Naiiyak ako sa nakita kong message sa phone ko. Naiinis ako. Sinabi niya kasi na susunduin niya ako pero meroon daw siyang urgent meeting na kailangan puntahan at magtaxi na lang daw ako. To think na first time ko lang sa bansa na ito at kakarating ko lang. Alam kong busy siya. Sa apat na buwan pamamalagi niya sa Singapore iyon lang ang napuna ko. Pero kahit ganoon naman ay gumagawa siya ng paraan para makapag-usap kami o makapagvideochat. Pero ngayon, naiinis ako hindi man lang niya ako masundo sa airport at binigay niya lang sa akin ang address ng hotel ko at babayaran na lang daw niya ako ng taxi fare ko. My emotions are going haywire. Alam kong nagiging bugnutin ako this last few months at sobra-sobra ang emosyon ko pero iba ngayon. Reasonable ang inis ko sa kanya.
Huminga ako ng malalim pagkalampas ko ng immigration. Malaki ang airport na mukhang mall pero buti na lang at may mga clear at big signages na nagtuturo kung saan ako pupunta.
May nakita akong phone at free call. Kaagad kong dinial ang phone number niya pero wala akong nakuhang sagot. Palaging napupunta sa mailbox niya. Kalma lang Niel, kaya mo 'yan. Huwag mo na lang siyang pansinin kapag nagkita kayo mamaya. Nakakainis at nakakatampo talaga siya.
"Thank you." May lalaking tumulong sa akin sa luggage bag ko.
"No problem po." Natuwa ako at nay narinig akong nagsalita ng Filipino. "Pakiramdam ko kasi nahihirapan ka." Ngumiti sa akin ang lalakeng chinito.
"Salamat ulit." Inayos ko na ang luggage ko at maglalakad na sana ako nang marinig kong muli ang boses ng lalake.
"Taga-saan ka rito sa Singapore?" Lumingon ako sa kanya. Nakangiti pa rin ang lalake.
"Hindi ako taga-rito. Bumibisita lang."
"Ah talaga? Sinong binibisita mo? Kapatid mo?" Napangiti ako. Masyadong magiliw ang lalake na'to.
"Hindi. Boyfriend ko." Na kasalukuyang kinaiinisan ko.
"Oh...boyfriend alert. Sorry." Natawa ako sa sinabi niya. "Sige paano, ingat ka. See you again." Nauna na sa akin ang lalake.
"Sa-saglit." Salita ko. Natigilan ang lalakeng chinito at tumingin sa akin. "First time ko lang dito sa Singapore at...at pinagtataxi ako ng boyfriend ko kasi may urgent meeting siya at hindi niya ako masusundo. Pwede mo ba akong tulungan maghanap ng taxi? Hindi talaga ako pamilyar dito."
"Ganoon? First time mo rito tapos hindi ka niya susunduin? Not a good sign." Umiling-iling lang siya. "Tulungan na kita sa luggage mo."
"Hi-hindi na. Tulungan mo na lang ako sa taxi." Ngumiti sa akin ang lalake.
"Okey. Tara, turo ko sa'yo yun taxi stand." Pareho na kaming naglakad palabas ng arrival gate.
Natigilan ako sa nakita ko ng unang paghakbang ko pa lang palabas ng gate. Si Ezekiel. Nakasuit siyang itim at may dala siyang placard na nakalagay ay 'Baby'. Ngiting-ngiti siya sa akin at nag-init ang mukha ko ng makita ko siya.
"Miss tara...hatid na kita sa taxi stand." Napalingon ako sa lalakeng chinito.
"I-I think no need na. Salamat sa tulong mo. Nandito ang boyfriend ko."
"Nasaan? Ohh..." Palagay ko ay nakita niya rin kung saan ako nakatingin. "Si-sige Miss, mukhang nandiyan na pala ang sundo mo."
Tumango ako.
"Salamat." Naglakad ako patungo sa kanya na nakangiti sa akin.
"Welcome, baby." Sinalubong niya agad ako at niyakap niya ako ng mahigpit. "I missed you." Bulong niya matapos ay hinalikan niya ako sa labi.
"Ang sama mo. Nakakainis ka alam mo ba 'yon?" Gusto ko pa sanang mainis sa kanya pero hindi ko rin kinaya. Namiss ko siya ng sobra at ayokong masira ang araw ko dahil lang sa inis ko.
