"Magandang hapon po." Bati ko sa nanay nila Esther at Seth. Inimbitahan kasi ako ni Esther sa bahay nila sa di ko rin alam na dahilan. Sinabi niya lang na magluluto siya ng baked macaroni at kung gusto ko raw pumunta. Sinabi niya rin na last week ay house warming ng bagong bahay nila kaya pahabol na house warming daw ito. Pumayag ako kasi wala rin naman akong ginagawa dahil Sabado. Bakasyon na rin kasi at hindi na kami masyadong busy sa school. Wala ng lesson plans, wala ng reports at wala ng exam na gagawin.
"Oh hi Niel! Ang gandang bata naman nito, Esther." Niyakap ako ng nanay nila. Nahiya naman ako sa sinabi niya. Hindi kasi totoo. "Call me Mamita, okay?"
"Mamita." Ngumiti si Mamita sa akin.
"Mamita, siya po ang kapatid ni Romel." Napatingin ako sa likod at nakita ko si Seth na mukhang bagong ligo. Mukhang ang bango-bango niya at ngayon ko lang siya nakitang bagsak ang buhok.
"Oh no wonder. Nasa genes niyo na talaga ang pagiging matangkad." Ngumiti na lang ako kay Mamita. Maliit lang kasi si Mamita. "Teka, nasaan si Romel? Bakit di mo sinama?"
"Busy po, Mamita. May trabaho." Tumango siya sa akin.
"Luto na ang baked mac!" Excited pa na sigaw ni Esther. Nasa kusina kaming lahat at ang ganda ng bagong kusina nila. Pinaupo ako ni Mamita sa may counter at umupo sa tapat ko si Seth. Binigyan kami ni Mamita ng plato at sinalinan ng juice. Naamoy ko naman ang amoy ng baked mac fresh from the oven at nagutom ako bigla.
"Favorite ng buong pamilya ang baked mac ko Niel. Sana maging favorite mo rin." Nilapag ni Esther ang baked mac sa may gitna ng counter sa tapat namin ni Seth. Ngiting-ngiti si Seth palagay ko dahil sa sinabi ni Esther.
"Kuya, magdasal ka na."
"Sure. Okay let's pray." Napangiti naman ako dahil kay Seth. Kasi kung sa amin ito at pinagdadasal kami malamang turuan ang magaganap. Pero mukhang iba ang pamilya ni Seth.
"Thank you God for this day. Thank you for bringing Niel here safe. I pray that she may enjoy her short stay here in our house and may we will be a great company to her. I also pray for Esther and Mamita who prepared this delicious food. God, may you always bless them and bless the work of their hands. I also pray for the food on our table God, may you make it holy o Lord, purify it, sanctify it so that it's nourishment may not only fill our stomachs but our souls. We thank you for all of this God and we pray all this in Jesus name. Amen." Malakas na nagsalita ng amen si Esther at Mamita at kahit ako ay napa-amen na rin. Palagay ko ay ang ganda ng prayer ni Seth.
"Kainan na," salita ni Esther. Pinaghainan niya muna si Seth, ako matapos ay si Mamita at ng mabigyan na niya ang lahat ay naglagay na siya sa sarili niya.
"Ang sarap," sabi ko kay Esther. Masarap talaga ang baked mac niya. Nagluluto rin ako nito pero hindi ganoon kasarap. "Pahinging recipe."
Tumawa lang si Esther sa sinabi ko.
"Ayaw kitang bigyan para kapag nagluto ulit ako pupunta ka nalang sa amin."
"Nambablackmail ka na naman." Sabi ni Seth.
"Itong si kuya talaga kj. Pero joke lang. Bigay ko sa'yo mamaya. May paglulutuan ka ba?" Umiling lang ako.
"For my own consumption." Salita ko sabay ngiti.
"Wala naman pala kuya eh. Ano 'yun kwento mo sa akin noon nakaraan?" Napatingin ako kay Seth sa sinabi ni Esther. Anong kwento iyon.
"Wala akong kinukwento Niel. Nagtanong lang kasi itong si Esther sino raw iyon binantayan mo sa ospital. Sabi ko si Zeke." Tumango ako.
"Sino si Zeke?"
"Kababata ko, Esther." Tumango siya. "Hindi ko siya boyfriend o anuman. Wala kasi siyang pamilya rito at kami na yun pinakamalapit sa kanya para maging pamilya." Paliwanag ko. Ayokong magkaroon na naman ng maling intindi ang ibang tao sa kung anong meroon kami ni Ezekiel. "Kilala rin siya ni Seth. Magbabarkada sila dati."
