Chapter 8 - New Year Happenings

12.8K 309 121
                                    

Lahat kami ay nakapolkadots dahil na rin sa utos ni Mama. Bisperas ng bagong taon at labing-limang minuto na lang at bagong taon na. Handa na ang mga bilog na prutas sa mesa, luto na ang pang-media noche at nakalabas na rin ang mga fountain at paputok na binili ni Kuya. Samantalang ako ay hinanda ko ang malaking torotot na binili ko pa noon isang taon. Handa na kaming mag-ingay.

"Nasaan na raw siya?" tanong sa akin ni Mama.

"Parating na yun, Ma." At automatic bumungad sa pintuan si Hannah. Dito rin siya makikicelebrate ng bagong taon dahil ang buong pamilya niya ay umuwi sa kanilang probinsya. Nakapolkadots na bestida rin si Hannah. Nakailang taon na rin siyang nakikicelebrate sa amin.

"Thank God nakaabot ako. Happy New Year, family." Niyakap niya kami isa-isa. Pero ng ako na ay tiningnan niya muna akong mabuti bago niyakap ng mahigpit. "Another year of our friendship passed. Thank you, bestfriend." Ngumiti ako kay Hannah. Pakiramdam ko ay malungkot siya at hindi ganoon kalively ang boses niya.

"Nandito ka na pala, anak." Pareho kaming napalingon ni Hannah sa sinabi ni Mama. Nakabungad sa pintuan ang hindi ko ineexpect na tao na makita. Si Ezekiel at nakaswal lang siya na damit at gaya ng theme ng bagong taon namin nakapolkadots din siya.

"Sorry I'm late." Kaagad siyang naglakad patungo sa magulang ko, nagmano at yumakap. Matapos ay nagbatian din sila ni kuya na hindi ko alam ang tawag. "Hi!" Bungad at ngiti niya sa amin ni Hannah at titig na titig siya kay Hannah.

Tumango na lang ako samantalang si Hannah ay tinaasan siya ng kilay.

"1 minute na lang!" Sigaw ni kuya. Naglakad kami ni Hannah papunta sa labas at sumunod si Mama at Papa. Samantalang bumaba ng bahay si kuya at Ezekiel at pumunta sa may kalsada kasama ng ibang nga taong naghahanda ng mga paputok nila sa may kalsada ng subdivision namin.

Nagcountdown na kami at sa eksatong pagsapit ng hatinggabi ay sinindihan ni kuya ang mga paputok at nag-ingay na ang mga tao sa buong paligid namin. Pinatunog namin ni Hannah ang torotot samantalang sina Mama at Papa ay pumunta sa loob para laksan ang speaker. Ilang minuto rin ang lumipas at naubusan na kami ng hininga ni Hannah sa pag-ihip ng torotot, sumunod rin humina ang tugtog ng bahay at ubos na rin ang paputok ni kuya. Manaka-naka na lang ang pagpapaputok ang naririnig namin kaya pumasok na kami ni Hannah sa bahay. Kainan na.

Hinihintay na kami nila Mama at Papa sa mesa, buffet style ang pagkain pero hinihintay kami dahil dapat ay sabay-sabay kaming magdadasal for the year ahead. Naging tradisyon na namin lagi. Dumating na sina kuya at Ezekiel at sumama na rin sa amin.

"Let's pray, " sabi ni Mama. Naghawakan kami ng kamay at kinuha ko ang kamay ni Papa at ni Hannah. Nakita ko na lang na nagkatinginan si Hannah at Ezekiel dahil sila ang magkatabi. Alangan kukuhanin ni Hannah ang kamay ni Ezekiel. "Anong problema, Hannah, Ezekiel? Nagkakahiyaan ba kayo?" Umirap lang si Hannah.

"Hindi po Mama." Hinablot ni Hannah ang kamay ni Ezekiel at nagsimula na siyang magdasal.

Natapos na ang pagdadasal ni Mama at nagkanya-kanya na kami ng kuha ng pagkain. Pansin ko lang na sa tuwing magkakasabayan si Hannah at Ezekiel ay sisimangot si Hannah at iirap samantalang si Ezekiel ay mag-smirk lang ng nakakaloko. Hindi ko alam ang nangyayari sa dalawa. Mukha silang magkaaway pero mas inis na inis si Hannah.

Naupo na kami ni Hannah sa harapan ng tv. Meroon kasing program ang channel 3 at nanuod kami.

"Bakit nandito ang lalake na yun?" Bulong pa sa akin ni Hannah.

"Mukhang inimbitahan siya ni Mama. Wala kasi siyang pamilya rito. " Doon na lang din ako napaisip. Wala rito ang pamilya ni Ezekiel para makasama niya. Nalungkot naman ako sa kanya para sa pagkakataon na 'to.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon