background ni Mama para bang may announcement na hindi ko maintindihan.

"Pauwi ka na ba? Pumunta kang St John's hospital. Nandito kami." Kinabahan naman ako sa sinabi ni Mama.

"Bakit po Ma? May nangyari kay Papa?" Nagulat naman ako ng kinuha ni Esther ang kamay ko at pinisil iyon tsaka ngumiti sa akin na para bang inaassure ako.

"Walang nangyari sa Papa mo. Nandito si Ezekiel, pina-confine na namin sa hospital. Isang linggo na palang nilalagnat. Tumawag ang Tita Ruth mo kanina at pinapapilit na magpunta siya ng ospital. Tumuloy ka na dito at wala siyang kasama. Aalis rin kami mamaya ng Papa mo at mag-aanak sa kasal."

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon